19.
Hindi siya nagsalita nung nasa elevator kami kasi meron kaming kasabay na ibang tao. Pero kitang-kita ko yung galit niya sa mga tingin palang niya.
Hindi na nga siya muling kinibo ni Gav kasi mukhang kahit yung bata naramdaman nang galit ang papa niya. Nung sumakay siya kanina dito, nagsalita lang si Gav nang “Papa!!”, excited, pero walang reaksyon ang papa niya maliban sa malamig na pagtingin nito sa bata, sabay tingin nang nanlilisik sakin. Tindi talaga.
Brace yourself pagpasok nang condo Max.
Pagsarang-pagsara nang pinto..
“What do you think you are doing Maxine?!” napatalon ako sa gulat kahit pa naready ko na ang sarili ko sa galit niya.
Napayuko ako at di ko alam kung san ba ko titingin.
“All I know is you’re here in my CONDO, just HERE ON EASTWOOD!! WHY DIDN’T YOU TELL ME YOU’RE GOING SOMEWHERE?! WITH MY SON, I MIGHT ADD!”
Tinignan ko agad si ate Marina para alisin si Gavin kasi baka matakot siya sa papa niya. Nakita ko kasing nagulat siya sa pag sigaw sakin nito at parang naiiyak na siya pero nagtataka. Di niya nauunawaan ang nangyayari.
Nagets naman ni ate Marina kaya agad niyang kinarga si Gavin at dinala sa taas. Haay. Buti naman. Okay game sir, manigaw ka na ulit.
“WHY DIDN’T YOU TELL ME? MAXINE? HUH? ANONG ORAS NA?”
“Sir sorry po kung hindi kami nakapag pasundo kay—“
“I DON’T CARE ABOUT THAT! Ang sinasabi ko, why did you leave Eastwood without my permission?” napakunot ang noo ko. Ha? Ano daw point niya?
“Napalitan ko naman po ng damit si Gav, di po siya magkakasakit sigu—“
“I SAID I.DON’T.CARE! MY POINT IS SO SIMPLE MAXINE, why did you leave Eastwood?! Are you stupid? You can’t get what I want to tell you, huh?”
“I don’t think that’s stupid. Siguro nga po di ako nagpaalam.. pero sir alam ko naman alagaan si Gavin kahit san pa kami magpunta. Grabe naman po kayo magsalita.”
Parang magdudugo na yung lips niya dahil sapag pipigil nang kung ano mang masamang salita ang gusto pa niyang sabihin sakin. Ako naman pinipigil ko ang pagluha, yoko ngang matuwa siya dahil lang napaiyak niya ko.
“MAXINE. I don’t care about your point or your concern. What I wan’t you to know is that I am not okay with you going outside Eastwood WITH GAVIN WITHOUT MY PERMISSION!! THAT’S ALL!!!” napatalon nanaman ako sa mas malakas niyang sigaw.
Sobrang lakas nang sigaw niya at sa mga puntong to, hindi ko nauunawaan ang punto niya.
Agad siyang nagmartsa paakyat habang humihinga nang malalim sa bawat hakbang niya. Mawawalan na kaya akong trabaho?
After ilang saglit akong tumunganga pa don, narealize kong tapos na siguro siya at di na bababa ulit kaya umakyat na ko sa kwarto ni Gav.
Naabutan ko siyang umiiyak habang inaalo ni ate Marina.
“Tita Max!” sabay yakap niya sakin. Kumakabog pa din ang dibdib ko dahil sa sigaw ni sir pero napapakalma ako ng yakap ni Gav. How can an angel have a devil father?
“Is papa mad at us?”
“Ha? NO! Sakin lang siya galit hindi sayo. Don’t worry.” Sabi ko habang unti-unti siyang hinuhubaran. Papaliguan ko siya saglit kasi naulanan kanina.
“Ano Max? Grabe ba ang galit? Anong sinabi? Anong ginawa mo? Paano ka nakaakyat dito?”
“Mamaya ko ikkwento.” Bulong ko.
BINABASA MO ANG
CEO's SON (COMPLETED)
RomancePrologue Graduate si Maxine Roxas sa course na Education, pre-school. Mahilig siya sa bata dahil sa mga pinsan at pamangkin niya pero hindi niya hilig ang mag turo. Ang nais niya ay maging abogado, pero dahil ang mga kamag-anakan niya ay mga guro da...