36

44 2 0
                                    

Ilang oras nalang ay magpapasko na ngunit nandito pa din kami sa ospital, binabantayan si Harris. Hindi ko man pinapahalata ngunit unti unti na akong nanghihina dahil parang hindi na gagaling si Harris. Mas lalong nangangayat ang buong katawan niya, masyado na din siyang sensitibo sa mga bagay bagay, nagigising siya lalo kapag natutulog, kahit mahinang tunog lang. Minssn bumibilis din ang palpitation ng puso niya o hindi kaya ay naninikip ang dibdib nito dahilan ng pagsigaw niya dahil sa sakit.

Nasa tabi niya lang ako kapag inaatake siya ng sakit niya. Pinapakalma ko siya. Ramdam ko ang higpit ng paghawak niya sa akin habang iniinda ang sakit niya sa puso. Hindi ako makaiyak dahil ako ang pinagkukuhaan niya ng lakas. Hindi din nawala sila Rea sa tabi ko, dahil natataon na kapag bumibisita sila ay sinusumpong ang sakit ni Harris.

Salit-salitan sila na samahan ako habang binabantayan si Harris. Saka lang ako makakaikak kapag huminahon na si Harris at nagpapahinga. Nasa labas kami ng mga kaibigan ko. Wala silang magawa kundi ang yakapin at pagaanin ang pakiramdam ko. Kitang kita ko ang awa sa kanilang mata na dahilan ng karagdagang panghihina ko.

Pero nangako ako na hinding hindi ko iiwan si Harris hanggang hindi siya gumagaling. Handa kong i-risk ang kalusugan ko para lang sakanya. Para mabantayan ko siya at maalagaan. Hinding hindi ko siya iiwan sa ganitong sitwasyon.

Naglilinis ako dito sa room niya ngayon, habang siya naman ay natutulog, maingat lang ako dahil kapag nakagawa ako ng ingay ay maiirita talaga siya. Katatapos ko siyang pakainin ng tanghalian niya at pagpainom ng gamot.

Nag matapos akong maglinis ay maingat kong nilagay ang dustpan at walis sa gilid ng hindi naglilikha ng ingay para hindi magising si Harris nang marinig ko ang boses niya.

"Faith?" Mahinang tawag niya sakin. Napatingin naman ako sakanya at lumapit agad dito. Kitang kita ko ang panghihina sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Naglakad ako papunta sa direksyonn niya at umupo sa upuan na katabi ng kama niya.

"Yes? Is there anything wrong?" Tanong ko saka ko hinaplos ang ulo niya.

"I know you're tired of taking care of me, but feeling ko maggigive up na ako. Hindi ko na kaya, Faith" saad niya. Kitang kita ko ang pamumuo ng mga luha niya sa kanyang mga mata.

"I'm letting you go. I'm breaking up with you" nanghihinang saad niya. Bumuhos ang luha niya habang nakatitig sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, nanikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga ng maayos.

"What are you saying?" Kunot noong saad ko. Hindi ako makaiyak sa harap niya dahil alam kong mas manghihina siya kapag nakita niya akong umiiyak.

"Harris, I'm not leaving you here suffering to that fvcking illness of yours okay? Hindi ako papayag na maghiwalay tayo dahil lang sa punyetang sakit mo na yan" saad ko sakanya. Huminga siya ng malalim saka tumitig sa akin.

"Look at you, hindi mo man sabihin alam ko pagod ka sa pag aalaga sa aki--"

"Yes! I'm tired! I'm stressed! I'm sad! I admit that Harris, pero yung papalayain mo ko sa ganitong sitwasyon? No! I won't leave you here until you're finally healed. Okay?"

"Nahihirapan ka na--"

"So what kung nahihirapan? Harris girlfriend mo ako, at obligasyon kong alagaan ka, obligasyon kong pasayahin ka, obligasyon kong mahalin ka. Walang maghihiwalay, love. Walang hiwalayan." Nagsimulang mamuo ang mga luha ko sa mga mata ko habang nakatingin kay Harris. Kinuha ko ang kamay niya saka ko ito hinalikan.

"Even you're at your worst. I won't leave you. Ganun kita kamahal so let me stay and take care of you" saad ko.

"Nahihirapan ka na dahil sa akin--"

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon