9

50 7 5
                                    

Simula nang makita ako ni Harris na umiiyak sa loob ng C.R. na yon hindi na niya ako iniwang mag isa.

I know it's a little bit strange but I'm always letting him to go near me. Parang nawala yung takot ko sa paglapit sakin ng tao.

Lalo na sakanya. He's doing everything to make me laugh and smile and I am so thankful to have him in my life.

Parang dati, iniiwasan ko lang siya dahil sa sobrang takot kong masaktan ako ng iba, pero ngayon okay na.

Nalaman din nila Mama at Papa na magkaibigan na kami kaya mas lalo namang kumapal ang mukha ni Harris.

Lalo pa ngayon pumasok nalang siya basta basta dito sa kwarto ko habang ako naman nagbabasa ng aaralin para sa midterm.

"Kaya ka kinaiinggitan e, masyado kang masipag mag aral" saad niya saka umupo sa tabi ko.

Napairap ako sa kawalan saka sinara ang librong binabasa ko.

"Hello? Midterms na after 3 weeks, mas okay nang handa no." Saad ko saka humarap sakanya.

Napatawa siya.

"Mamaya mabaliw ka"

"Sakin" dagdag niya.

Biglang umasim ang mukha ko sa sinabi niya.

"Nakakadiri ka" saad ko saka humalukipkip.

Ilang buwan na din ang lumipas simula nung naging magkaibigan na talaga kami. Siguro 5 months na kaya sanay na ako sa mga banat niyang walang kwenta.

"Sus, pag ikaw talaga nabaliw sakin baka kotongan pa kita" sabi niya saka nilalaro ang ballpen ko na nakalapag sa mesa.

"Hinding hindi yon mangyayari. Ang eewwww ng personality mo" sabi ko saka siya binelatan.

"Wow ah, samantalang sinasabi mo na 'i'm so lucky to have you as my friend' 'sana nandito ka lang palagi sakin' 'sana di mo ko iwan' taena mo" he said while mocking my voice and doing make faces saka siya umirap.

Tumawa ako sa ginawa niya.

"Bakla." I uttered unexpectedly.

Tumayo ako saka iniwan sa sa study table ko pero sumunod siya.

"Ano sabi mo?" Di siya makapaniwala sa sinabi ko.

I chuckled a bit.

"Sabi ko bakla ka" saad ko, habang inaayos ang kumot ko na hindi pa natitiklop kaninang nagising ako.

Agad niyang hinablot ang braso ko saka tinitigang mabuti.

"Ulitin mo nga?" He clenched his jaw but I just laughed at him.

Pikunin.

"Bakla ka kako" saad ko.

Hindi ako nakapalag nang ihagis niya ako sa kama saka niya ako kiniliti sa leeg, paa at bewang ko.

"Harris!" Sigaw ko. Halos hindi ako makahinga kakatawa sa ginagawa niya.

"Ano ba! It tickles!" Pabiling biling ako sa higaan habang abala pa din siya sa pagkikiliti sa akin.

"Hoy! T-tigil! Di ako makahinga ano ba!" Saad ko habang tumatawa pa din.

"Sige lang sabihan mo lang akong bakla" panunuya niya.

"O-oo na, h-hindi na!" Tugon ko kahit hindi ako makalaban.

Sobrang lakas pa man din ng kiliti ko!

"H-Harris ano ba! Tama na s-sabi e! HAHAHAHAHA oy tama na! Nakakakiliti!" Tili ko.

"Mabuti sayo yan" sabi niya habang abala pa din sa pagkikiliti sakin.

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon