33.
Umalis din si sir sa kwarto ko nung gabing yun. Wag madumi ang utak mo. Bata pa ko at alam kong binilin maigi ni mama yun sa kanya, no kasal, no labing-labing!
Pinalaki kami nila mama at papa na nakatatak yun sa utak at bunbunan namin kaya di ko yun makakalimutan. I know my limits, and he knows that, too. Sorry to disappoint you. Bwahaha.
Pero nagkwentuhan kami bago siya umalis. Wala lang, kung ano-ano lang. Nakwento ko din sa kanya ang tungkol kela Dette-Romualdo-Kylie love story.
"Ikaw, ano sa tingin mong magandang gawin?" nakaupo kami pareho sa dulo ng kama ko at nakasandal sa headboard. Magkahawak ang kamay. Ang simple lang nito, pero enough na sakin.
"Wag mo pakielaman."
"Di naman pwede no. Pinsan at kaibigan ko yung pinag-uusapan dito. Bakit kasi kailangan pang manloko ng lalake? Diba? Di makuntento sa isa."
"Let them deal with it within themselves. It's their problem, not yours. So don't meddle on their love triangle."
"Eh anong gagawin ko? Kahit na alam kong mali di pa din ako kikilos?"
"What I'm trying to say here, hayaan mo sila. Wag ka na makigulo."
"Paanong hindi! Involve ako kasi kakilala ko parehas yung mga babaeng sangkot. Syempre mamaya ako pa maipit."
"Tell them or not, maiipit ka pa din. So just don't do anything so you'll be safe."
Sumimangot ako at di ko matanggap ang sagot niya. Paano kang tatahimik sa bagay na alam mong mali? Hindi pwedeng hayaan mong lumalim ang sugat nila bago ka makialam. Dapat habang daplis palang, namamakeelam ka na.
Tinanggal niya ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at iniakbay sakin. Inilapit niya ang ulo ko sa kanya at hinalikan ang tuktok ng buhok ko.
"Don't think about them too much. Hindi ka naman kasi kasali don. I am telling you this para di ka na madamay."
"Pero damay na ko kahit anong gawin ko. Sabihin ko nalang kaya?"
"You can't just tell the truth to any of the two women, it's the guy's responsibility."
"Sinabi ko naman na sabihin na niya pero di pa rin niya sinabi."
"Then it's his problem. Wag ka na sumawsaw." Sumimangot ako ulit pero niyakap niya ko ulit. Inisip ko din sa pagtulog yung mga sinabi ni sir sakin.
Maaga akong nagising dahil parang ang ganda nanaman ng panaginip ko. Kaya bago pa ko gisingin ni Gav non, nakapag hilamos na ko.
"Tita, when do you think we'll go to Davao and see papu?"
"Di ka pa din sawa sa tanong na yan? Di ko alam kay papa mo, siya magdedecide." Pababa kami ng hagdan at naaamoy ko na ang almusal na luto ni Ate Marina.
"Should I ask him?"
"Nakailang tanong ka na nga sakanya diba? He's not yet sure. Kasi baby busy pa si papa, pag di na busy yun, gora na tayo ng Davao for sure!"
Naconcious ako nung maabutan si sir sa hapag-kainan na nakabihis na at nagkakape.
"Good morning papa!" humalik si Gav sa papa niya bago umupo. Inayos ko ng onti ang buhok ko. Susme. Di ko naman alam na dito siya mag-aalmusal. Sana man lang naligo na muna ako. Tsk.
"Good morning baby." Tumingin sakin si sir kaya bigla kong sinuklay ang buhok kong magulo. "Good morning... Max."
Ngumiti lang ako, nakakahiya kasi mag good morning din. Hahaha. Pag naiisip ko lang na kagabi..
BINABASA MO ANG
CEO's SON (COMPLETED)
RomancePrologue Graduate si Maxine Roxas sa course na Education, pre-school. Mahilig siya sa bata dahil sa mga pinsan at pamangkin niya pero hindi niya hilig ang mag turo. Ang nais niya ay maging abogado, pero dahil ang mga kamag-anakan niya ay mga guro da...