38

115 3 4
                                    

"Nakikinig ka ba?" Pagpuna sa akin ni Glenn, tumingin pa siya sa likod niya at pinagmasdan ang kotseng papaalis na kanina ko pa tinitignan.

"Pardon? I-i'm sorry, ano, lutang" palusot ko na lamang ngunit hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"You're still thinking of him?" Malumanay na tanong niya sa akin kaya napatitig ako sakanya.

Iniisip ko pa ba siya?

"Do you still love him?" Saad niya. Hindi ako makaimik. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon.

"Nakamove on na ako" saad ko sakanya pero iniwas ko ang mga mata ko habang siya titig na titig sa akin.

"By the way, free ka ba bukas? Mag oopen daw kasi si Selena ng Café niya, kasama si Vlad. Do you want to join?" Pag iiba niya ng topic.

"I'd love to. Oh, nga pala, uuwi na ako ha, sobrang pagod na kasi ako, daming photoshoot kanina. Papalitan yong billboard ng Bench kaya ang daming pictures ang kinuha." Saad ko.

"I'll fetch you tommorow pagkatapos ng mga schedules mo. Huwag ka lang masyadong magpapakastress okay?" Saad niya.

Tumango ako, but still my mind is preoccupied about what I have seen.

SANA HINDI SIYA YON.

I can't imagine seeing him again after he broke me into pieces and left me like shit.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, baka magalit ako sakanya, baka masaktan ko siya ng pisikal, baka umiyak ako.

I DON'T WANT TO BE WEAK. AGAIN.

NEVER AGAIN.

Tama na yong pagbawi ng Diyos sa buhay ni Nanay, tama na yong pananapak sa pagkatao at kakayahan ko. Tama na yong pananakit sa akin ng pisikal at emosyonal, tama na yong iiwan ako sa ere habang binubuo ko yong sarili ko, tama na yong hinarass ako. Tama na. Ayoko na.

I had enough.

I couldn't just carry it anymore. It's too painful.

Too painful. Too painful to experience all of those damn shits. I really need to peace out.

All I want is peace in life.

Mas ayos na din sigurong maging manhid ako para sa susunod na saktan ako, parang wala na lang. Parang kakayanin nalang.

"I'm tired, Glenn. I need to go home now" saad ko. Tumango naman siya sa akin saka niya ako binigyan ng matamis na ngiti. Pinunan niya ang espasyo namin sa isa't isa at niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit na tila ba au ayaw na akong bitawan.

He's there when I needed someone to lean on. Hindi nawala si Glenn sa tabi ko nung mga oras na durog na durog na ako. Hindi siya nawala sa tabi ko kahit na paulit ulit ko siyang tinaboy. Hindi niya ako iniwan nung mga panahong ubos na ubos na ako.

Sa ngayon, hindi ko masasabing masaya ako, hindi ko din masasabing nasasaktan ako. Ang alam ko lang ay kuntento na ako ngayon, stable na ang buhay ko, kuntento ako sa anong meron ako ngayon.

Hindi nawala ang mga taong di ko inaakalang magiging kaibigan ko na hanggang ngayon hindi ako iniwan.

Hinalikan ako ni Glenn sa ulo, matagal. Pinakiramdaman ko iyon. Halatang ayaw niya akong bitawan ngunit kailangan ko nang umalis at magpahinga. Isa pa, ichecheck ko din si Nadia kung kamusta na ang babaeng yon. Siya nalang ang alaala ko kay Nanay Imelda, dahil nang mawala sakin si Nanay, si Nadia na ang batang bersyon niya.

At sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit na binawi niya sakin si Nanay, may pinalit siyang alaala.

Hindi man naging maganda ang unang impression ko kay Nadia, ang mahalaga, tinanggap ko pa din siya at tinuring kong parang pamilya.

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon