10

73 8 3
                                    

(A/N: I'll be featuring our religion here pero sana po wala po magbash. Thank you so much 💖)

I was eating my breakfast when Mama poke me to my shoulder.

"Good morning sweetie" matamis na bati sa akin ni Mama saka umupo sa tabi ko.

Sunday ngayon at may simba kami. Magsisimula kasi iyon ng 9:00 am kaya nagising ako ng mga 6:00 am para makapagprepare.

Nakaligo na din ako ganun din si mama at papa. Nakagarments lang si Papa sa pantaas saka siya nakaslacks. Si Mama naman nakapalit na. She's wearing white blouse na may manggas hanggang siko, may ruffles din sa collar niya na mas nagpaganda sa blouse, she's also wearing black plain skirt na lagpas tuhod, and she's wearing black 3 inches high heels.

"Good morning Mama" bati ko sakanya, si Papa naman binigyan ng kiss sa pisngi si mama saka bumalik sa pagkain.

Members kami sa The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints, o mas kilala ng mga tao bilang mga Mormons.

Simula pagkabata ko ay miyembro na kami dito, hindi pa ako naipapanganak sa mundo, miyembro na din ang mga magulang ko.

Nakapagserve si Papa ng mission for 2 years samantalang kay Mama naman ay 1 year and 6 months.

Dahil jan nainspire din ako na magmission kapag nasa tamang edad na ako para makapagshare ng gospel.

Ikinasal sila Mama at Papa sa Manila Temple na nakatayo malapit dito sa amin. Sa Quezon City. December 30, 2000 sila ikinasal at dahil don Born of Covenant ako.

"Wag kakalimutang magshare ng testimony mamaya, 1st Sunday ngayon" maawtoridad na saad ni Papa.

"Yes Pa" maikli kong sagot. Nakapambahay pa din ako at hindi pa nakakapag ayos ngunit madali nalang ito pagkatapos ko kumain.

Sinabi din ni Mama na sasama si Nanay Imelda para magsimba. Naging miyembro din si Nanay nang namasukan siyang kasambahay dito, pinagbubuntis palang ako ni Mama.

Ang kwento din sakin ni Mama, ipinakilala niya si Nanay sa mga Full Time Missionaries namin para maturuan, gladly she accepted the Gospel and she was baptised.

Nang matapos ako kumain ay nilagay ko sa lababo ang mga pinagkainan ko. Huhugasan ko pa sana pero ayaw ni Nanay Imelda, siya nalang daw mag aasikaso.

Umakyat na ako at pumuntang kwarto para magbihis.

Agad kong inalis ang pambahay ko at inilagay sa isang tabi, gagamitin ko yan mamaya pagkatapos ng simba.

Kumuha ako ng white blouse na hanggang siko din ang manggas katulad kay mama, pero plain lamang ito, saka ko pinatungan ng jumper pero may pagkadress din siya na lagpas tuhod at may kaunting slit sa likod.

Habang inaayos ko ang jumper ko, biglang nagring ang phone ko kaya naman inabot ko ito at sinagot ang tawag.

It's Harris.

"Happy Sabbath Day" bungad niya.

"Happy Sabbath Day din" bati ko. Hindi ko alam ngunit napapangiti ako kapag kausap siya, through phone man o personal.

Nababaliw na yata ako.

"Nakaready ka na?" Tanong niya.

"Ah no, I'm fixing my jumper. Malapit na ako makapagready" saad ko saka bahagyang tumawa.

"Good then, see you there. Ako ang pianist. I'll tell kuya Rolando na ikaw na ang chorister para ikaw partner ko" saad niya.

Biglang uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Wala namang nakakakilig bat ako namumula?

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon