1

247 18 6
                                    

Pagkatapos ng quarantine dahil sa pandemic, nagdecide sila papa at mama na magbakasyon sa Palawan. I already took plenty of pictures there. Sobrang soothing ng paligid. Nakakarelax.

Hindi kami gaanong mayaman, hindi rin mahirap, sakto lang.

Last time I checked, I was just letting myself alone, walking along the beach. Hindi ako mahilig makipag inter act sa mga tao. I am an introvert. Takot na takot ako makipag usap, makipagkilala, makipagkaibigan sa mga taong hindi ko sigurado kung dapat ba silang pagkatiwalaan. I am traumatized.

Umupo ako sa buhangin, pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ang ganda ng paligid. Mula sa nagsasayawang mga puno, lagasgas ng mga dahon, ang banayad na pag -alon ng dagat na humahalik sa buhanginang kinauupuan ko.

Napaka-peaceful.

Pinaghalong kulay asul, pula, dilaw at ube ang kalangitan habang malayang lumilipad ang mga ibon. Kung pwede lang na dito na ako tumira, ginawa ko na.

Isa ito sa pinakaperpektong lugar para sakin. Para sa mga taong gusto laging mapag isa.

I used to have plenty of friends when I was young, I used to laugh, I used to be cheerful and jolly, but all of those disappeared in just one snap.

Napaluha ako sa nangyaring yon. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga kahayupang ginawa nila sakin.

Habang hinihintay kong lumubog ang araw ay napagdesisyunan kong maligo sa dagat pagkat mag isa lang naman ako dito at walang istorbo.

Hinubad ko ang tumatabing sa katawan ako at lumantad ang two piece na suot ko.

Inalis ko din ang panali ko sa buhok at nilagay sa isang tabi kasama ang tapis ko saka ako lumusong sa dagat.

Sumakop sakin ang lamig na temperatura ng dagat, napakalinis nitong tignan at hindi nakakasawang lumusong at lumangoy.

Nakakawala ng problema ang pagiging mapag isa. Walang maingay, walang nanggugulo. Sarili mo lang ang iniisip mo.

Simula nang tumuntong ako sa unang taon ko sa kolehiyo ay hindi ko mapagkakailang nagbago ang ugali ko pati na din ang pakikitungo ko sa iba.

Masyadong masalimuot ang napagdaanan ko at nag iwan ito ng malaking marka sa pagkatao ko.

Markang hinding hindi maaalis sa isip ko, dahil malinaw pa din ang mga nakaraan ko.

Nang magdilim ay napagpasyahan kong pumunta na sa hotel dahil alam kong hinahanap na ako ni Mama.

Habang tinutuyo ko ang buhok ko, tumunog ang cellphone ko na nagpapahiwatig na tumatawag ang mama ko.

"Hello, Ma?" Pagsagot ko.

"Where are you? Madilim na oh kung saan saan ka nagpupupunta" Panenermon niya.

"I'm sorry Ma, I just want to have my time alone--"

"You should be here for 10 minutes. Magbihis ka dahil alam kong naligo ka nanaman sa dagat. You used to go with yourself at wala kang inatupag kundi maligo ng maligo sa dagat. Di ka ba naboboring? Bakit hindi ka makigaya sa mga pinsan mong mahilig makipag interact sa mga tao--"

"Cut it out, Ma. Papunta na ako jan" saad ko. Napairap ako at pinatay agad ang tawag.

Naiinis ako! Bakit kailangan niya akong ikumpara sa mga pinsan ko e hindi naman ako sila!

Nang makarating ako sa hotel room ay nilinis ko agad ang katawan ko. Nagsuot lang din ako ng jogging pants n kulay itim at nagblouse ng kulay puti. Pintuyo ko ang buhok ko at hinayaan itong bagsak kahit na may pagkakulot. Inayos ko ang sarili ko dahil alam ko na anytime kakain na kami ng dinner.

 A Memory To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon