Chapter 2

143K 2.3K 59
                                    

2.

Si tita Minda at ang pinsan kong si Kylie yung sumundo sakin sa airport. Malaki yung ngiti nila at kumakaway sakin. Kahit maga pa ang mata ko, ngumiti din ako sakanila.

“Okay naman ang flight mo?” tanong ni tita sakin.

“Opo. Ayos naman. Nakakapanibago lang po kasi 12yrs old pa yung huli kong sakay ng eroplano at punta dito.” Kinuha ni Kylie yung bagpack ko at sinakay sa CRV nila. Wow. Naka CRV pala sila.

“Namiss kita couz. Bata pa tayo nung huli tayong nagkita. But at least you’re here na.” nagsmile lang ako sa pinsan ko. Mas matanda sakin nang isang taon si Kylie pero di ako nasanay na tawagin siyang ate, si ate Jes kasi 1 year lang din ang tanda sakin.


Nagtatanong-tanong sila sakin nung mga tungkol sa bahay, pero di nila nababanggit si papa o yung pinag-awayan namin ni papa o yung dahilan bakit ako umalis. Alam ko namang alam na nila yun at alam ko din naman na alam nilang fresh pa yung away namin. Namumula pa nga mata at ilong ko. Saglit lang din naman ang byahe from Davao via airplane kaya di pa talaga ako nakakarecover sa away namin ni papa.


After ilang minuto nang pagtatanong nila nung nasa sasakyan na kami, nanahimik din naman sila, sa tingin ko tulog na si Kylie, habang ako naman tumingin lang sa mga dinadaanan namin. Alam ko na sa Rizal nakatira sila tita, di ko nalang maalala saan banda doon. Alam ko din na medyo angat sila sa buhay, sa lahat kasi nang kapatid ni mama, si tita Minda ang may pinaka-magandang trabaho at businesses. Kaya siguro sakanila na din ako pinatuloy ni mama. Tsaka wala din naman sa Pinas kasi ang iba. Close din naman sila kasi ayon sa kwento ni mama, nung time na namatay ang asawa ni tita Minda, si mama ang nagging crying shoulder niya, naalala ko nun na nagbakasyon kami for the first time sa bahay nila nang halos 3 months dahil matagal bago nakarecover si tita. Yung dalawang kapatid kasi nila ay parehas nasa Canada na naninirahan at hindi nila masasamahan si tita Minda noon nang ganon  katagal. Umuwi lang kami non kasi magpapasukan na.


Nadaanan namin ang Sandigang Bayan (na madalas sa TV ko lang nakikita), after nun wala na ko ulit naalala na nadaanan namin kasi anlayo nanaman nang isip ko. Nagulat na lang ako nung huminto kami saglit sa guardhouse nang subdivision nila, Cortijos De San Rafael ang nakasulat sa gate, at kinausap ni tita yung guard na sumaludo sakanya.


After nang tatlong liko na pakanan at isang pakaliwa, dumating kami sa isang bahay na cream ang gate at light yellow ang mga pader. Wow. Anlaki na pala nang bahay nila tita. Di ko na maalala kung ganito ba yung bahay nila dati o nagrenovate na sila.


“Nagparenovate po ba kayo?” tanong ko nung papasok na kami sa bahay nila. Dala ulit ni Kylie yung bagpack ko at hila ko naman yung maleta.

“Yup. Twice na since nung huli niyong punta. You know, it’s nice to have some new look naman.” Sagot ni tita, pero nakita ko yung malungkot niyang mata. Alam ko na pinundar nilang mag-asawa ang bahay na to, kaya kahit pa ilang beses na siyang sinabihan nila mama na lumipat nang bahay, mas pinili niya na idevelop nalang ito at manatili pa rin.

“Couz, Kyle’s room is now available. Andon pa yung ibang gamit niya but basically it’s half empty. You can stay there kaysa sa guest room.” Sabi ni Kylie sakin.

“Asan ba si Kyle?” Si Kyle ay yung kambal ni Kylie, sabi ni mama siya ang pinaka-nahirapan na mag move on sa pagkakamatay ng dad nila. Siguro dahil lalake siya at talagang naging close sila kaya nahirapan siyang makarecover. Almost 14 years old narin naman sila non at hindi na masyadong bata para basta nalang makalimot sa nangyari. Tragic din naman kasi ang pagkamatay ni tito Ed.

“Haay. The moment he found a job, he immediately packed his belongings and rent a place near his current office. He’s in Makati.” Napatango lang ako at onti-onting nagayos nang gamit sa kwarto ni Kyle.

“Anong nagging work niya?”

“One of the architects ng Ayala Corp.” napabulong nalang ako ng wow.

“Ikaw san ka nagwowork?” tanong ko habang tinutulungan niya kong maglagay nang damit sa closet.

“BGC. 1 year na kong Analyst don. Magpapapromote lang ako pero lilipat din ako. Mas maganda offer nung isang company sakin eh.” Tumango-tango lang ako. Wow ulit. Grabe, kami don sa Davao puro teachers – I mean sila – at parang hindi sila masyadong nangarap nang ibang propesyon maliban don.

“Eh ikaw.. what’s your plan after running away? Are you going to teach or do something else?” napansin siguro niya na nanahimik ako sa tanong niya kaya nilingon niya ko mula sa closet at lumapit sakin sa kama. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, “OMG. I’m sorry couz. Wag ka maoffend ha. Natanong ko lang naman kasi-“

“Okay lang ano ka ba. Alam niyo na din naman nangyari sa bahay.” Nag smile ako para di siya mailang. Okay lang naman talaga, nagulat lang ako sa biglaan niyang tanong.

“Yeah.. ahmm. No pala. Di din naman sinabi ni mom and I think di din niya alam yung buong story. All I know is that you run away kasi your pregnant.”

“Ha?!! Oy hindi!!” grabe naman, sa taxi pinagkamalan akong adik at durugista, ito namang pinsan ko inisip na buntis ako!

“Just kiddin’!” tapos tumawa bigla. Tumawa na din ako. Atlis tong pinsan ko nagjojoke lang, eh si manong taxi driver seryoso talaga eh.

“Pero couz, you can always tell me what really happened para matulungan kita. I’m good in giving advice kasi I used to work in radio stations na nagbibigay nang payo sa problemadong tao, so I’m an expert girl!”

“Talaga? Naging DJ ka? Anong station?” excited kong tanong.

“I got you again!!” -___-

“Sorry. Namiss ko na may kakulitan, si Kyle kasi pauso sa pag-alis eh si mom naman busy at mahirap matyempuhan sa biruan so.. lagot ka sakin!”

“Okay lang no. Masasabayan ko yan.” Hamon ko. Hindi naman niya ko pinilit ulit na tanungin pero alam ko na hindi ito ang magiging huli na pagtatanong niya sakin o ni tita Minda, hindi ko din naman maiiwasan na ikwento sakanila yung buong pangyayari at kung ano na din yung magiging plano ko sa mga dadating na panahon.


--


Friday ngayon at pangatlong araw ko na sa bahay nila tita Minda, di pa ko lumalabas nang bahay masyado maliban dun sa garden nila sa harap. Wala pa naman din akong kilala dito kaya okay na din. Wala pa paheras si tita at si Kylie kaya yung kasambahay nila na si manang Lot ang kasama ko dito. Taga Isabela daw siya at nirecommend lang dito kela tita kaya siya napapasok. Nagstart siya dito ilang months after naming magbakasyon kaya di na kami nagpang-abot.


“Mabait nga ang tita mo kaya masaya ako na napapunta ako dito kahit malayo sa amin. Mabait din naman si Kylie at medyo makulit, kahit ako ay kung ano-ano ang natatanggap na kakulitan don. Si Kyle naman, tahimik lang at madlas nagkukulong sa kwarto noon, pero nung nagkolehiyo na, kahit papano lumalabas na. Kaya lang nasobrahan kasi ginagabi na siya at minsan ay pinag-aawayan na nilang mag nanay yun. Pero masaya  naman sila kahit silang tatlo lang, kaya nga nagulat ako na isang buwan matapos mag graduate si Kyle eh nagimpake agad at umalis.” Kwento niya nung isang hapon.


Naglalaba siya ngayon kaya wala akong makausap, tapos sila ate naman at mama ay natawagan ko na din kaya tumambay muna ako sa veranda nila tita. Sabi ni mama, di pa din daw sila pinapansin ni papa, madalas pa din daw na tahimik at diretso na natutulog pagkakain nang hapunan. Hindi tulad dati na makikipag-kwentuhan at balitaan pa sa amin pagkatapos maghapunan. “Nalulungkot din siya sa pag-alis mo anak.” Sabi pa ni mama.


Naisip ko na ikwento na kela tita ang nangyari sakin para mailatag ko ang plano ko sakanila at makapag bigay din sila ng advice kung may mas mabuti pang gawin. Ayoko naman na tambay lang dito araw-araw kaya nung naghapunan kami inopen ko na sakanila yung mag naisip ko.


“Tita, gusto ko po sana sabihin na sainyo yung buong pangyayari samin nung nakaraan tsaka po yung mga plans ko.” Napatigil sila bigla sa isang tawanan na nagsart sa joke ni Kylie. Bigla silang nagseryosong dalawa. Huminga akong malalim.


“Eversince po gusto ko maging abogado, pero ayaw po ni papa. Alam niyo naman po siguro na sa side nila papa, simula sa tatay ni lolo, teacher na. Kaya po gusto nila na lahat nang lahi nila ay teachers din. Iniyakan ko po si mama at papa nung highschool at pinaliwanag ko na hindi ako magtatagumpay sa pagtuturo kasi wala dun yung puso ko, grade 3 po kasi ako nung nagsart akong mangarap na maging abogado. Pero dahil nga po ayaw ni papa, nag teacher po ako.” Tinignan ko silang dalawa at nakita ko na interesado sila sa mga sinasabi ko kaya nagpatuloy ako.


“Masipag po talaga ako mag-aral kahit dati pa, kaya po matataas nagging grades ko at naging cum laude pa nga, kaya lang po akala ni papa nagpupursigi ako kasi gusto ko talaga, pero hindi po. Naisip ko po na mag-aaaral ako mabuti, tatapusin ko ang education tapos tsaka ako mag aabugado. Kaya.. ayun po.. sinadya kong ibagsak ang licensure exam.”


“What?!” sabay yung pagkakasabi nila neto. Kaya napangisi pa ko.


“So you mean kaya nagalit si tito sayo kasi binagsak mo?” tanong ni Kylie.


“Hmm.. medyo. Pero mostly ang reason kasi bumagsak ako. Di ko sure kung may pake pa siya na sadya yun o hindi. Pero dahil sa resulta nung exam parang napahiya siya. Kasi sa pamilya ako palang ang bumagsak sa licensure.”


“OMG.” Napatingin pa si Kylie sa mom niya na parang nag-aantay nang reaksyon niya.


Bumuntong hininga si tita bago nagsalita. “So anong gagawin mo ngayon? Magpapalamig ka lang ba at babalik din don--?”


“Hindi po.” Matigas kong sagot.


“What do you mean?” tanong ni Kylie na parang inunahan sa dapat itatanong ni tita.


“Hindi po ako nagpapalamig lang. Gusto ko pong maghanap ng trabaho dito tapos mag –aaral po ako ng Law at itutuloy yung pangarap ko na pagaabugasya. Kung hindi po ako tatanggapin ni papa ulit, wala na po akong magagawa. Pero ayaw ko po paulit-ulit na ipiunawa sa kanya na ayaw ko po talagang mag teacher at gusto ko po maging lawyer.” Nagpalunok pa si Kylie at tumingin ulit sa mom niya. Parang di siya makapaniwala sa desisyon ko.


“Pwede ka namang hindi na magwork muna, ako na bahala sa pag-aaral mo—“


“Hindi po tita, gusto ko po sarili ko lang. Hindi po sa ayaw ko ng tulong niyo, gustong-gusto ko nga po sa totoo lang, pero gusto ko din po kasi na ipakita kay papa na kaya kong pag-aralin ang sarili ko. Na tapos na siya dun sa gusto niyang mangyari, nakapag tapos na ko ng education so ako na po bahala sa sarili ko kasi hanggang dun lang siya, hanggang dun lang ako dapat may suporta. Yung mga hakbang na susunod kong tatahakin na against sa gusto niya ay kargo ko lang din mag-isa. Hindi po patas yung pakikipag laban ko kay papa kung tatanggapin ko po  yung tulong niyo. Laban namin to. Kailangan patunayan ko po mag-isa na kaya ko po at dapat nagtiwala siya don. Gusto ko pong marealize niya na ang lahat ng tao, kahit pa sarili niyang anak ay may kanya-kanya at sari-sariling gusto para sa mga buhay nila. Walang sinuman ang dapat pumigil sa pangarap ng ninuman.”


“Wow. Nice speech. I’m convinced na you should be a lawyer talaga. Go go couz!” Hindi agad nagsalita si tita at kinabahan ako dun. Kasi pag naging hadlang siya sa plano ko, wala nakong ibang tatakbuhan kundi yung kalsada nang Maynila. Oh no.


“Mom! Ikaw? What do you think? Don’t tell me your with tito Lito?! Well I’m with this strong girl here!” tinuro pa niya ko gamit yung tinidor niya.


“Ano namang trabaho ang hahanapin mo?” tinitigan niya ko gamit yung mata niyang parang binabasa ang isip ko, ganyang-ganyan si mama sakin pag pinapagalitan ako, kaya kabado akong sumagot, hindi ko din bigla maisip kung ano ba dapat ang pasukan ko. Di ako pasado sa exam so hindi ako pwede mag teacher dito. Hindi ko alam kung ano-anong kumpanya ba ang tumatanggap ng aplikanteng graduate ng education, hindi ko alam at hindi ako pamilyar.


“Pwede kang mag teller sa banks! Or.. sales person.. or analyst,too! Or.. call center! Tama call center! Kasi with that you can develop your skills in  communication. Malaki din ang sahod kaya mas madami kang maiipon for you studies. And I think madami na ding call center companies na nagsusupport nang mga working students so you can still work kahit na nag te-take ka na nang Law!”

Call center? Hmm. Why not? Sabi ni Berna yung ate niya call center sa Davao at maganda ang sahod, mahirap kasi usually daw pang gabi pero ayos naman daw kasi masaya tapos gagaling pa sa English! Yun lang. Kaya ko ba? Marunong ako mag English sa isip at sa sulat, pero pag usapan na.. nako! Paktay ka diha!

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon