Chapter 10

78 5 0
                                    

2020

Cody's POV

"Are you sure na gusto mo pang ikwento ko sa iyo ang lahat ng mga nangyari while I am in U.S.?" Untag ni Cody kay Naya na nanatiling nakahilig sa dibdib niya at hawak ang mga kamay niya.
"Yes. I wanna know you more. Maganda sa pandinig na ikaw mismo ang nagkukuwento. Dati kasi nababanggit ka lang ni Brody. He always says that you looked like him kaya hindi na masyado gumana imagination ko. Now, It's good to hear you in the flesh. The best source is the source itself."
Naantig siyang hinalikan ito sa noo at hinimas ang balikat nito.
"That time I broke up with Lana, nagparamdam si Brody. The pain of our break up faded that time when I feel the pain of Brody. He was so young to feel that burden. Without hesitation I helped him. And from that moment lagi na kaming nagkakausap ni Brody. Until he decided to continue his study and I support him til he graduate. At binalak ko siya that time na pasunurin sa California to take his Masters at doon na rin magturo."

2012

NAGTATRABAHO na si Cody sa Z-Lite California bilang Marketing Head. After ng Masters of Business Administration niya ay doon na siya nagtrabaho until he was appointed on that position. Madali naman niyang nakuha ang norms and business flow at dumami na nga ang Branch ng Z-lite sa iba't ibang lugar sa America.
He had his Uncle Crisanto na siyang CEO ng Z-lite U.S. together ng pinsan niyang si Barry. Maayos naman ang relasyon niya sa mga ito at bihira ang kanilang mga misunderstanding. Malaki ang naitulong ng pagtatrabaho niya sa Z lite U.S. at naging mabilis ang kanyang stability. He became a millionaire on his young age. Masaya naman sana siya sa magandang takbo ng kanyang career pero wala na naman siyang maaalayan ng kanyang tagumpay. He feel so alone. At kapag tumatawag lang si Brody ay doon lang siya sumasaya at nakakaramdam na hindi siya nag-iisa.
" Kuya, makakapunta ka kaya sa graduation ko?" Tanong ni Brody sa kabilang linya. That time ay nasa Bar siya at umiinom mag-isa.
"Kailan ba iyan?" Tanong niya sabay lagok ng paboritong tequila sunrise.
"Next month."
"May latin honors ka ba?"
"Kuya naman. Magkamukha lang tayo pero hindi tayo nagkamukha ng utak. Tamang pasado lang." Natawang sabi ni Brody.
"I check ko ang schedule ko."
"Magiging napakasaya ko kung pupunta ka sa graduation ko,kuya. Ikaw ang dahilan kaya ako nagsisikap na umahon sa buhay. Kung wala ka, wala ako sa narating ko ngayon."
Naantig siya at napahinto sa muling paglagok ng alak. Napangiti siya. Mula kasi nang mamatay si Liam at siya na halos ang sumuporta financially kay Brody sa pag-aaral nito.
"Napag-isipan mo na ba na dito mag masters? Ako nang bahala sa lahat dito."
Pag-iiba niya ng usapan.
"Mukhang malabo iyan kuya. Hindi ko maiiwan si Mama dito."
Biglang sumakit ang ulo niya sa sinagot ni Brody.
"Then fine. Kung magbago isip mo just inform me."
Natapos na ang usapan nila at nagpatuloy sa pag-inom. Gusto niyang magkalasing.
Because of Marilyn ay hindi niya makakasama ang kapatid niya. Hindi nito kayang iwan si Marilyn. Kaya lalo siyang nagalit dahil si Marilyn na naman ang dahilan.
That time nakatanggap din siya ng tawag. Mula kay Manang Danna. Tangan niya ang bagong order niyang tequila nang sagutin niya iyon.
"Yes, Manang?"
Isang hagulhol muna ang narinig niya na bigla niyang ikinabahala.
"Why , Manang?"
"Ang papa mo, Cody. Wala na siya."
Nabitawan niya ang baso at lumaglag iyon sa sahig. Kasabay na nabasag ang puso niya at parang ang mga bugbog ng baso ay pumaloob doon kasabay na tila paghinto ng niyon kasabay ng kanyang isip. Ayaw tanggapin ng isip niya ang napakasamang balita na iyon. Namalayan na lang niya na naluha siya at wari sumisikip na ang kanyang dibdib.
His father. His mentor. His tormentor. Napasakit niyon. Hindi pa siya handa na mawala ang kanyang papa.

AGAD na lumipad si Cody kasama ang Uncle Crisanto niya at si Barry. Ibinurol sa Sanctuarium ang labi ng kanyang ama na namatay sa acute pancreatitis. Hindi na ito nagising pa. Batid niya na sa lahat ng tao na nakilala niya ang Papa niya ang pinakamalakas. Nang makita na niya na nakalagak na ito sa kabaong ay hindi na niya napigilang umiyak. Inalo siya ng kanyang Lolo Crescencio na matanda na rin at niyakap niya ito. Ngayon lang din niya ito nakita. Ito ang nag-alaga sa kanya bago ito nagpasya na magretiro na at ipagkatiwala sa mga anak nito ang Z-lite.
"Lolo." Naghihikbi siya na parang bata. Gaya ng dati. Kapag naiiyak siya sa bagay na hindi niya maunawaan at hindi matanggap ay dito siya lumalapit at umiiyak.
"It's part of our bitter life, Cody. It happen na nauna na ang papa mo. Dont worry we are still here. Your uncle and cousins and I am still alive."
Mukhang bata pa rin ang tingin ni Lolo Sencio sa kanya. Kahit paano ay nababawasan ang sakit na nadarama niya.
"Hindi pa nakikita ni Papa ang gusto niya makita sa akin. Marami pa akong gustong patunayan sa kanya, lolo."
"You already did it. You proved to him, to us that you are a Zaragoza. Nasa Z-Lite ka na and you are now part of its consistent success."
Natigilan sila nang lumapit ang isa pa niyang uncle na si Uncle Carlos. Bunsong kapatid ng kanyang papa.
"Nasa labas si Marilyn, Papa."
Kita niya ang pagtiim ng anyo ng kanyang Lolo.
"Huwag kang lalabas. Let me handle her!" Sabi ng lolo niya sa kanya. Sa lahat ay ito ang matindi ang galit kay Marilyn.
Naiwan siya sa Chapel at sinamahan siya ni Barry at Uncle Crisanto. Ngunit hindi niya maiwasan ang mag-alala nang oras na iyon. Mas itinuon na lang niya ang sarili sa pagluluksa at sa pagsulit ng mga sandali na nakikita pa niya ang papa niya.

MARILYN'S POV

MULA kay Danna ay nalaman ni Marilyn ang nangyari kay Cesar. Asawa pa rin niya ito kaya pinuntahan pa rin niya ito sa lugar kung saan ito nakaburol. Kasama niya si Floria na nangangamba para sa kanya.Kahit pa muli niyang makakaharap ang mga kamag anak ni Cesar. Tamang tama na naabutan niya si Carlos na paakyat sa escalator. Pinigilan niya ito.
"Carlos, maaari ko bang masilip man lang si Cesar?" Nakikiusap niyang sabi.
"What for? You had your life now without my brother. Now, he is dead. Useless na umarte ka bilang asawa."
"Asawa pa rin siya at may karapatan siya na makita si Cesar." Nakisabat na si Floria.
"Sad to say, wala na iyon mula nang makiapid siya at ilagay sa kahihiyan ang mga Zaragoza. My mother died in heart attack mula nang kumalat ang ginawa mo, Marilyn. Hindi lang sarili mong pamilya ang sinira mo. You destroyed the entire family. Kaya umalis ka na. Mabibigo ka sa anumang gusto mong mangyari."
Nagpatuloy na sa pag-akyat si Marilyn. Kinalma niya ang sarili sandali at mabilis na umakyat sa ibang hagdanan.
"Marilyn!" Nabahalang sinundan siya ni Floria.
Narating nila ang chapel at nakita niya na papasok doon si Cody kasama si Crisanto.
"Nandito rin si Cody."naiyak siya sa pananabik na naramdaman. Palapit na siya nang makita siya ni Crisanto. Agad siyang nilapitan ito at pinauna na si Cody at Barry.
"Ate Marilyn, anong ginagawa mo dito?" Bakas ang pag-aalala nito.
Palagay ang loob niya kay Crisanto. Mabait ito sa lahat ng magkakapatid na Zaragoza.
"Crisanto please, gusto ko makita kahit sa huling hantungan ang asawa ko. Oo, malaki ang atraso ko sa kanya pero sana huwag niyo naman siya ipagkait sa akin. Kahit makita ko lang siya. Pati na rin si Cody. Hindi ako manggugulo. Kaya pakiusap tulungan mo ako." Desperada na si Marilyn.
Ngunit nilukuban na siya ng matinding takot nang parating na si Don Cresencio kasama si Carlos. Kung kayang lumamon ng buo ang titig nito ay baka patay na siya. Nang makalapit na ito ay hindi siya halos makatingin.
"Pambihira talaga ang kapal ng pagmumukha mo. Nakuha mo pang magpakita dito. Para ano, para muling bastusin ang anak ko at ang pamilya ko! Wala ka na talagang hiya at konsensya!"
Pilit ang tapang niyang hinarap ito.
"Asawa ko pa rin si Cesar. Anak ko pa rin si Cody. Sana hindi niyo ipagdamot sa akin na makita sila lalo na si Cesar. Hayaan niyo po papa na makita ko siya sa huling sandali niya dito." Naiiyak niyang pakiusap.
"Dinala mo sa kahihiyan ang angkan namin. Namatay ang asawa ko sa sama ng loob dahil sa iyo. Wala kang utang na loob. Tinanggap ka na namin at tinulungan makaaahon mula nang mamatay ang mga magulang mo. Kinupkup ka namin. Minahal at minahal ka nang labis ni Cesar. Anong isinukli mo? Nakiapid ka. Walang kapatawaran ang ginawa mo at hanggat nabubuhay ako, hindi mo makikita kahit labi ng anak ko at hindi mo makakasama ang apo ko."
Iyon ang sumpa na tila nagpatigas ng buo niyang kalamnan sa sobrang sakit. Nagpatawag pa ito ng mga guwardiya para kaladkarin palabas. Mula niyon ay mas naging mahirap na makita kahit labi ni Cesar at ang anino ni Cody ay hindi na niya nakita. Bumalik na ito sa America matapos ang 40 days ni Cesar. Nakikibalita na lang siya kay Danna.





Men Royale Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon