45

54 3 6
                                    

TW: Hate speech

Hindi pumapasok sa utak ko ang ideyang nakabalik na siya. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, dahil wala akong narinig na balita sakanya nung tuluyan siyang nang-iwan. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa namumuong tubig sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay bumalik lahat ng sakit na binigay niya.

Ayos na ako e. Okay na ako, bakit ka pa bumalik?

Masaya na ako kay Glenn, sasaktan mo nanaman ba ako ulit?

Kung kelan naghihilom na ako...

Hindi ko namalayang tumulo ang mga luha ko, kaya pinunasan ko ito agad at pinulot ang cellphone kong nabagsak dahil sa text ni Dan. Pero tumunog ulit ito at galing ulit sakanya.

"He's planning to see you. Di ko alam kung kailan, hindi ko alam kung saan. I just overheard it from Philie and him having a conversation."

Mas lalong gumulo ang utak ko kakaisip kung paano nalaman ni Dan iyon. Paano? Anong koneksyon ng mag-asawang yon kay Harris?

Mabigat ang pakiramdam kong pumasok sa loob ng bahay at kinuha naman agad nila Fiona at Gina ang bag tsaka heels ko, binigay naman sakin ni Fiona ang slippers ko. Nakatulala lang ako sa baba habang iniisip kung anong mangyayari sa mga susunod na bukas.

Hindi pa ako handang harapin si Harris.

Galit ako sakanya.

"Nakauwi ka na pala." Bungad sa akin ni Papa na nakaupo sa sala. Tumingin lang ako sakanya at walang binanggit kahit isang salita. Nagpatuloy ako sa paglalakad, akma na sana akong hahakbang sa unang parte ng hagdan.

"Are you okay anak?"

Tanong ni papa na nakapagpigil sa akin. My lips trembled because of pain. Pakiramdam ko ay nanghihina na ako dahil sa nabalitaan ko. Nanghihina din ang mga tuhod ko.

I kept my face straight, not staring at him at all.

"I-I'm okay, Pa. Punta na po ako sa taas, pagod po ako makipag-bonding kila Alfred" saad ko at dumeretso sa taas.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama ko nang makapasok ako sa kwarto. Nakaupo lang ako habang ang dalawa kong kamay ay nakahawak sa bedsheet ko. Tulala lang ako at nakatitig sa sahig at tila blangko ang isipan ko. Hindi siya gumagana.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng purse ko at tinawagan agad si Selena. Matapos ang tatlong pag ring ng telepono niya ay sinagot niya ito.

"Yes my love? Are you okay?" Tanong niya agad. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko ngunit nang tanungin sa akin ni Selena yon ay sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.

Pinigilan kong hindi makapag-likha ng ingay ngunit nabigo ako.

"Hey why are you crying? May nangyari ba? Puntahan ba kita?" Rinig na rinig kong concern sa boses niya.

"H-Harris came back. H-he wants to t-talk daw" I stuttered while saying those words. I heard her big gasp about on what I've said.

"What?! For what?! Winning you back?! What the mother fvcking asshole he is! Jusko! Eh kung iwan ka nalang ng ganun ganun lang! Akala mo naman may babalikan pa siya! Atsaka isa pa tangina niyang lalaking yan! He left you with unsaid words! Tapos babalik?! He doesn't even know how wrecked you are when he's nowhere to be found! OMG! I'm so angry to him kaya! Don't talk to him if ever na lumitaw siya sa front mo ha!" Sigaw niya sa telepono kaya napalayo ako nang bahagya sa tenga ko.

"I guess it's time to know his reason why he left" mahinang saad ko.

Nandito pa din sa sarili ko na gusto ko siyang makausap at gusto kong malaman kung ano ang rason niya ngunit natatakot akong harapin siya dahil baka... Baka bumalik yong pagmamahal ko sakanya na ilang taon ko nang inilibing.

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon