HINDI maiwasan na mamangha ni Naya sa ganda ng mansion ni Cody. Ang loob nito ay parang Hotel lounge ng isang 5 stars hotel.
"Sir, ano pong nangyari? Bakit may sugat kayo?" sinalubong sila ng isang matandang babae.
"It's nothing, Manang Danna. I am okay now."
"Sino itong bisita natin eh kaganda-ganda"
"She's my sister in law. Manang Danna, kayo na po ang bahala sa kanya. She will stay here for a long time."
"Opo, Sir Cody."
"Kailangan ko nang magpahinga bukas na uli tayo mag-usap, Naya."
Pumanhik na ito at sumama siya kay Manang Danna.
"Tamang-tama at kalilinis lang ng kuwarto sa itaas. Dating kuwarto ni Ma'am Marilyn. Nabalitaan namin ang nangyari sa kapatid ni Sir Cody na si Brody. Ikaw pala ang napangasawa ni Brody."
"Opo."
"Mukhang balisa ka Hija, Ano bang nangyari sa iyo?" nag-alalang tanong ni Manang Danna.
"Marami pong naganap na hindi po namin inaaasahan at nakakapagod po. Gaya po ni Cody gusto ko na rin pong makapagpahinga."
"Mainam kung ganoon, papagamit ko muna sa iyo ang kuwarto ni Ma'am Marilyn. Kung gusto mo magpalit ng damit, may mga damit diyan sa aparador.Huwag kang mahiya na lapitan ako at kausapin kapag may kailangan ka."
"Salamat po."
Iniwan na siya ni Manang Danna sa kuwarto.
Naupo siya sa kama at muling inikot ang paningin sa paligid ng kuwarto.
Kuwarto pala ito ni Mama Marilyn. Hindi ko akalain na makakapunta ako dito. Pinili niya na umalis sa malapalasyong bahay na ito at naging isang ordinaryong babae. Kung hindi nangyari iyon, hindi mabubuhay si Brody at hindi ko siya makikilala.
Curious siyang napatayo at may binuksan na drawer. Isang lumang frame na may picture ng isang babae na may kandong na batang lalake. Agad niyang namukhaan ang babae.
Si Mama Marilyn ito. Talagang napakaganda niya. At ang cute dito ni....
Batid niya na si Cody ang batang kandong ni Mama Marilyn sa picture. Nakatawa pa ito at parang inosenteng anghel.
Ngayon, madamot ngumiti, laging nakasinghal at arogante.
Nakita at naramdaman na may kabaitan sa puso ni Cody pero iba lang ang paraan nito kung paano iyon i-express.
Ibinalik niya na sa drawer ang picture frame at pumasok na sa banyo para maghilamos. Kahit paano ay nabawasan ng lamig ng tubig ang mga nagdaang stress.
HINDI MASYADO nakatulog si Naya. Talagang namahay siya. Gising na siya nang kumatok si Manang Danna at niyaya siya mag-almusal.
"Sige po, susunod na po ako"
Mabilis siyang naglinis ng mukha at nag ayos ng buhok. Sinuot niya ang blouse na puti na nasa aparador. Na-amaze siya na fit iyon sa kanya.
Mga damit ba ito ni Mama? Kung sakali, hindi ko alam na magkasukat kami?
Bumaba na siya matapos niyang mag-ayos at nakasalubong niya si Manang Danna.
"Tara na Hija, naghihintay na si Sir Cody sa mesa."
"Sige po."
MEDYO nalula si Naya sa haba ng mesa at sa dami ng mga nakahandang breakfast meals. Ito na yata ang matatawag niyang breakfast fiesta. Halos lahat yata ng lutong almusal ay nakahain sa hapag.
BINABASA MO ANG
Men Royale Series 1
RomanceNasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost...