29

24 3 0
                                    

Hindi na kami nakapag usap ni Harris kahapon. Sobrang busy niya dahil hindi niya man lang masagot ang tawag at texts ko. Naninibago man ako sa nangyaring yon ngunit hindi ko na binigyan pa ng pansin.

Maliit na bagay lang yon para sa akin at hindi naman sa lahat ng oras e kailangan niyang nakatutok palagi sa akin.

Masyado akong sakim pag ganon. Kailangan niya din ng oras para sa sarili niya at naiintindihan ko yon. Lalo na may itatake pa silang exam ngayong araw kaya hindi ko na muna inistorbo.

Nang matapos na exam namin kahapon hindi na ako nagdalawang isip na umuwi na para makapagpahinga. Nag-iwan nalang ako ng mensahe kay Harris na mauuna na ako sa pag uwi. Sinabi niya namang mag ingat ako, bago ko pa man daw magpadala ng mensahe kay Mang Boy ay inunahan niya na ako dahil alam niyang pagod ako kakareview.

Kilalang kilala na talaga ako, ang lakas ng instinct niya.

Paglabas ko ng school, nakaabang na agad ang kotse namin. Sinabi ko kay Harris na galingan niya sa exam at nagpasalamat naman ito. Hinihintay ko ang tawag at text niya kagabi pero mukhang busy kakareview. Masyadong inspired. Hindi ko na muna inistorbo para naman makapag-focus siya sa pag aaral niya at ayos lang ako don.

Sa sobrang sabaw na din ng utak ko kagabi, pagkatapos ko kumain at magshower, natulog na din ako kaagad. Nagpeprepare ako ngayon papuntang school, tinanong pa nga namin sa prof namin kung pwedeng mag civilian dahil tapos naman na ang exam. Pumayag naman ito kaya walang problema.

Nakasuot ako ng yotard na kulay itim saka ko ito pinatungan ng dress na hapit na hapit sa katawan ko at kita ang hubog ng katawan ko, kulay puti ito na may crisscross lines na kulay itim. Pinaresan ko ng sneakers na kulay puti, saka ako nagsuot ng young women necklace na bigay ng young women president namin nang matapos ko ang personal progress ko.

 Pinaresan ko ng sneakers na kulay puti, saka ako nagsuot ng young women necklace na bigay ng young women president namin nang matapos ko ang personal progress ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang nagsusuot ako ng infinity na earings biglang pumasok sa kwarto ko si Mama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang nagsusuot ako ng infinity na earings biglang pumasok sa kwarto ko si Mama. Looking at me with proud face.

"Ang ganda mo naman anak" saad niya. Napangiti ako nang makita ko si Mama. Lumapit siya sa akin habang ako naman ay nakatayo sa harap ng salamin. Hinaplos niya ang kulot kong buhok saka niya ako niyakap galing sa likod.

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon