9.
Totoo.. nag alsabalutan talaga ako matapos akong magligpit nang pinag-kainan ni Sir Niel. Di din ako makatulog at parang naiiyak pa ko.
San naman kasi ako pupulutin ngayon? Nakakahiya bumalik kila tita tapos tsaka ko lang sasabihin na hindi naman talaga ako naging call center agent bagkus ay isang simpleng yaya/tutor lamang. Patay ako kay tita. Ang daldal ko naman kasi. Ang dami ko tuloy nasabi kay sir na hindi dapat. Tsk. Tama nga si mama, may pagka taklesa ako. Bugso na din kasi nang damdamin. Si sir Niel naman kasi makapag-salita din eh. Haaay.
Siguro, kakaisip na din at sa pagod, naka idlip din naman ako pero alam kong saglit lang yun kasi ang bigat nang mata ko nung ginising ako ni Gavin nung umaga.
“Tita, wake up! We’re gonna buy gift for Jelly! Come on!” di ko magawang madilat yung mata ko nang buo kasi feeling ko 5mins. palang akong natutulog.
“Sleep muna si tita, Gavin. Just 5 more minutes.” Sabay talukbong nung kumot sa mukha ko. Pero hinili niya ulit yun.
“No! We need to buy gift! Jelly’s birthday is tomorrow already! Let’s go!” pero di ako nagpatalo at tumalikod pa sakanya after kong magtalukbong ulit.
Wala na kong naramdamang panggugulo at pagsasalita after ilang sandali kaya akala ko umalis na si Gavin. Kaya dahan-dahan ko siyang hinarap at pinilit kong idilat ang mata ko para makita kung andon pa ba siya sa kama ko.
Wala na. Nakaupo siya sa lapag at pinagmamasdan ang mga bag kong naka ready na. Yung mga inimpake kong gamit para sa paghahanda nang pagpapaalis ni sir Niel sakin. Napaupo ako bigla sa kama nung maalala ko yung nangyari kaninang medaling araw.
“Are you leaving me tita?” nakita ko yung malungkot niyang mata pero hindi naman yung parang maiiyak na. Hindi ako makasagot.. kasi hindi ko din alam.
“Hindi?”
“What?” tanong niya. Naguluhan siguro sa patanong ko ding sagot. Huminga akong malalim.
“Come. Let’s eat breakfast.” Iginaya ko ang kamay ko. Inisip ko na kung papaalisin ako ni sir Niel, siguro mamaya-maya pa. Siguro tatawag nalang siya dito or magpapadala nang sulat kay kuya Jaime at sasabihing umalis na ko sa condo niya. Wew.
Nagsmile naman siya at tumayo, sabay kaming bumaba. Nung nasa hagdan kami bigla kong naisip kung andito pa ba si sir at kung nagkita kaya silang dalawang mag-ama.
“Where’s your dad?”
“I don’t know. Office?”
Hmm. Mukhang hindi nga nagkita. Tulog pa kaya or umalis na? Napalingon ako bigla sa pinto nang kwarto niya. Mukha namang harmless.
Nakapaghanda na ng breakfast namin si ate Marina. Naglalagay nalang siya nang plato nung pumasok kami sa kainan.
“Good morning yaya.”
“Good morning ate Marina.”
Sabay naming bati ni Gavin. Ngumiti siya nang tipid at tumingin ng makahulugan sakin. Biglang tumibok yung puso ko nang mabilis. Jusko. Pinasabi kaya ni sir Niel sakanya ang kapalaran ko? Nakakakaba pa tumingin to si ate Marina. Napalunok ako nang laway.
“Max.” tawag niya sakin kahit magkalapit kami. Lalo akong kinabahan.
“Hmmm.” Sagot ko.
“May pinapabigay at pinapasabi si sir.” Dumdukot siya sa bulsa niya. OMG. LORD! ITO NA PO BA? Sulat na po ba ito na nagsasaad nang pagkakatanggal ko sa trabaho? Di pa ko sumasahod kasi mag iisang buwan palang ako next week.
BINABASA MO ANG
CEO's SON (COMPLETED)
RomancePrologue Graduate si Maxine Roxas sa course na Education, pre-school. Mahilig siya sa bata dahil sa mga pinsan at pamangkin niya pero hindi niya hilig ang mag turo. Ang nais niya ay maging abogado, pero dahil ang mga kamag-anakan niya ay mga guro da...