ELISE POV
PINILIT ni Elise na tumayo para malapitan ang walang malay na si Inspector Rodriguez. Umiiyak siya habang gumagapang na parang ahas na lumapit dito.
"Edward!" Hiyaw niya. Nang makalapit na siya ay hinahampas niya ang balikat niya sa ulo nito para magising.
"Edward!!!" She screams like crazy. Lalo pa siyang naiyak.
Napaungol ito at nabuhayan siya ng loob ng makita niya itong dumilat.
"Elise...."
"Salamat sa Dios at buhay ka."
Kahit dumadaing ay pinilit nito nakumalag sa pagkakatali nito. Natuwa siya nang makawala ito at pinakawalan siya nito. Hinang hina ito na nabuwal pero nasalo niya ito at hiniga sa kama.
"Okay na ako, Tulungan mo si Naya....."
Nagulat sila nang dumating ang mga pulis at nakilala ang lumapit sa kanila.
"Sir Abel Aspersio?"
"Sinabi sa amin ni Lana na nandito kayo. At huwag ka na mag-alala nandoon na ang mga pulis at papunta na si Cody."
"Salamat sa Dios."
Agad na tinulungan ng mga pulis si Inspector Rodriguez at sila ay papunta na sa bahay nila Naya.UNTI-UNTING gumagapang ang takot ni Naya habang naglalagay siya ng mga damit nila ni 'Cody. Habang tumatagal ang oras na kasama niya ito ay pakiramdam niya ay para siyang tumutulay sa sinulid.
"Let's go." Giniya na siya nito pababa.
Palabas na sila at nakita niya ang kotseng pula na sigurado siya na hindi sa asawa niya. May driver nito.
"Bakit ngayon lang kayo?" Pinagalitan pa nito ang driver nang pumasok sila. Kita niya rin na ibang tao ang nagbukas sa kanila. Muli siyang kinabahan. Umaasa siya na sana dumating na ang hinihingi niyang tulong.
"Pinagpapawisan ka Hon. Dont worry, sa lugar na pupuntahan natin you will be comfortable as ever."
Nangilabot siya lalo na nang haplusin pa nito ang mukha niya. Ayaw niya itong tingnan. Naghahalo na ang takot at galit niya. Sa pagbukas ng gate ay sumalubong ang mga pulis. Nagpaputok ang mga nagbukas ng gate ng baril hanggang sa nagpalitan na ng putok. Nagimbal siya at napasigaw.
"Shit!" Kita niya ang pagkainis ni 'Cody.
"Ano'ng nangyayari?!" Nanginginig labi niyang sigaw.
"Paandarin mo,sagasaan mo sila!" Malakas at may rahas na sigaw ni 'Cody.
"Walang magpapaputok may hostage sa loob!" Iyon ang narinig niya sa labas. Mabilis at rumaragasa silang lumabas lulan ng kotse at kita niya na marami ang pulis sa labas. Nakita niya si Silvana kasama ang mga pulis.
"Silvana!" Kinalampag niya ang bintana ng kotse para makita siya. Nakita siya nito at hinabol. Nakita niya rin sina Abel at Elise na humahangos ng takbo.
"Abel! Elise!" Lumakas pa ang kalampag niya. Nawawalan siya ng pag-asa habang palayo siya sa mga ito. Hinila siya ni 'Cody at napahiyaw siya. Hindi na siya nakapagpigil at nasampal niya ito. Pulang pula ang mukha nito at matalim siyang tinitigan.
"Sino ka? Ano'ng binabalak mo?"
Ngumisi ito habang hinimas ang namulang pisngi.
"You will find out soon kapag nandoon na tayo sa lugar na tayo lang at hindi ka na nila makukuha sa akin."
"Sino ka ba kasi?"napikon niyang sinampal ito uli. Pero ngumisi lang ito.
"Isa pang sampal mo at uutusan ko ang tao ko na pasabugin ang Angel's"
"Ano?.." nanghina niyang reaksyon.
"You heard me right. May bomba sa tatlong lugar. Sa Angel's Sanctuary, sa isang bahay ko dito sa Village at Entrance ng Village." Nakita na nga nila ang entrance ng Village. Kita pa niya guard doon na haharangin sila. Huminto sila at pinagsabihan ito ng driver.
"Kung gusto mo pa mabuhay tumakbo ka hanggang sa pinakamalayo. May papasabugin ako!" Pinakita pa ng driver ang bomb detonator. Natakot ang guwardiya na tumakbo at nang makadaan na sila palabas ay inagaw ni 'Cody ang detonator at mala dimonyong ngumisi at pinasabog ang bomba.
Napasigaw siya sa lakas niyon na parang may lindol at pagsabog ng bulkan. Kita niya na wasak na wasak ng entrance na nilamon ng malakas at makapal na apoy.
"Tingnan ko na lang kung masusundan nila tayo." Natatawa at may sarkasmo na sabi ni 'Cody.
Maybe her husband looks like a villain pero hindi nito kaya maging dimonyo gaya ng katabi niya. Sino ba ito at bakit grabe ang panggugulo na ginagawa nito?
"Sino ka ba kasi?" Napikon na siya. Matalim niyang tinitigan ito. Yes he really looked like his husband pero may kumabog sa dibdib niya na hindi nga talaga ito ang asawa niya. Nakita na niya ang pares ng mga mata nito na ganoon na ganoon. Mata na may poot at lungkot.
"Just calm down. Just stick with my plan."
"Your plan? Why do I have to deal with it. Maybe you have my husband face but I can't trust you after all you did."
He became more sarcastic and laugh insanely.
"You like this face. You love this face. You are crazy with this face. The same face na minahal mo. And this face, you will love it the same way you love those who wear it!"
Nakadama siya ng insulto sa sinabi nito.
"Don't you think iyan ang basehan ko para magmahal ng tao? Yes you got almost the face ng mga lalakeng minahal ko pero hindi iyan ang dahilan kaya ko sila minahal. Yes, you can copy their face but not the essence!" Nangigil niyang sabi. Nagtiim bagang si 'Cody at sa gigil nito sa sinabi niya ay nasampal siya nito nang malakas at tumama sa labi niya ang palad nito. Napahiyaw siya sa sakit. Nalasahan niya ang pait sa labi niya. Pumutok ang labi niya at nag dugo ito. Naiyak niyang hinarap ito. Bigla itong nataranta.
"I'm sorry, Naya. I am sorry." Akmang aaluhin siya nito.
"Huwag mo akong hahawakan!" Naghalo na ang takot, galit at diri niya. Napalayo siya dito na may nginig.
"I am sorry..."
"Never ako pinagbuhatan ng kamay nila Brody at Cody. All my life as an orphan I am an advocate of anti violence. Lumaki ako together with a kids na mostly biktima ng pananakit. And all these things you did to me, I don't deserve it. Ano'ng ginawa ko sa iyo para saktan at guluhin mo ako nang ganito?"
"Ano'ng ginawa mo? Gusto mo malaman?" Tumalim ang titig nito sa kanya.
Kinakabahan siya. Sino ba kasi ito? Ano ang koneksyon nila ni Cody sa taong ito?MALAPIT na si Cody sa Village. Nagulat siya na nasusunog ang Village Entrance at ang dami mga tao. Pulis , media at residente. Agad niyang hininto ang kotse nang makita niya si Abel at Elise.
Lumabas siya at nilapitan ito.
"Ano na nangyari?" Nabahala niyang tanong.
Dumating na rin lulan ng kotse sina Jeon at Christian Evangelista. Agad din itong lumapit.
"Nauna na akong tumawag ng police para rumesponde, kuya Cody. Nahuli na ba ang kriminal?" Untag ni Jeon.
"Dinukot ang asawa mo, Cody. Lahat ng pulis ay iikot na ang lugar na nito."
"I hope dala ni Naya ang phone niya. I will locate her using the number locator app."
"Oo nga ano. Can I get her number? We will help you." Prisinta ni Christian.
Matapos niyang ibigay ang number ni Naya ay mabilis niyang tinungo ang kotse niya.
"Saan ka pupunta?"nag aalalang tanong ni Abel.
"Hahanapin ko si Naya." Determinado niyang sabi. Pagpasok niya sa kotse ay gumana na ang app.
"Nasa Omega Drive siya malapit lang dito." Nabuhayan siya lalo. Mula sa likod ng kotse niya ay may kinuha siya na nakalagay sa isang kahong itim. Binigay iyon sa kanya ni Abel bago ito nauna para iligtas si Elise at Inspector Rodriguez. Mabilis niyang pinaandar ang kotse at tinawagan si Jeon.
"Tinatahak nila ang daan papunta ng Omega Drive. Help me to chase them."
"Okay."
Marahas siyang huminga at sinubukang kausapin ang Dios.
Lord, iligtas mo po si Naya. Siya na lang ang mayroon ako. Hindi ko po kakayanin ang lahat sa buhay ko kung wala siya. Help them Lord. Help me to save my wife and our baby. Wala na po akong ibang aasahan kundi kayo. Please Lord.!
BINABASA MO ANG
Men Royale Series 1
RomanceNasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost...