Chapter 3:Feel his heat

507 26 0
                                    


NAG-STAY muna si Naya sa bahay nila Aling Floria at naabutan niya doon si Cindy. Gusto muna niya magpa cooldown sa nag init niyang pakiramdam dulot ng paghaharap nila ni Cody.

"Hindi naka-insured ang restaurant, Ate Naya. Binalak na iyong asikasuhin ni Kuya Brody pero mas inuna niyang asikasuhin ang condo niyo." Ani Cindy. Ito ang nagpagtanungan niya nang makauwi siya. Si Aling Floria muna ang nagbantay kay Mama Marilyn at si Mang Dindo ang nag-asikaso ng pagsecured sa nasunog na restaurant para hindi ito ma-loot ng mga batang hamog sa paligid nito.

"Hanapan ko na ng buyer ang condo. Kailangan mabenta na rin agad para ma operahan na si Mama."

"Kumusta ang pakikipag-usap mo sa anak ni Ninang?"

"Ewan ko ba doon. Nakakairita kausap. May ganoon palang anak na handang tiisin ang magulang. Ibang iba siya kay Brody, kahit na magkamukha sila ay kitang kita ko ang diperensya.Hindi matitiis ni Brody si mama, etong isang ito. Naku, talaga!"

"Sa pagkakakwento sa akin ni Mama, Malaki raw ang galit niyang Cody kay ninang dahil sa papa ni Kuya Brody. Mas pinili ni Ninang ang papa ni Cody kaysa sa kanila na legal na pamilya." Sabi ni Cindy

Nasabi iyon ni Brody sa kanya pero hindi niya masyado na sink sa utak niya dahil hindi naman niya nakita pa noon si Cody. Alam niya pa nga ay may maayos na samahan ang magkapatid pero bihira nila mapag-usapan ang ganoong kaselang isyu.

"At least sinubukan ko na lumapit sa kanya. Manghiram na lang ako sa mga kakilala malikom lang ang kailangang halaga ng mama para sa operasyon niya.

"Naya! Mabuti nandito ka. Dumaan kami sa inyo at wala ka." May galak sa paghangos na iyon ni Aling Floria.

"Bakit po?"

"Operahan na si Mare sa makalawa. Salamat sa Diyos."

"Ho? Paano po?"

"Who else can help her?"

Ang moduladong tinig na iyon na bagamat maganda pakinggan pero may kalabit na inis siyang nadarama.

Si Cody. Kasama si Aling Floria.

"Inayos na nitong si Cody ang operasyon ni Mare, Naya. Wala na tayong poproblemahin. Salamat talaga sa Panginoong Diyos!" overwhelm talaga si Aling Floria.

"Tara, Cindy. Ipaghanda natin ng pagkain at ipaghanda nang maiinom itong si Cody." Dali daling tumungo sa kusina ang mag ina at naiwan sila.

Relax itong naupo sa sofa. Sumulyap ito sa kanya at ngumisi

Nakakakulo ng dugo ang ngisi nito. Pero hindi ako dapat mainis at ipakita iyon sa kanya. Siya na nga ang sumagot sa operasyon ni Mama Marilyn. He deserves a nice treatment kahit na umiinit ang dugo niya dito.

"Maraming salamat. Malaking bagay ang ginawa mong ito. Pasensya na rin sa mga nangyari nung isang araw doon sa opisina mo. Ganoon lang ako when my emotion burst."

Nakangisi pa rin ito sa kanya at pagak na natawa matapos niyang magsalita. Tumikhim muna ito at tumugon sa kanya.

"I lost my chance na magkaroon ng mga bagong concessionaire sa Z Lite mula nang pumutok ang balita sa nangyari kay Brody. Hindi maganda ang impression sa Z lite nang imbestigahan ako at paghinalaan na may kinalaman ako sa pagkamatay niya. Hindi pa natapos iyon sumugod ka sa mismong opisina namin at ang tapang ako pagsalitaan ako nang kung anu-ano. I admit it hurts me at tumagos iyon sa lumamat nang impression ng kumpanya ko."

"Sorry." na guilty siya.

"Hindi man ako lumaki sa mother in law mo at hindi ko man kasama lumaki si Brody, wala akong binalak na masama sa kanila. That is why pumayag na ako na sagutin ang operasyon kapalit niyon ay huwag niyo na akong gambalain at huwag niyong nang isangkot ang kumpanya ko sa anumang bad publicity."

Men Royale Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon