"YOU ARE playing cupid right?" untag ni Cody nang dalhin siya nito sa Mansion Garden. Naiisip ba nito na may love something sa pagitan nina Elise at Inspector Rodriguez? At siya ang cupid?
"Ano?"nagulat niyang reaksyon.
"Iyong sa atin nga hindi mo maayos, mag-aayos ka pa ng iba. Ayusin mo muna sa atin."
"Ano bang mayroon tayo?"
"My God naman, Naya. Ano pa bang dapat na magkaroon tayo? After all that happen between us."
"You mean...tayo na as in boyfriend na kita?"
"Ano pa ba dapat? Iyon ang ayusin natin."
"Diyos ko, Cody. Hindi ka ba aware sa sitwasyon natin? Nasa paligid lang ang maaaring pumatay sa atin. Huwag ka naman maging selfish."
"Selfish, me? Selfish ba na nililinaw ko lang kung ano tayo? Naya, mahal kita. Maliban na lang kung hindi ka sigurado na mahal mo ako."
"Cody hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Pakiusap ko lang na kapag maayos na ang lahat at wala na ang mga banta at payapa na ang lahat. Ayusin natin ang sa atin. Mahal kita Cody at nasabi ko na iyan at naipadama ko na."
"Mukhang may kailangan na akong gawin. Ako na ang hahanap sa mga duwag na iyon. Sila ang peste sa buhay ko!"
"Anong gagawin mo, Cody? Papatay ka rin. Kung ganyan ka at hindi mo iniisip na may nag-aalala sa iyo kapag napahamak ka. I will regret na minahal kita!" nainis niyang iniwan si Cody.
Agad siyang hinila ni Cody pabalik.
"Naya."
"Ayaw kong mapagod na intindihin ka pero sana huwag kang gagawa ng bagay na ikakasama ko ng loob. Alam mong namatay si Brody at napahamak na ang Mama mo, ako at pati ang imbestigador. Pakiusap. Kahit na isipin o gawin huwag mong ilagay ang sarili mo sa delikadong sitwasyon. Please." naiiyak na niyang pakiusap at naantig na niyakap siya ni Cody.
"Sige na, sige na. Huwag ka nang umiyak."
"Nawala na si Brody, hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawala. Magtiwala lang tayo na maayos rin ang lahat."
"Hindi ako kaagad mawawala. Kaya huwag ka nang umiyak. Please, Naya."
Ang pag-alo nito at ang init ng dibdib nito ay binabasag ang kanyang pag-alala. At sana nakinig ito sa kanya.
Sana makipagtulungan sa amin si Inspector Rodriguez. Batid ko na mahuhuli na rin ang salarin. At magiging mapayapa na ang lahat. Handa na ako na muling masakop ng buong mundo mo Cody kapag maayos na ang lahat.
"Tama na ang iyak, ayokong harapin mo ang isang bisita natin."
"Sino?" na curious niyang tanong
"Naya. Nandito na pala kayo kasama ko na si Mang Rigor. Kaibigan ng tatay mo. Siya ang informant natin tungkol sa pamilya mo at nakausap ng private investigator natin."
Ang presenya nito ang nagpalago ng munti niyang pag-asa tungkol sa kanyang pamilya.
"Totoo nga. Buhay ka. Ikaw na ikaw nga ang anak ni Cassandra at Cristobal. Kamukhang-kamukha mo si Cassandra."
"Kilala niyo po ang mga magulang ko."
"Kilalang kilala ko sila dahil hindi ko lang sila kapit bahay. Mga malalapit ko silang kaibigan.Nakasama ko sila sa trabaho sa pabrika. Sayang at hindi ka man lang nila nakita. Buong buhay ng ama mo ay hinanap ka niya." naiyak na sabi ni Mang Rigor.
"Alam ko po pero may kapatid po ako. Kilala niyo rin po ba siya? May alam po ba kayo kung nasaan siya." nag iigiting na siya na malaman kung may alam ito sa kinaroroonan ng ate niya.
BINABASA MO ANG
Men Royale Series 1
RomanceNasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost...