23

25 4 15
                                    

Nang matapos na ang klase namin ngayong hapon ay sinalansan ko na ang mga gamit ko at nilagay ko sa bag.

"Faith" tawag ni Glenn, napatigil naman ako at lumingon sakanya.

"Bakit?" I asked and then I continue putting my things inside my bag.

"Sabay tayo puntang gate?" Saad niya. Napakunot naman ang noo ko habang saka tumingin sakanya. Wala ba siyang kaibigan? Bakit siya sakin lumalapit? Parang baliw talaga.

"Glenn--"

"I know na may boyfriend ka, but I-I just want to be your friend" saad niya. Napatingin naman kami sa mga babaeng ngayon ay nagpaaalam na kay Glenn saka naghagikgikan. Lumingon ulit ako kay Glenn at nagtama ang mga tinginan namin sa isa't isa.

"Seloso si Harris, Glenn" maingat na saad ko. Ngumiti naman siya sa akin saka humakbang ng isang beses palayo sa akin ngunit pinigilan ko siya sa paghawak ng braso niya, napatigi din ako sa ginawa ko kaya naman binawi ko din agad ang kamay ko, habang siya nakatingin don sa parte ng braso na nahawakan ko sakanya tumingin sa akin.

"Pwede naman kita maging kaibigan, but you know uh- distance?" Unsure na saad ko, ngumiti naman siya sa akin. He lend me his hand, so I reach for it, nakipagkamayan ako sakanya saka ako ngumiti sakanya.

"Sorry ha? Siguro kapag class hours lang tayo pwede maglapit, ayaw ko kasing nagseselos si Harris o mag isip ng hindi maganda." Saad ko. Natatakot kasi ako na baka ito ang pagmulan ng away namin ni Harris kaya dumidistansya ako kung kinakailangan.

"Naiintindihan ko, Faith. Sige una na ako. May kailangan din kasi akong tapusin" saad niya saka siya kumaway at umalis ng room. Sinukbit ako ang bag ko saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng palda ko, nagtipa agad ako ng mensahe na ipapadala kay Harris para naman mainform siya na tapos na ang klase ko.

To: Harris 💛
Tapos na po klase ko, wait me there okay?

Wala pa sigurong ilang minuto ay nakatanggap ako ng mensahe mula sakanya.

From: Harris 💛
Sige, I'll wait, kahit gaano katagal yan. Lmao. ILY 😅

Napairap ako sa sinabi niya. Masyadong korni.

Lumabas ako ng room habang ang ibang mga kaklase ko naman ay naglinis na ng room. Sila ang nakatoka ngayon kaya umalis na ako kasi hindi naman ako kasali sa grupo nila.

Naglakad na ako patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Harris.

Nang makarating ako don ay nakita ko na nakatutok siya sa cellphone niya at mabilis ang pagtipa niya doon, nakababa ang windsheild ng sasakyan kaya nakita ko kung gaano kaseryoso ang mukha niya habang nakatutok sa cellphone niya.

Lumapit ako sa sasakyan niya at binuksan ang pintuan ng backseat saka ko nilagay ang bag ko doon, saka ko din sinara. Hindi ko alam kung napansin ako ni Harris dahil tutok na tutok siya sa cellphone niya.

Shut down

Saad ng cellphone niya.

"Pucha naman oh." Pagmumura niya, napakunot ang noo ko sa sinabi niya, ano kaya naman kinagagalit ng isang to?

"Problema mo?" Saad ko nang tagumpay akong makapasok sa loob ng kotse sa shotgun seat saka sinarado ang pinto ng kotse at tinignan siya ng deretso.

"Namatay hero ko. Talo na." Saad niya na para bang guguho na ang mundo niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi
ko maintindihan. Kumuha ako ng puwersa nang makita kong resurrecting palang ang hero niya, hinablot ko ang cellphone niya, saktong nabuhay na ang hero niya.

Nakafull build na siya, at madami na ding pera.

"Kaya ka naman pala namamatay lagi kasi mali ang build mo" saad ko sakanya. Tumawa siya na parang nagbibiro ako, nag alis ako ng tatlong items sa build ng hero niya, pinalitan ko ng thunder belt, raptor machete at endless battle. Pinalakas ko muna ang hero ni Harris na si Karrie, kumuha ako ng buffs, at maliliit na minions para makakuha ng physical potion.

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon