Chapter 23

84 6 0
                                    

Cody's POV

DINALA si Cody ni Lana sa isang bahay na napuntahan na nila noong sila pa. Ito ang bahay na binili ni Lana noong ipasya nito na sa Pilipinas mag stay.
"Remember this place? This place which proved that I am still alone and I am longing for you."

2018
May natanggap na invitation si Cody mula kay Lana. Isang hindi inaasahang move ni Lana dahil bumisita ito ng bansa at may binigay sa kanyang susi at titulo ng bahay na nakapangalan sa kanya. Agad niya itong pinuntahan at doon mismo sa bahay na binili nito sila nagkita. He was suprise na sinalubong siya ni Lana. Wearing the red seductive negligee.
"Finally you are here." Sinalubong siya nito ng halik sa labi. Banayad siyang kumalas dito at dumistansya.
"Please don't do this." Mahinahon nitong pakiusap.
"Why?"
"We are over, Lana. Hindi natin ito dapat ginagawa."
"Heto na ako, Cody. I am here for you. Willing to settle down and I will give all the things you want. All of me just have you."
"Marami nang nagbago, Lana. I have my priorities. The Z-lite. There's no room for me to love again."
"It's not true. Heto na ako.Handa ko na ibigay sa iyo lahat. I gave up my career and I decided to be here with you. I want you to be part of your future." Akmang lalapit ito para halikan siya pero muli nitong inilayo ang sarili.
"Show some respect to yourself, Lana." Nairita nitong kalas. Napahiya siya at naiyak.
"Ano bang dapat Kong gawin just have you again? I love you, Cody. You are all I ever had. Mula nang iwan mo ako hindi na ako natahimik. Please let's start again."
"I am sorry. That I time when I am with you. I admit that I am so lonely. And you are there in my loneliness and I appreciate it all my life. But that was my foolish exuberance. I can't love someone right now because I myself I don't know how to handle love."
"That's not true." Lalo pang naiyak na reaksyon ni Lana.
Sa sofa ay inilapag niya ang susi at titulo ng bahay.
"I am sorry. I dont deserve this. I don't deserve your love. I am sorry."
Masakit man sa loob niya at iniwan niya si Lana sa bahay.

2020
The house was just as same as the time he saw it. Hindi maiwasan ni Cody na ma-amaze na-maintain ito. But he doesn't deserve it. Ever.
"Kung hindi pwede noon lalong hindi puwede ngayon, Lana."
"Dahil kay Naya." Basag na ang tinig nito. Nagbabanta na ang luha sa mga mata.
"You're so unfair. That night that I refuse to make love with you, you broke my heart on that night and until now I can't mend it. Ang tagal ng pinagsamahan natin, Cody. Nabasag ng gabing iyon ang lahat pero si Naya, Kailan mo lang nakilala pero binigay mo sa kanya ang lahat lahat sa iyo!"
Naghalo na ang nginig at ngitngit nito at sa tindi ng frustration nito ay napaluhod na ito.
Nakadama siya ng guilt. Unang beses niyang nakita na ganoon si Lana. Para itong bundok na nagsimulang gumuho.
That frustration is because of him. Nilapit niya ito at niyakap.
"I am sorry, Lana. I am sorry because of me naging ganito ka." Tinayo niya ito at pinunasan ang mukha nito na basa ng luha.
"Hindi ko rin alam kung paano at bakit pero higit sa saya, maligaya ako ngayon.  I never thought it happen na mamahalin ako ni Naya. Dahil buong buhay niya mahal na mahal niya ang kapatid ko. It's impossible to love me dahil kahit ako hindi ko gusto ang character ko. Alam mo iyan. At kahit natutunan niya akong mahalin hindi niya ako minahal agad dahil sa alaala ng kapatid ko." Naiyak na sabi niya. Kita niya ang pagkalma ni Lana na nakinig sa kanya.
"If you think na wala nang magmamahal sa iyo dahil tinalikuran kita. You're wrong. Hindi pa huli ang pag ibig para sa iyo. Just like me. I thought hindi na ako mamahalin ni Naya. Hindi niya ako minahal agad kung iyon ang iniisip mo. Pinaghirapan ko na mahalin niya. Pinili ko ang magbago at maghintay. Hindi ko siya pinilit na mahalin ako. Hindi kailangan ipilit ang pagmamahal. Pinaghirapan ito at hininhintay sa tamang panahon."
Napaupo at napahikbi si Lana.
" I'm sorry Cody. I am sorry. Nagawa ko lang ito dahil akala ko makukuha kita uli. I am sorry. I am sorry."
Nagsisisi ito at halos hindi na ipakita ang mukha nito.
Hanggang sa dumating na si Abel.
"Cody, ayos ka lang?"
Relief siyang nakita si Abel.
"That's so fast."
"Nandiyan na ang mga pulis."
Kita niya ang pag-ayos ng tindig ni Lana.
"I surrender before I totally consume with my wicked thoughts."
Hinubad niya ang coat niya at sinuot kay Lana.
"Aayusin natin ito, Lana. I seriously into it."
"I will face it. Nagkamali ako. Nagpadala ako sa galit ko sa iyo. But I realized nang sinabi mo ang naging paghihirap mo para mahalin ni Naya. Mali ang iniisip ko na minadali mo ang lahat. Na hindi ka seryoso. Hayaan mo akong bumawi. Itatama ko ang mali ko gaya ng ginawa mo na itinama  mo ang mali mo para makuha mo ang tamang pag-ibig. You deserve each other. Kaya tutulong ako bago mahuli ang lahat."
Dumating na pulis at dinakip si Lana. Itinuro rin nito kung saan nilagay si Rafe. Nakita nila ito na nakagapos sa loob ng kotse ni Lana.
"Ako na ang bahala kay Rafe. Puntahan mo na si Naya. She's in danger kung pupuntahan siya ng baliw na impostor mo!"
Agad niyang sinunod si Abel. Dala sa isip niya ang bilin ni Lana bago ito kinuha ng mga pulis.
"Ang pakikipagkita ko sa iyo at isang delaying tactics para makapunta siya sa bahay niyo at kunin si Naya. He is dangerous Cody. Save her before it's too late."
"Sino siya? Bakit niya ito ginagawa?" Nagngitngit niyang tanong.
"Siya si Robert Burst. Ang kababata ni Naya. Gusto niyang kunin si Naya sa iyo sa pamamagitan ng pagkopya ng mukha mo!"
Binilisan ang pagmamaneho. Habang nagmamaneho ay naisip niyang tawagan si Naya.

The subscribers couldn't be reach.
Naghalo ang galit at gigil niya. Naisip niya rin na tawagan si Manang Danna
"Hijo, bakit?"
"Manang Danna,Nasaan po kayo?"
"Sa airport hijo. Pauwi ng probinsya. Ngayon na ang uwi namin dahil doon kami magpapalockdown sa amin. Pinaalam na namin sa iyo ito. Hindi mo ba natandaan."
Nawala sa isip niya iyon.
"So walang kasama si Naya sa bahay." Lalo siyang nangamba.
"Alam ko sasamahan siya ni Vicky. Bakit hijo? May problema ba? Nakakabahala ang boses mo."
"Sige po, Manang." Na-frustrate siya. Napasigaw na siya sa galit at tensyon.
Nakita niya sa phonebook ni pangalan ni Jeon. Tinawagan niya ito.
"Yes bro." Agad na sumagot si Jeon.
"Bro, I need your help. Puntahan niyo si Naya sa bahay. She is danger. Kasama niya ngayon ang lalakeng nagpapanggap  na ako. Papunta na ako pero malayo pa ako. Papunta na rin ang mga pulis. Please, I just want to know kung anong nangyayari." Natetense niyang sabi hanggang sa mabasag na ang tinig niya.
"Okay, kasama ko si Boss Christian at Uncle Migo. We will go."
"Thanks." Kahit paano ay nakadama siya ng relief. Naiiyak na siya sa labis na pag aalala habang halos paliparin na ang kotse.
God help us. Huwag niyo hayaan na mapahamak ang mag-ina ko. Please, help them. Hayaan niyo na maabutan ko sila...

Men Royale Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon