INABOT na nang gabi at lumakas na nga ang ulan. Hindi pa rin umuuwi si Cody. Hindi na nga personal na nakapagpaalam sina Manang Danna at ilang mga kasama na uuwi sa kanilang probinsya para doon maabutan ng lock down kasama ang kani-kanilang pamilya.
"Bakit wala pa siya?" Nag-alala na siya. Tatawagan na niya ito nang biglang mag ring ang phone niya.
Si Mama Vicky.
"Hello, anak."
"Hello, Mama."
"Anak, pasensya na hindi kita masasamahan sa bahay iyo. Walang mamahala dito sa Angel's. Pero ipapasunod ko sa iyo si Silvana. Isa sa mga youth natin para makasama mo habang wala pa ang mga kasambahay mo. Nasa biyahe na siya. Ikaw na bahala sa kanya."
"Sige po, Mama. Ingat po." Nalungkot niyang reaksyon at tinapos na ang pakikipag-usap dito.
Lalo pang lumalakas ang ulan. Hindi siya updated kung bagyo ba ito. Manood siya ng balita sa TV. Halos patungkol sa nalalapit na lockdown ang balita. Hanggang sa mag ring uli ang phone niya.
Si Robert. Sinagot niya ito.
"Robert."
"Kumusta, Naya?"
"Heto. Mag isa. Nag-uwian sa probinsya ang mga kasambahay namin pati si Manang Danna."
"Nasaan ang asawa mo?"
"Nasa prisinto. Nahuli na nila ang kasabwat na guard ng Village."
"What?"nagulat na reaksyon ni Robert.
"Oo, kaso hindi pa siya nagsasalita kung sino dimonyo ang kasama niya at bakit nila iyon ginagawa."
"Mag-isa ka lang diyan ngayon."
"Oo. hindi pa kasi umuuwi si Cody."
"Pwede ka bang mabisita? Para may kasama ka."
"Pwede naman. Ang tagal na kitang niyaya ito at para mapakilala na kita sa asawa ko." Biglang napalitan ng excitement ang worries niya.
"Okay, I'm there in a minute. Can't wait to see you again. And I am sure na hindi ka na malulungkot pa because I am here for you."
Napangiti siya sa sweet thoughts na iyon ni Robert.
"Okay, while you in a ride. I will prepare a dinner. Iyong favorite mo. Fried Chicken.Kaya dito ka magdidinner
"I love that gesture. Happy to know na hindi mo ako kinalimutan."
"Of course not. Ikaw lang itong nakalimot sa akin. Tagal mo kong hindi nireplyan sa email at sa Yahoo Messenger pa." Natawang reaksyon ni Naya.
Isang marahas na hinga ang narinig niya bago sumagot si Robert.
"Don't worry. After this meet up. Hindi na kita papakawalan pa. I will be there for you as we promised to each other "
"Sige na, pumunta ka na dito kung pupunta ka."
Matapos kausapin ni Naya si Robert at nagulat siya na na-low battery ang cellphone niya. Naisipan niya itong i-charge sa kwarto at tumungo na sa kusina para ipagluto ang paparating niyang bisita.BINIGYAN ng pagkakataon si Cody na makausap si Alfred Villanueva. Ang tapang pa rin ng anyo nito nang harapin siya nito. Isang malamig na rehas ang kanilang pagitan.
"Can I ask you something? Ano ginawa ko sa iyo para guluhin niyo ako?"
"Sa totoo lang wala pero sa tulad kong mahirap at kailangan buhayin ang pamilya gagawin ko ang lahat. Kaya pasensya na lang, sir."
Marahas siyang natawa.
"So kabayanihan ang ginawa mo para sa pamilya mo? Nakakahiya ang ginawa mo, pinakapakain mo ng galing sa kasamaan ang pamilya mo."
"Kahit na anong sabihin mo hindi mo ako mapagsasalita. Umalis ka na."
"If that's what you want. Hindi pa tayo tapos. Isusunod ko ang amo mong duwag." Pigil ang inis na sabi ni Cody.
"Humanda ka sa pagkikita niyo. Sigurado ako na magigimbal ka!"
Umalis na siya at sa paglabas niya ay may babaeng umiiyak na humarap sa kanya.
"Sir, kayo po ba si Mr. Cody Zaragoza?"
"Yes po. Any thing I can do?"
Napaluhod ito at lalo pang nag iiyak.
"Maawa po kayo sa asawa ko sir. Wala na po kaming inaasahan ng pamilya ko kundi siya lang po. May sakit po ang anak namin at kini-chemo po. Nagawa niya po ang pananakot po sa inyo para po ipagamot ang anak namin."
Itinayo niya ang ginang at nagkapag asa na hinarap ito.
"I got it. Pero may i-ooffer ako sa iyo. Kapag sinabi niyo sa amin kung sino ang mastermind ng panggugulo sa amin. Ang amo ng asawa mo. Tutulungan ko kayo sa pagpapagamot ng anak niyo. Pag isipan niyo ito."
Ibinigay niya ang calling card at iniwan na ito. Matapos magpaalam sa mga pulis ay papunta nasa car park. Nagtaka siya dahil wala si Rafe. Naisip niyang tawagan ito. Narinig niya ang pag ring ng phone na papalapit sa kanya. Agad niyang nilingon iyon.
"It's your call?"
"Lana?" Nagulat siya.
"It's me. Can i have a kiss?" Akmang lalapit ito sa kanya pero mabilis siyang napaatras.
"Why are you here at bakit nasa iyo ang phone ni Rafe?"
"Find it with yourself."
Matamang tinitigan niya ito.
"Ang lakas ng loob mo. Dito pa sa police station?"
"Bakit? Ano ang iniisip mo? Dont worry baby wala akong ginawa sa kaibigan mo? May pinagsamahan tayo. Sa palagay mo kaya ko manakit at sa lalakeng mas malaki sa akin. Think again or find it yourself."
"Okay, where he is?"
"Sumama ka."
Napilitan siyang sumama papunta sa kotse ni Lana. Matalim siyang tumitig sa bandang gilid niya.
Siguraduhin mo na mananalo ka sa larong ito. Lana.MASAYA si Naya sa pagluluto niya ng Fried Chicken. Isang simpleng pagkain para sa pinakasimpleng tao. Sa pagkaing ito naging malapit sa kanya si Robert.
Robert that was so aloof. Halos wala itong kausapin sa Angel's. That time they're both fifteen at kakaampon pa lang sa kanya ni Mama Vicky. Hirap din ito lapitan o pakainin. Laging galit kahit inaamo ito. Sa halip na magalit sa kanya ay inuunawa ito.
"Kasalanan ng magulang niya kung bakit siya ganyan. Pinasa na babalikan siya. Ilang taon na siyang dinala dito at wala na siyang balak balikan." Sabi ng Mama Vicky habang nagluluto ito kasama ni Manang Mila. Lagi siya sa kusina noon para makatulong sa pagluluto. That time, nagbe-breading siya ng manok.
"Sinabi niyo na ba kanya ang totoo na hindi na siya babalikan." Sabat niya.
"Hindi basta basta sinasabi iyan, anak. Hayaan mo na sina Head Mistress ang magsabi niyan. Hindi tayo."
Nagkibit balikat siya. Nagulantang sila nang biglang may ingay silang narinig. Agad na lumabas si Mama Vicky na sinundan niya. Naabutan nila na nakikipagsuntukan si Robert kay Ryan. Isa rin sa mga bata sa ampunan. Agad silang naawat ni Mama Vicky. Siya ang humila kay Robert. Halos yakapin niya ito para hindi pumiglas.
"Por Dios por Santo bakit nag aaway kayo." Nakunsuming reaksyon ni Mama Vicky.
"Totoo naman di ba Mama Vicky. Kaya siya iniwan ng Mama niya dahil ayaw na sa kanya. Lahat tayo iniwan dito. At hindi niya iyon matanggap." Giit ni Ryan.
"Hindi totoo yan. Babalikan ako ni Mama!" Malakas na boses na sagot ni Robert."
"Ilang taon ka na dito pero hindi ka na babalikan. Narinig ko sabi ni Head Mistress na nasa ibang bansa na ang nanay mo at sumama sa Amerikano. Iniwan ka na dito at hindi ka na babalikan."
"Hindi totoo yan!" Susugod na uli si Robert pero agad niya itong nahila pero natulak siya ito at humandusay siya sa mesa at nabagsakan ng mga baso."
"Naya, anak!" Nabahala na nilapitan siya ni Mama Vicky."
BINABASA MO ANG
Men Royale Series 1
RomanceNasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost...