CHAPTER 6
SINALUHAN ni Naya sa pagkain ng hapunan si Cody. Akala niya ay dinner fiesta ito gaya ng noong almusal. Mukhang sapat lang ang hinandang pagkain pero marami iyon para sa dalawang tao. Braised beef, buttered mixed vegetables, chicken pesto at calderetang baboy.
"Ganito ka pa lagi magpahanda ng pagkain. Ang dami." hindi niya maiwasang malula sa dami ng nasa hapag.
"Just eat more nang tumaba ka naman."
"Hindi naman ako tabain pero kakain ako ng marami."
Nakita niyang nagserve ng beer ang katulong kay Cody.
"Umiinom ka?"
"Isn't obvious? Gusto mo ba?"
Umling siya.
"Don't worry, hindi ako mabilis malasing at kaya ko ang sarili ko when it comes to this. Hindi tulad ng kilala ko."
Muntik na niyang iluwa ang pagkain sa sinabi nito.
"Huwag mo na nga akong paringgan. Move on!."
Ngumisi lang si Cody at nagpatuloy sa pag-inom.
"Niyaya ko si Barry na uminom pero ayaw sagutin ang phone."
Nagpatuloy na lang sa pagkain si Naya. Napansin niya na isang lagukan lang ni Cody ang unang bote na sinerve dito.
"Madison, one more!"
Baka akala niya softdrinks ang iniinom niya.
Nagkunwari hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Sino nagluto nitong kaldereta, Ang sarap!"
Hindi siya nito pinansin sa halip ay lumagok uli ito ng beer. Naloka siya dahil straight iyon at dumighay pa ito pagkatapos.
Hala siya?
"Madison, dalawa na ang dalhin mong beer, I want more."
"Cody, dahan dahan sa pag-inom." Paalala niya.
"Don't worry, I drink responsibly." Sabi nito sabay ngisi.
Patapos na siyang kumain nang makita niyang nilagok nito ang pangatlong bote.at wala pang ilang sandali ay tinira na nito ang ikaapat.
Grabe na siya four in a row!
"Don't worry, Naya. Kaya ko ito I burn sa workout. O kaya saluhan mo na ako uminom. Drunkard ka rin 'diba?"
"Wala ako sa mood. Dalhin ko lang itong pinagkainan ko sa kusina."
"Okay lang, kaya ko naman uminom mag-isa."
Napakibit-balikat na lang si Naya at dinala sa lababo ang pinagkainan.
"Ma'am ako na po." Kukunin ni Madison ang pinagkainan niya pero tumanggi siya.
"Kaya ko na ito. Pagsilbihan mo na lang iyon isa."
"Nakakaloka po si Sir mukhang mauubos niya ang mga beer sa ref.?
"Oo nga eh, malakas ba uninom iyan?" curious niyang tanong.
"Opo, Ma'am. Kaya niya po umubos ng isang isang dosena na siya lang po mag-isa."
"Isang dosena? My God?" nalula niyang reaksyon.
"Madison, dalawa pa. Thanks." Utos pa ni Cody.
"Sige po!"
Pagkalagay niya ng pinagkainan sa lababo ay pinasya na niyang pumanhik. Nadaanan pa niya si Cody na nagtaas pa ng bote sa kanya.
"Kampai!"
BINABASA MO ANG
Men Royale Series 1
RomanceNasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost...