2020
NAYA'S POV
Naalimpungatan si Naya nang maramdaman niya na wala sa hinihigaang kama si Cody. Bumangon siya at lumabas ng kuwarto. Nakita niya na bukas ang ilaw sa isang guest room. Nakita niya na nandoon si Cody na nakaupo sa kama. Malungkot ito nang ilapag nito ang bola. Hindi niya agad nilapitan ito at inobserbahan. Hindi man lang siya naramdaman nito. Naaawa siya kay Cody. Nauunawaan niya ang pagdadalamhati nito sa pagkawala ni Mama Marilyn. Mula nang mamatay ito ay lagi na lang itong tahimik at walang kibo. Hindi na siya nakatiis na lumapit dito.
"Bakit nagising ka?" Napansin siya nito.
"Naramdaman ko na wala ka." Tumabi siya dito at naglalambing na humilig sa balikat nito
"Ngayon ko na lang ito nabisita. Talagang hindi pinababayaan nila Madison ang trabaho nila. Dahil diyan ay tataasan ko ang sahod nila."
Napangiting tumitig si Naya at hinaplos ang dibdib ng asawa. Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo at pisngi.
"All of my toy collection are still here pero isa lang ang pinakasentimental."
"Which one?" Curious siya.
Tinuro nito ang bola na kanina ay inilapag nito.
"We played basketball a lot of time. Never niya akong natalo but he is more than a winner when he beat my monster that i can't even touch."
"Sino naman?"
"Si Papa. Growing up with him is like a cold inferno. Alam mo naman na dahil kay mama nagkaganoon siya. When Brody saw how my father treat me, he flew like an eagle just to avenge me against my father. Brody was a brave guy. Damn I miss him."
*Ganoon din siya sa iyo. He missed you. Madalas ka niyang naaalala kapag naaalala niya ang mga lugar na pinupuntahan niyo lalo na ang arcade. Tuwing birthday mo pumupunta siya sa Arcade. Minsan para daw siyang tanga na naghihintay doon na maglaro ka."
Natawa siya.
"He did?"
"Mahal na mahal ka ni Brody. In all our conversations hindi pwedeng hindi ka niya mabanggit."
"That summer days, though it short it seems so long and its like happened yesterday. Ang alaalang kasama ko si Brody ang nagpapatatag sa akin sa mga panahon nalulungkot at pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako."
Muling naalala ni Cody ang huling araw ng summer kung saan sinabi na niya ang nakatakda na nilang paghihiwalay.2005
Sa Village Park nag-usap sina Cody at Brody. Inaaasahan na ni Cody na malulungkot si Brody sa kanyang sasabihin.
" Mag-aaral ka sa America?"
Sa tango niya ay nalungkot na rin siya.
"Bakit malungkot ka, maging masaya ka dahil bigtime ka kapag sa America ka nag-aral. Pang- international kasi ang talino ng kuya ko."
Napangiti siya.
"Uuwi ka pa rin kahit bakasyon hindi ba?" Tanong ni Brody
"Of course."
"Mas mabuti na doon ka na sa America para hindi ka na rin masaktan ng papa mo. Mas safe ka na doon. Hayaan mo pagbalik mo dito mag-aaral ako lalo na ng English para makausap pa rin kita."
Nagtawanan sila.
"We can still communicate. Send me emails, YM or friendster."
"Mami-miss kita kuya." Niyakap siya ni Brody at naantig na niyakap niya rin ito.
"Same here, Brody."
Bago man siya umalis ay naging masaya siya dahil nakilala niya si Brody. Nagkaroon siya ng magandang alaala sa kabila ng kapighatian na naramdaman niya mula nang masira ang kaniyang pamilya.DALAWANG araw bago umalis si Cody ay bumalik na ang kanyang ama. Pinatawag siya nito para mag-usap.
"Are you ready for departure?"
Tumango siya.
"Inayos na rin ni Uncle Cito mo ang titirhan mo roon. Everything is set there . Just a reminder. Huwag mo papasakitin ang ulo ng uncle mo doon."
Tumango lang siya uli.
"Is that all? Wala ka bang sasabihin."
Lumapit siya at niyakap ang ama.
"I will miss you, papa."
Kita niya ang matipid nitong ngiti.
"Aamin ako. Ayaw kong umalis ka."
Napakalas siya at nagtakang tumitig dito.
"I know you accept your opportunity in Stanford para iwanan ako."
Aminado siya sa part na iyon pero hindi na niya iyon na voice out.
"I might never be a good father as you wanted to be but i want to set thing that will bring out the best in you. I am sorry for not being a good father to you."
Nagtaka siya sa inaasal na iyon ng kanyang papa. Ngayon lang ito nagsabi ng sentimiyento nito.
"Although you live a hard life with me but still you stand tough. Anak nga kita. You can endure more pain and you manage to reach the top. Now, another milestone na sa lahat ng mga Zaragoza ikaw lang makakamit. All of us had a dream to study in an Ivy League University at sa angkan natin ikaw iyon. I am so proud of you, Cody. And I am sorry for those days and years na pinahirapan kita at sinaktan."
Nakita niya ang pagluha ng kanyang ama. Naiyak na rin siyang minasdan ito.
"I know you hated me and I can't blame you. Ikaw ang nagpapaalala sa akin sa mama mo. The greatest failure in my life. I am sorry kung sa iyo ko naibubunton ang galit ko sa kanya. Believe me, I felt the guilt everytime i did it to you. But now hindi ko na magagawa iyon dahil iiwan mo na ako."
"Papa." Inalo niya ito.
"But still I am so thankful na hindi pala totoo na walang magmamahal sa akin. Kahit napakasama ko sa iyo, you were there. That's made me feel that I was loved. I felt love because you're there. Now, you will leave me. I dont know who can love me like you did, my son."
Buong higpit niyang niyakap ang ama.
"I will leave because I love you. I want to be the best heir. Ikaw ang dahilan why I became strong and ambitious. The reason I strive. So continue to be a strong father to me until i come back. Marami pa akong matutunan sa iyo."
"Cody, my son." Naiyak na hinigpitan ng papa niya ang yakap sa kanya.
That night was so memorable dahil naramdaman niya na talagang mahal na mahal siya ng papa niya.SA pag-alis ni Cody ay hinatid siya ng kanyang ama. Kahit na gusto siyang ihatid ni Brody ay hindi na siya pumayag. Ayaw na niyang ma trigger ang topak ng kanyang papa na maganda ang mood na ihatid siya. Nang makasakay na siya ng eroplano ay nagsimula na siyang mag build up ng tapang.
This is the day that I have to be strong and brave. Kailangan hindi lang para sa sarili ko, para kay Papa, kay Brody at....
Bigla niyang naaalala si Marilyn.
Para sa iyo na rin. Gusto kong makita mo ako na successful. Gusto ko na magsisisi ka na iniwan mo ako. Hindi ako magpapaanak sa iyo at hindi kita tatawagin at ituturing na ina. At magdurusa ka sa mga araw na wala ka at manghihinayang ka na wala kang naging contribution sa mga magiging tagumpay ko. Babalik ako sa Pilipinas na matagumpay at kahit anino mo hindi ko hahayaang dumapo sa balat ko.Brody POV
MALUNGKOT na nakatambay si Brody sa labas nila. Ngayon araw kasi ay nakaalis na ang kuya Brody niyang papuntang America. Nakatingin siya sa kalangitan at umaasa na maayos na nakalipad na ang eroplanong sinakyan nito.
"Kain na, anak. Luto na ang hapunan."
Nanatiling nakatingin siya sa kalangitan.
"Nasa America na si Kuya Cody."
"Ano?"
"Doon na po siya mag-aaral ng college."
"Bakit hindi mo nasabi iyan?"
Napatanga siyang napatingin sa mama niya.
"Sorry mama. Nawala sa isip ko."
Kita niya ang pag-agos ng luha sa mga mata ng mama niya.
"Mabuti kung ganoon. Maganda ang edukasyon sa America. Hindi naman siya pababayaan ng mga kapatid ng papa niya.
Naawa na niyakap niya ang mama niya na sa kanilang lahat ay labis na nangungulila kay kuya Cody.
"I am sorry mama. Hindi kita natulungan na mapalapit kay Kuya."
"Walang kang kasalanan doon. Ako ang may kasalanan. Naniniwala ako na darating ang araw na mapatawad niya ako at bigyan ng pagkakataon na makabawi sa kanya."
"Dasal lang ng dasal mama at naniniwala ako na papakinggan ng Diyos ang dasal mo."
Naantig na niyakap siya ng kanyang ina at tumingin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Men Royale Series 1
RomanceNasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost...