Chapter 10
MINABUTI ni Naya na tuluyan nang iwasan si Cody at kahit na nasa isang bubong lang siya ay magagawa niya iyon dahil kailangan. Mas marami pa siyang dapat isip kaysa sa dito. Kailangan niyang mahanap na ang kanyang kapatid.Ayaw niyang paniwalaan ang sinabi nito na gusto siya nito.
"Manhid ka ba o sadyang nagtatanga-tangahan ka. Hindi pa ba obvious na gustong gusto kita. I realize na it's more than attraction pero ang hirap kalaban ng patay lalo na't kapatid ko pa."
Lalo lang naguluhan si Naya sa mga sinabi ni Cody. Tila pa may inilabas iyon sa puso niya na ayaw niyang aminin at palaguin dahil kay Brody.
"....Pero Naya, hindi ko na kaya itago ang feelings ko sa iyo. Hindi ko alam kung paano nagsimula pero everytime we touch, we argue and we face challenges and death. I felt love. Ikaw lang ang babae ang matapang na harapin ako at seryosohin kahit na hindi ako maintindihan ng mundo."
Malinaw na ang pag-amin ni Cody ay tumagos iyon hindi lang sa puso niya pati sa buo niyang sistema.
Alam niyang may nararamdaman na rin siya kay Cody pero sa tuwoing naiisip niya iyon ay pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa ala-ala ni Brody.
"Naya, seryoso ako. More than attraction, I realize na mahal na kita. Handa kong kalabanin ang ala-ala ni Brody just to have you."
That confession triggers her. Hindi niya alam ang gagawin gusto niyang huminga.
Nagkulong na lang siya sa kwarto at wakas ay nakausap na niya si Savannah.
"Sobrang nag aalala na ako sa sitwasyon mo, mare. Hindi naman kita madamayan ngayon sa pinagdadaanan mo. Nakikibalita na lang ako kay Mama Vicky ..."
Hindi na niya napigilan maiyak nang marinig niya sa kabilang linya si Savannah.
"Mare bakit? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"
"Savannah, salamat at nakausap uli kita. Sa oras na ito kailangan ko ng kaibigan na mahihingahan ng bigat na nadarama ng puso ko."
"Ano bang nangyayari? Tungkol ba ito sa mga nagbabanta sa buhay niyo?"
"Hindi, Savannah. Sa bilis at dami ng mga pangyayari, nalilito na ako. Kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Savannah, bukod kay Brody ngayon ko lang uli ito naramdaman."
"Nage gets ko na, in love ka? Kanino naman?"
"Kay Cody...alam ko sa puso ko na may lugar na siya."
"In love ka sa bayaw mo? Baka nakikita mo lang sa kanya si Brody."
"Hindi, Savannah. Hindi ko alam kung bakit ko nadarama ito. Sa tuwing nagkakausap kami, sa tuwing nagkakasama kami, sa tuwing tinitingnan niya ako at pinagmamalasakitan at nang halikan niya ako at yakapin , alam ko na parehas kami ng nararamdaman. Pakiramdam ko rin na mahal niya ako everytime I am with him."
"My God, Naya. Wala pa yatang isang quarter namamatay si Brody at nakabilis nga ng mga nangyayari. Sa panahon ngayon hindi na forbidden yan feeling mo sa bayaw mo pero siya ba ganoon din ba?"
"Umamin na siya. More than attraction he said he loves me
"Hindi ko alam kung makakatulong ang sasabihin ko pero ayaw kong masaktan ka. Tama na siguro na iwasan mo na lang ang bayaw mo. Hindi ba nariyan ka dahil pinoprotektahan ka sa mga nagbabanta sa buhay niyo? Pag-aralan mo nang kalimutan ang bayaw mo. Marami pang mangyayari sa iyo, Naya. Alam na ba niya feeling mo sa kanya?"
"Hindi"
"Mabuti pang huwag mo nang ipaalam at kalimutan mo na siya. Magiging kumplikado lang ang lahat. Kapag nahuli na ang mga halang ang kaluluwa na nagtatangka sa iyo. Maayos din ang lahat. Pati iyang naging feelings mo sa bayaw mo."
BINABASA MO ANG
Men Royale Series 1
RomanceNasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost...