NAKADAMA ng napakainit na pakiramdam si Naya nang yakapin at halikan niya ito. Hindi lang dahil sa nakainom siya. Her flesh agrees on his habang hinahalikan niya ito at niyayakap.
"Stay away from me!" tinulak siya ito palayo.
Bigla rin siyang natauhan at napansin niyang nairitang pinunasan ang labi nito.
Hala? Anong ginawa ko? Hindi siya si Brody?" Magkahalong lito at embarrassment ang nadama niya.
"Naya, anong ingay iyan?" tinig iyon ng kanyang Mama Marilyn. Nagulat ito nang makita ang lalakeng nakaputi na inakala niyang si Brody.
"Cody, anak?"
Siya pala si Cody. Nakakahiya ang ginawa ko. Akala ko siya si Brody. Akala ko nagmulto siya at dumalaw sa akin?
"I can't believe na ito ang sasalubong sa akin? Ito ba ang napangasawa si Brody? A Pathetic drunkard.!"
"Hoy, akala mo hindi ko alam ang sinasabi mo? Akala ko ikaw si Brody dahil ang laki ng pagkakahawig niyo!" depensa niya sa sarili.
"Tama na, Naya. Ayusin mo ang sarili mo!" saway ni Mama Marilyn.
"Pasensya na po, 'Ma." Nahiya niyang sabi.
Nagtama uli ang paningin nila ni Cody.
Dalawang bagay ang nadama niya. Una, sobrang hiya dahil sa kalasingan ay inakala niyang si Brody ito at hinalikan pa niya ito. Pangalawa, mukhang mahirap ito pakisamahan dahil maangas pala ito at maanghang ang bibig.
Hindi niya akalain na puntong hindi siya handa at maayos makikilala niya si Cody.
Naalala niya tuloy ang sinabi ni Brody sa kanya patungkol dito.
"May kuya ako. Limang taon ang tanda sa akin."
"May picture ka diyan para makita ko naman."
"Hindi na kailangan. Tingnan mo lang ako, halos wala kaming pinagkaiba, para kaming kambal!"
Tama nga si Brody, hindi na nga kailangan ng picture pero alam na niya ngayon ang pinagkaiba ng dalawa. Hindi ito mabait!.
"Anak, maupo ka muna. Naya. Pagtimpla mo nga siya ng juice."
"No need. I will not drink anything from a drunkard."
"Aba, hambog pala ito, eh pasmado ang bibig!" nainis niyang sabi. Gusto niyang dagukan ito.
"I will be back next time. Saka ko na lang kayo kakausapin about what happen to Brody. I can't believe that it happened to him. Kung sumama na siya sa akin hindi ito mangyayari sa kanya. Ikaw ang iniisip niya kaya hindi siya sumama sa akin. It's all your fault!" paasik na duro ni Cody kay Mama Marilyn.
"Wait, very wrong iyan ah! Nanay mo iyang dinuduro mo! Huwag kang bastos!" humarang na siya at paasik na hinawi nito ang pagduro ni Cody kay Mama Marilyn.
"Don't meddle on this thing!"
"Bakit hindi? Biyenan ko ang binabastos mo!"
"Naya, tama na!" nanghihina at naiiyak nang awat ni Mama Marilyn.
"Ingrato eh! Hoy, pakatandaan mo ito, kung hindi ka iniri ng mama mo, wala ka dito sa mundong ito!"
"Wala kang alam sa buhay namin.You are just my brother's wife at hanggang doon ka na lang. All you need is to stand on the place where you belong and who knows kapag nakahanap ka ng ipapalit mo kay Brody, iiwan mo rin ito. Mang iiwan ka rin!"
Padabog na umalis si Cody. Naiyak na naupo sa sofa si Mama Marilyn na agad niyang tinabihan at inalo.
"Sorry, Ma. Hindi ko napigilan na sagutin siya. Hindi ko maatim na bastusin ka niya."
BINABASA MO ANG
Men Royale Series 1
RomansaNasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost...