41

32 5 13
                                    

Sumakay ako sa sasakyan habang lumilipad ang isip ko sa sinabi ni Philie bago sila umalis kasama ng pamilya niya.

Paano niya nakilala si Harris?

Kelan niya pa kilala si Harris?

Anong meron? Bakit parang may alam siya tungkol sa amin ni Harris?

Bakit niya alam na bumalik na siya?

Did they met before?

Sa pagkakaalam ko kasi, walang binanggit si Harris sa akin about kay Philie nung kami pa. Nung hindi niya pa ako iniwan.

Kahit kaunting impormasyon kay Philie ay wala akong narinig mula sa lalaking yon simula nung nakuha niya ang loob kong makipagkaibigan sa kanya. Ni hindi niya nabanggit ang pangalang Philie habang nag uusap kami kapag may oras kami sa isa't isa.

Unti unting nagliwanag ang mukha ko nang may maalala akong sitwasyon kung kelan niya nabanggit ang pangalan ni Philie.

That was the day when I figured out that he was sick. He was on phone that time, talking to someone and I am not mistaken because I am very sure he uttered that name "Philie". I remembered that he was so angry talking to that phone call. I also thought Harris was cheating on me.

Ano ang koneksyon nilang dalawa?

May bagay bang di ko nalalaman nung mga panahon na iyon?

Bakit parang alam lahat ni Philie ang mga nangyari?

Napabuntung-hininga ako dahil gulung-gulo ang isip ko. Did they just kept that secret behind my back? How am I supposed to believe it? Hindi ko namalayang naglalakbay na pala ang sasakyan namin na minamaneho ni Lee. Kanina pa siya hindi umiimik. Siguro dahil ang alam niya ay isang milyon na ang binigay ko don sa lalaki kanina. Galit siguro to.

"Hey it's not that high amount." I clarified myself but he still look pissed. Natawa ako dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

Ang cute niya magalit. His eye brows are meeting each other. It's obvious that he's gritting his teeth inside his mouth. Halata dahil umiigting ang panga niya habang mahigpit ang hawak niya sa manibela. Focus na focus siya sa daan.

"Hey calm down" mahinahong saad ko. "It's just an amount to support their needs. Hindi naman aabot sa ganon" pag eexplain ko.

"You did it again." Malamig na turan niya habang nagmamaneho.

"The last time you gave that high amount of money was someone who was not worthy" may halong gigil sa boses niya. Hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko naman yon. "And imagine you gave that so easily without background checking? Tapos pinang-sugal lang yong perang bigay mo. I just don't want you to repeat that mistake again. I. Am. Your. Manager." Galit na dagdag niya.

"It's just 350,000 pesos. Ano sa tingin mo, I'm that stupid enough? It's their choice if they will abuse the money I gave or not. Ang mahalaga malinis intensyon ko at gusto kong tumulong" inirapan ko siya at umayos ng upo. Sa pagkainis ko ay humalukipkip ako at kunot noong ibinaling ang ulo ko sa bintana ng sasakyan.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan habang naglalakbay ito pauwi. Hindi ko na siya papansinin mamaya. It's just 350,000 galit na siya agad. Pinaghirapan ko naman yun at nagsusweldo siya nang maayos sa kompanya nila Selena kung saan ako nagtatrabaho. Sa totoo lang hindi niya naman kailangan sana maging manager ko dahil sobrang yaman na ng pamilya ni Lee, kaso mas nag insist siyang maging independent at hindi puro hingi ng pera sa mga magulang niya.

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon