6

77 6 0
                                    

Laging ganun ang senaryo kapag nasa school ako, no choice ako kundi kasama si Harris, ngunit hindi siya gumagawa ng ikakatrigger ko dahil nga takot ako sa tao.

Kung magkasama man kami, isang metro ang layo niya sakin. Minsan hindi din kami nagkikita dahil sa schedule namin.

BS Criminilogy ang kinukuha niyang kurso samantalang ako BSED, Bachelor of Secondary Education. I just want to share my prior knowledge to those students who wants to learn. It's just ironic because I'm so scared to crowded places tapos magtiteacher pa ako.

Matagal ko nang pangarap maging guro, simula pagkabata habang tumatanda ako at nalalaman ko ang mga side stories ng mga teachers ko mas lalo akong naiinspire para maging katulad nila.

Weekend ngayon, at dahil nga sabado hindi nanaman ako lumabas ng kwarto. Habang naglilinis ako, nakita ko yung card ko nung Grade 10.

Tinitigan ko ito ng mabuti, saka napangiti ng mapait.

72
75
71
74
78
76
70

Dahil sa pambubully nila sa akin, hindi ko namamalayan na kinakain na pala ako ng lungkot. Hindi na ako masaya gaya ng dati. Wala akong mapagsabihan ng problema ko.

Pinatawag ako ng adviser namin na pumunta sa facilitators' office kaya sumunod ako.

"I'm so dissapointed Ms. Villanueva" panimula niya nang nakaupo na ako sa harap niya habang ang pagitan namin ay ang lamesa niya.

"B-bakit po Ma'am?" Kinakabahang saad ko.

"You're one of the most excellent student on my class, laging ikaw ang nangunguna lalo na pag ranking. Ang sigla sigla mo dati, Faith anong nangyari?" Saad niya.

Hindi ako umimik. Kung pwede lang isumbong lahat ngunit alam kong hindi nila ako papakinggan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Wendy kumpara sa akin.

"Bumagsak lahat ng grades mo." Saad niya saka niya binigay sakin ang grading card ko.

From the highest grade 99, naging 70. Tinitigan ko lang iyon, wala akong maramdaman, ni hindi ako umiyak sa harapan ng adviser namin.

Patay ako nito.

"Do you have any problem, Ms. Villanueva?" Tanong nito akala mo concern talaga.

"Preoccupied lang Ma'am. Babawi nalang po ako" saad ko.

"Hindi naman yan makakaapekto sa grades mo dahil from 1st grading to 3rd grading puro line of 9 ang grades mo, with highest honor ka pa din naman, kaso alam kong hindi magugustuhan ng mga magulang mo kapag nalaman nila yan" sabi niya.

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon