Chapter 14

54 2 0
                                    

KINABUKASAN ay sinamahan ni Naya si Cody sa hospital para magpacheck up sa kakilala nilang Psychiatrist na si Dra. Chie. Sa ilang oras nila doon ay nalaman nila na hindi nakakabahala ang kondisyon ng mental health ni Cody kaya umuwi rin sila agad. Tahimik lang sila sa kotse habang pabalik ng bahay. Tahimik lang ang asawa ni Naya habang nagmamaneho. Napangiti siya nang sa wakas ay masulyapan siya nito.
"What's with that stare?"
"It's good to know that you're okay." May ngiti niyang sabi.
"Masaya din ako. Maybe Dra. Chie was right. I am so depress sa nangyari. Sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. The fear of losing someone. Kung napabayaan ko ito baka madevelop sa Thanatophobia."
"I am still here. Kasama ng magiging baby namin. Together with your new brothers sa Men Royale. Si Barry at si Manang Danna. Maraming nagmamahal pa sa iyo. We are still."
Napahinto siya at masayang napalingon kay Naya.
Niyakap niya si Naya at masuyong niyakap at hinalikan sa noo.
"It's a bursting feeling. Feels like healing. You are my healing pill. That is how I feel to be loved by you."
Tumingala si Naya at nahuli nito ang labi ni Cody. They kissed so slow and gentle then she close look him in the eye.
"I love you more than I made a vow. I will love you at your best and at your worse."
Naantig na niyakap ni Cody si Naya and that embrace make him ease and sound.

SA pag-uwi nila Naya at Cody ay agad silang sinalubong ni Manang Danna.
" May package ka na diniliver sa iyo, Cody."
"Package?" Nagtakang reaksyon ni Cody.
"May inaasahan ka bang package?" Tanong niya
Mabilis na umiling ito.
"Nasaan po?" Tanong ni Cody kay Manang Danna."
"Dinala ko sa mesa ng office mo."
Sinamahan niya si Cody na pumunta sa house office nito at doon nga nila nakita ang package na nasa kahon na kasing laki ng sapatos.
"Sino magbibigay sa akin nito?" Hindi maialis ang curiousity at pagtataka ni Cody.
"From a fan? Sikat na kayo."
"I'm not an actor. I am not a star."
"But you have your own car."
Natawa itong napatingin sa kanya.
"Michael learns to rock huh?"
"Palagay mo sa akin. Buksan mo na nga para magkaalaman na." Natawa rin niyang reaksyon.
Binuksan iyon ni Cody. Kita niya ang pagkagimbal nito at biglang nanigas na parang bato.
"Bakit?" Lumapit siya at nagulantang siya nang makita ang laman ng kahon. Isang January issue ng Men Royale na kung saan cover si Cody. May kutsilyo na nakatusok sa mukhang bahagi at may card na nasulat:
BALIW! BUBURAHIN KITA. MAGHINTAY KA!
Na shock siya lalo na napatingin kay Cody.
"Sino ang gagawa nito? Sino ang nagpadala nito sa iyo?"
"Whoever he is I will hunter him. I will kill him first!" Nagtiim bagang na sabi ni Cody.
Niyakap niya ito. Siya ang natakot sa death threat na ito.

AGAD na lumapit si Naya at Cody kay Inspector Rodriguez para maimbestigahan ang nangyari. Una nitong tinanong si Manang Danna.
"Hindi ko masyado nakita ang mukha ng nagdeliver. Nakaface mask siya. Halos kasing tangkad lang din ni Cody. Mabilis niya lang ibinigay ang package matapos may pirmahan ako ay umalis na siya." Sagot no Manang Danna.
"Anong kompanya ng courier ng nag deliver? LBC? 2Go..."tanong pa ni Inspector Rodriguez.
"Wala..wala akong nakita sa suot niya. Nakaitim siyang jacket."
Kita niya ang pagdugtong ng malagong kilay ni Cody. Talo pa yata nito si Inspector Rodriguez sa pag observe.
"Sound intentional. Another enemy. Another coward enemy. Well, I will give them a damn fight. Hindi ba bago sa akin ito." In his daredevil tone.
"May idea ba kayo kung sino ang maaaring gumawa sa inyo nito? Tanong ni Inspector Rodriguez.
Umiling si Cody.
" But I will do anything to get him. Baka ang hindi ko nagawa noon ay magawa ko!" Nanggigigil na sabi ni Cody na hindi nagustusan ni Naya. Umalis na lang siya at tumungo na sa kusina at uminom ng tubig.
Sinundan pala siya ni Cody
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Cody
"Iyong totoo, hindi. Kinakabahan ako sa sinasabi mo."
"Here we go again. What do you want me to do when that coward attack? Ako na lang ang pumatay sa kanya kaysa ako ang mamatay. Hindi ako natatakot. Kaya humanda siya sinuman siya!"
"Hayaan mo na sa mga pulis ito. Please don't involve too much sa investigation. Para na sa akin at sa magiging anak natin." Naiiyak siyang lumapit at yumakap dito.
' Naya, I am your husband. I am the head of the family. If anyone try to hurt the family that I built with you. Ipagtatanggol ko nang patayan. Please understand." Gumanti ng yakap sa kanya si Cody at masuyong humalik sa noo niya. It calms her.
"Before we sleep let us pray. Para hindi ka na mag-alala. God is with us so there is nothing to worry about. And I can't forget the first time you included me in your prayers."
Masuyo rin itong humalik sa kanyang sinapupunan.
"I am so excited to see you and have you in our family. I will show you love and everything. I promise that I will be the best father and I will teach you things that no one taught me. And I will fight for our family until my last breath."
She was glad that he really love their child kahit na hindi pa ito lumalabas. Talagang damang dama niya ang pagmamahal ni Cody. Talagang wala na siyang naiihihiling pa.

CODY'S POV

NAKATULOG na si Naya nang masdan ni Cody. Ramdam niya ang pagod nito sa maghapon. Hindi na nga dapat ito ma stress sa kanya pero talagang inaasikaso siya nito. Talagang mahal na mahal na siya nito na labis niyang ikinakagalak. Bumaba siya para simulan na inumin ang kanyang gamot. The thunder rolls and then the rain fell. Lumamig ang paligid at tuluyan na nang nagsabay ang kulog at ulan. Sumisingit din nang mabilis ang pag flash ng kidlat.
"May bagyo ba?" Tanong niya sa sarili. Naisip niya na manood muna ng late news para antukin. Lumalakas na amg ulan at pati na rin ang kulog at kidlat. The lightning flashes more na pinaliliwanag ang dim light na paligid. Nagulat siya sa sa muling pag flash ng lightting ay may nakita siyang familiar na bulto sa pintuan papunta ng living room.
The man white polo. Basa ito at matamang nakatitig sa kanya. His eyes as same as him. But this eyes looked so creepy. Parang handa siya nitong lusawin.
Brody?
Ito ang unang rumegistro sa kanya. Nakita niya na tumakbo ito at mabilis niya itong sinundan.

Men Royale Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon