Chapter 12

96.6K 1.8K 24
                                    

12.


Nakanganga ako at di makapaniwala sa kwento sakin ni Celine. Kasalukuyan kasi kaming nasa Subaru niya na kulay orange papuntang Megamall. Talagang sinabay niya ko kasi nga daw plano naman niyang pumunta don, kahit na feeling ko parang gusto lang niya makipag kwentuhan. :P


“What? You don’t believe me?” natatawa niyang tanong. Umiling ako kaya tuluyan siyang tumawa.


Sinabi niya kasi na friends sila ni sir Niel since nung mga bata pa dahil business partners ang parents nila. Magkapit bahay din sila dati sa Forbes. Actually hanggang ngayon daw andon pa naman ang mga bahay nila, but since nagtatrabaho na, kumuha na sila nang kanya-kanya nilang condo unit at bihira nalang kung umuwi don.


At ang hindi ko pinaniniwalaan sa sinabi niya ay dati daw payatot si sir kaya binubully sa school nila at laging umiiyak.


“Kasi lagi siyang mukhang galit at mananapak. Kaya di ako makapaniwala na nabubully siya dati.”


“I know right. Like I said, he changed a lot. You know, I used to call him Yats coz he's so payat that time talaga.” Yats? Pfffft!


Sinabi din niya na naging mag bestfriends sila since primary kaya sobrang close sila. Inaantay ko na dumating ang kwento niya sa part na gusto kong marinig, yung part na may malaking question mark sakin. Mahal na mahal siya ni sir Niel, obvious naman nung away nila pero bakit hindi si Celine ang nanay ni Gavin? Sino ang mama ni Gavin?


Nagkwento siya nang mga about sa kalokohan nila growing up. Mga pinupuntahan nila at ginagawa nila. College na sila nung nagkaroon talaga sila ng circle of friends kasi hanggang Grade 10 nila silang dalawa ang madalas na magsama.


Hindi niya binabanggit na naging sila, or na nainlove sila, or naghiwalay sila. Hanggang sa dumating na kami sa Megamall.


Nagtext si Kylie na nasa loob na sila, nasa H&M daw at namimili, puntahan ko nalang daw sila don.


“Nasa H&M ang mga pinsan at tita ko, san ka na pupunta niyan?” tanong ko nung papasok na kami nang mall. Anlaki nang diperensya nang suot at aura namin. Dun na kasi ako sa bahay nila Jelly nag bihis nang pang dinner ko, yun nga yung dress na binili ko. Feeling ko ang ganda ko na, pero nung lumabas nang kwarto si Celine at nakasuot nang hanging shirt at ripped jeans, nanghina ang kalamnan ko. Bakit may mga babaeng kahit ano ang suot, ang ganda pa din? Ako nga kuntodo na sa dress with matching dollshoes pa pero mukha pa din akong basahan. Kakabili ko lang neto ah! Yung kanya, sira-sira na at kinulang pa sa tela, ang ganda pa din. Life is so unfair.


“Hmmmm. I think I want to go there, too. Is that okay?”


“Oo naman! Di naman ako may-ari non.”


“No. I mean, to meet your relatives?” napaisip ako. Wala naman sigurong masama.


“Ahmm.. Okay lang.” narinig niya siguro yung pag-aalinlangan ko.


“Promise I will never tell them about your little secrets.” Tapos kumindat siya kaya tumango nalang ako at nag smile. Hala sige, bira na.


Pagdating sa H&M store (na napakalaki naman pala!!) nagumpisa na kong hanapin sila habang si Celine nagumpisa nang maghanap nang damit. Medyo madaming tao at nahihilo ako kakahanap kaya tinawagan ko nalang si Kylie.



Ako: Hello, san kayo? Dito na kami.
Kylie: Near at the counter.. wait, who’s with you?



Yay. Kami pala nasabi ko!



Ako: Friend. Anong landmark niyan?
Kylie: Boyfriend??!!
Ako: Hindi! Ano ka ba.
Kylie: Haha. Okay chill. Nasa taas kami, yung counter sa rightside? Don. Nagbabayad na si mom and Kyle ako nagtitingin pa. Come on. Bring your ‘friend’ here.
Ako: Sige akyat na kami dyan.




“Celestine, nasa taas daw sila. Tara?”


“Yeah sure.”


Umakyat kami ni Cel at hinanap ko yung counter. Nakita ko nga at medyo mahaba yung pila don. Pero bago makarating nakita ko na si Kyle na namimili sa mga pants na medyo malapit dun.


“Kylie!” tawag ko nung medyo malapit na ko.


“Couz! OMG! I miss you!” tapos niyakap ako at hinalikan sa pisngi.


“Ako din! Ito nga pala yung friend ko, si Celine.” Tapos tinuro ko si Cel at nagbeso sila ni Kyle, wow. Susyaleras meet.


“Hi Kylie, I’m Celine. Nice to meet you.”


“Nice to meet you too, Celine.” Tapos bumaling siya sakin. “Sila mom and Kyle nandon sa counter,  puntahan natin so they could meet you pretty friend.” Tapos nagtawanan silang dalawa.


Naglakad kami papunta sa pwesto ni tita at Kyle na magkasunod sa pila at dala-dala ang mga napili nila. Paglapit namin sabay pa nagsalita si Kyle at si Celine nang, “Kyle?” “Ms. Cel?”


Magkakilala pala sila?!


“Oh my. So ikaw yung pinsan ni Max! Small world.” Natatawang sabi ni Celine.


“Magkakilala pala kayo eh. Mom, this is Celine, Max’s friend.”


“Hi po tita.” Tapos nag kiss siya sa pisngi ni tita Minda, after niyang humalik nagmano naman ako.


“Opo friend ko siya pero di ko po alam na magkakilala sila ni Kyle.” Sagot ko naman.


“Yeah mom, Ms. Cel is my boss’ fianceé. We met a few times kaya I know her.” Introduction ni  Kyle. Medyo nagiba na ang boses niya, naging binata kumapara nung bata pa kami na medyo matining. Ngayon lalakeng-lalake na. Sa bagay, 22 na siya ngayon.


“Wow that’s nice.” Tumatango-tango si tita.


“Anyway, Ms. Cel I thought you’ll go with sir Mark in Cebu?  Actually pinapasunod niya ang buong team don kaya lilipad kami tomorrow afternoon.”


“Nah. I want some vacation alone. I am staying in my sister’s condo in Eastwood.”


Matagal pa silang nag usap, minsan sinasali ako, hanggang sa matanong ang ayaw ko sanang matanong.


“So, how do you became friends with my cousin?” tanong ni Kyle. Tinignan ako ni Celine at agad tumingin kay Kyle.


“She’s working on my friend’s company in Eastwood. We  met on a… party on their office. So ayun. Maxine is so kind kaya gumaan ang loob ko sakanya. Actually ako nag volunteer na samahan siya today dito.” Ambilis magpalusot. Ambilis makaisip nang kasinungalingan. Sasakyan ko nalang lahat nang sasabihin niya para di ako mailto.


“Ahhh. A good friend of mine is the HR head in that company. Who’s your friend there?” Tanong ni tita.


“Sorry tita, I don’t know the HR head. But my friend is the CEO.”


“Whoa!” sabay na sagot ni Kylie at Kyle.


“Well,  I shouldn’t be surprised at all kasi your fiancé is also a CEO.” Biro ni  Kyle at nagtawanan kami. Actually nakikitawa nalang ako sakanila kasi kinakabahan ako sa bawat pagtatanong nila, baka  madulas si Celine sa mga sasabihin niya at mabigyan niya nang clue sila tita na nagsisinungaling ako. Gulp.


“Well guys, it’s so nice meeting you all, but, I think I need to go. A friend is waiting din kasi sakin sa Shang.” Paalam ni Celine after a while nang paguusap nila sa labas nang H&M.


“You sure you don’t want to go with us sa dinner?” tanong ni tita.


“As much as I want to tita, I can’t kasi my friend’s waiting there. Promise, next time.” Tapos nag beso siya kay tita, Kyle at Kylie. Last ako. Tapos sinabi niyang, “Thanks for bringing me here. NAgenjoy ako kasama kayo kahit saglit lang. See you around!”


7PM dumiretso na kami sa Vikings, nakareserve naman na kami so no need na palang pumila pag ganon. Meron kasing mga nakapila pang iba. During our way sa Vikings, nag-usap kami ni Kyle.


“bigtime ang friend mo Max, girlfriend ng boss ko. Sabihin mo ipapromote ako ah.” Tapos sinisiko-siko ako. Tinatawanan ko lang siya. As if diba.


“So, kamusta? It’s been a long time since I last saw you. Uhugin ka pa noon.” He joked.


“OA. Ikaw kaya di ka pa nag bbrief non.” Natawa siya.


“Grabe ah. San ka na ba nagwowork ngayon? Anong company na nga?”


Ahhhh.. Ano na ngang Company yun? “MLS Kyle.” Sagot ni Kylie. Ah yun ba yun?


“That’s good. Maganda don ah. They give good compensation there.”


“Oo nga. Malaki nga sahod.” Sagot ko nalang.


Nagulat ako sa pagpasok nang Vikings. Anlaki.  Tapos parang hotel ang interior niya. May isang linya nang mga pagkain na nakalagay sa silver containers. Sa isang side may mga drinks na iba-iba, merong part na puro desserts. MAdaming tao pero madami pang bakante na table. Siguro mga nakareserve lang din.


Itinuro kami sa table na paikot at couch ang upuan. Ayos to kasi hindi mahirap tumayo pag kukuha ulit nang pagkain.


“Hoooo. Japanese. Wanna start na mom.” Sabi ni Kylie pag upo namin.


“Go.” Pag sabi nun ni tita agad kaming tumayo tatlo at naghiwa-hiwalay. Si Kylie dumiretso sa part na puro Japanese food tapos si Kyle dun sa isang part na may pila din. Ano ba yun?


Ako, inumpasahan ko sa dulo para makita ko lahat ng inooffer nila.


Agad akong kumuha nang anim na pirasong tempura at yung sauce nung mapadaan ako dun. Tapos kumuha ako nang Hilabos na hipon, sampo ata nakuha ko. Nagiisip ako kung ano pang pwedeng ipagkasya sa plato ko nung makita kong yung iba paunti-unti lang ang laman ng plato. Kaya nagdecide akong bumalik nalang.


“Puro hipon ah. Hulaan ko ayaw mo yan.” Biro ni Kyle nung umupo siya sa table naming halos kasunuran ko. Tumango lang ako at nagumpisang kainin ang tempura. Habang nginunguya yun, binabalatan ko naman ang hipon.


Mamaya-maya bumalik si Kylie na puno ang plato nang iba-ibang sushi. Erk. Di ko talaga type ang sushi. Pinansin din ni Kyle ang puro hipon na laman nang plato ko at biniro ko naman siya sa puro sushi niyang plato.


Iba-ibang klase naman ang kinuha ni tita Minda kaya niloko siya ng mga anak niya na karinderia ang trip nang mommy nila. Nalaman ko din na yung pinilahan ni Kyle ay mga premium food. Andon ang lamb, turkey at lechon kaya mas mahaba ang pila don. Sinabi kong pipila din ako pero binigyan nalang niya ko nang kapirasong turkey at lechon para daw di maubos oras ko sa pag pila don, makakakain pa ko ng iba.


Tumayo ako ulit nung maubos ang unang round ko kaya umikot ako ulit at naghanap nang pwedeng kainin, kabilin-bilinan ni Celine kanina sa sasakyan na wag ako mag rice para di ako mabusog. Natatakam na nga kong magkanin kasi ang sasarap nung ulam.


Bumalik ako dun sa pinagkuhanan ko nung tempura at nakita kong walang nakalagay. Napanguso ako. Ubos na?


“They’ll put another batch. Just wait.” Napatingin ako sa nagsalita. Isang medyo morenong lalaki na naka v-neck shirt at faded jeans. May dala din siyang plato at nakasuot nang Tommy Hilfiger na relo. Para siyang mga kalevel ni sir Niel, mga ganong pormahan at aura. Richkid.


“There you go.” Sabi niya at tumingin don sa mga tempura. Ayun nga. Nagsalin nang bagong batch. Parang mga sampong piraso lang yung sinalin.


Inabot niya sakin yung isang tong na pangkuha nung tempura kaya kinuha ko at nagsimula nang maghakot ng pritong hipon.


“Anyway, I’m George, and you are?”


“Ahh..”


“Maxine Roxas?” sabay kaming napatingin ni George sa nagsalita at nanlaki ang mata ko nung Makita ko si sir Niel na nakatayo sa gilid namin at halatang nagtataka.


“Sir Niel. Good evening po.” Yun ang una kong nasabi. Feeling ko papagalitan niya ko kasi nagkita kami dito.


“Interesting.. you know this pretty lady here?” sabi ni George. Tinignan siya nang masama ni sir. Magkakilala sila?


“She’s one of my employees.” Sagot niya.


“That’s nice! So you are Maxine Roxas, huh. Interesting.” Tapos parang nangingiti siya sa nalamang kakilala ako ni sir Niel.


“Ahmm. Una na po ako sir. And ahhmm.. Nice meeting you sir George.” Paalam ko.


“Just George, Maxine. I’m not your boss.”


“Sige po. Babye po.” Tapos dali-dali na kong umalis don kahit na yung limang tempura lang ang laman ng plato ko. Wala pang sauce! Tsk. Sa dinami-dami naman kasi ng kakainan ditto pa siya kumain. Sa dami ng Vikings sa Metro Manila, dito pa siya sa Megamall nagpunta!


“Yan lang?” tanong ni Kyle nung bumalik ako. Nagkasabay nanaman kami pero yung kanya punong-puno.


“Babalik nalang ako. Mahaba pa naman ang oras.” Mabagal kong kinain ang tempura. Tumitingin-tingin din ako sa paligid sakaling makita ulit si George at sir Niel.  Sana nasa kabilang dako sila ng Vikings, malaki naman ito eh.


Kwentuhan at tawanan lang ang ginawa naming sa table, mabagal pa din ang pagkain ko at tinitipid ko ang bawat tempura para di maubos agad. Nagdala din si Kylie nang isang plato nang pizza kaya kumuha din ako dun. Si tita nagdala nang isang platong puro ulam na Korean. Nakikuha din ako dun. Pinipigil na tumayo para di ko na ulit makasalubong o Makita si sir Niel. Feeling ko kasi ibang mundo to, at ang mundo na kasama siya ay sa Eastwood lang.


“Di ka na tumayo, puro hingi ka samin. Tara kuha tayong desserts.” Yaya ni Kylie.


“Kuha mo nalang ako.”


“Ha? Ano ka ba?! Di mo maeenjoy ang  Vikings pag di ka nag ikot-ikot.” Singit ni Kyle.


“Tsaka sayang naman ang dress mo kung hindi mo irarampa dyan. Flaunt your beauty couz!” Dagdag pa ni Kylie. Irarampa talaga.


“Actually, saw some men following her around kanina.” Sabi ni Kyle habang nilalantakan yung chapchae.


“What?”


“HA? Weh.”


Sabay naming reaksyon ni Kylie.


“Yeah. Someone’s looking at her a while ago.. actually until now.” Sabay nguso niya sa isang banda kaya napalingon ako at nakita ang apat na pares nang mata na nakatingin sakin mula sa di kalayuang table.


Nanlaki ang mata ko nung makita na si Sir Niel yun kasama si George at dalawa pang lalake. Nung makita nilang tumingin kami, kumaway si George at umiling lang si sir Niel na parang bored sa buhay. OMG.


“Couz!! You’re so pretty talaga! Gosh! Those guys are hot.” Sabi ni Kylie.


“Stop it Kylie.” Sita ni tita.


“Totoo naman mom! Like.. OMG. Look like the gods came from heaven.”


“OA.” Sabay naming nasabi ni Kyle.


Umirap si Kylie. “Pero couz! Grabe ang ganda talaga ng lahi natin. Can’t you see that? They.are.stariiiing at you!” hirit nanaman niya.


Tumingin ako ulit at nakatingin pa din sila sa table namin, naka smile pa si George. Binalik ko ang tingin ko sa plato ko.


“Creepy.” Sabi ni tita na nagpatawa saming tatlo. Parang awkward kasi pakinggan sakanya manggaling yun.


“Kilala ko po sila kaya nakatingin. Actually yung dalawa lang. Bale, yung isa lang talaga.” Panimula ko.


“What?” tanong ni Kylie sa nalilitong tono.


“Yung isa don boss ko, yung isa don nakipagkilala sakin kanina nung kumukuha akong pagkain.” Paliwanag ko.


“Ahhh. Wow. Couz, the guy on green colarshirt is really cute.” Turo niya dun sa lalakeng katapat ni sir Niel.


“Di ko kilala yun. Baka kasama nila, friends ganyan.” Sabi ko at tinuloy nalang ang pagkain.


Habang kumakain (at pinipilit na hindi tignan ang table nila) pinagadadasal ko na sana may mauna nang umalis, sana sila nalang. Kasi gusto ko pang kumain at nacoconcious ako sa prisensya ng boss ko kahit na wala naman akong ginagawang masama. Baka kasi ilaglag ako kela tita at sabihin niya ang tunay kong trabaho.


“OMG!” napatingin ako kay Kylie na nakatingin kung saan nung bigla siyang umirit. Nang sundan ko ang tinitignan niya nakita kong lumalapit si George kasama yung isang lalakeng naka green (yung type ni Kylie) dito sa table naming. Luh.


Nung makalapit sila biglang nagayos nang buhok si Kylie at nagsmile nang maganda, pacute. Haha.


“Hi. Sorry to bother you but I just want to say goodbye to a pretty lady over here.” Sabi ni George nung makalapit samin.


“Who are you reffering to? We’re three here.” Biro ni tita Minda.


Nag smile si George, “You are all beautiful madam.” Tumawa naman si tita Minda sa papuri sakanya. “But of course in every set of flowers there’s one that outstand everyone. No offense meant.”


Tumawa lang si tita at Kylie (na nagpapacute pa din) sa sinabi niya. Kung iisipin, parang offensive yung sinabi, pero dahil maganda ang pagkadeliver niya, alam mong nagbibiro lang talaga siya.


Tumingin siya sakin, “So.. nice meeting you again Maxine.” Tapos kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Napalunok ako kasi ngayon lang may gumawa sakin nang ganon, at ang gwapo pa nang gumawa.


“Ahh. Si-sige. Bye.” Sabi ko na medyo di na alam ang dapat gawin at sabihin. Nagsmile siya ulit, (mala pang close up model smile) at nagpaalam na din kela tita at umalis. Nag paalam din yung kasama niya. Wala na si sir Niel sa paligid so siguro nauna nang lumabas.


Sinabunutan ako ni Kylie bigla nung makalabas na nang Vikings yung dalawa.


“Ang ganda mo!!!” tapos gingulo-gulo yung buhok ko. Tumatawa lang si Kyle at tita Minda.


Oh well.


--


Naghiwalay kami sa parking lot na. Magkatabi ang sasakyan ni  tita at sasakyan ni Kyle. Nagpaalamanan at nagsabihan kung kailan ulit magkikita, bago ako pumasok ng sasakyan. Sumunod din si Kylie at naiwan si tita Minda na kinakausap si Kyle.


“Nagbibilin si mommy.” Sabi ni Kylie mula sa harap nung mapansin niya sigurong nakatingin ako sa labas kung saan naguusap pa yung dalawa.


“Ilang araw ba sila sa Cebu?” curious lang ako.


“1 week? Or more. I don’t really know. Kahit si Kyle di din alam. Minsan kasi nageextend minsan maaga matapos.. so.”


“Pwede kaya magpabili ng pasalubong?” natawa si Kylie.


“Syempre. What kind of pasalubong ba?”


Bigla kong naisip na masarap ang danguet sa Cebu at dried mangoes. Kaya yun nalang ipapapasalubong ko kay Kyle.


“Text ko nalang siguro siya bukas.”


Nung nasa byahe kami, nagtulog lang si Kylie kaya tahimik sa sasakyan. Di din naman ako dinaldal ni tita kaya kahit di ako nakatulog, pumikit ako habang nasa byahe.


Kamusta na kaya si Gavin? Namimiss ko na yung bata. Napaliguan na kaya ni ate Marina? Tulog na kaya yun? Haaaay. Sana mamaya pag tumawag ako don gising pa siya. Si ate Marina kasi di sumasagot nung subukan ko siyang tawagan nung nag CR ako sa Vikings.


“Tita, thanks po sa dinner. Matutulog na po ako ah.” Paalam ko nung makapasok kami ng bahay. Si Kylie dire-diretso na sa kwarto niya eh.


“Sure. What time are you leaving tomorrow?” tanong niya habang nag la-lock nang pintuan.


“Mga.. umaga po. Or basta before lunch.”


“Good. Sumabay ka na sakin. I have a meeting tomorrow in Eastwood.” What??


“Ahh. What time po meeting niyo?”


“Lunch.”


“Nako tita kailangan mas maaga po ako eh. Mauuna nalang po—“


“No.. sabay ka na sakin kasi maaga ako pupunta don. I am planning to visit my friend too. MEdyo matagal na kaming di nagkikita.” Friend? Oh no. May kutob na ko.


“Sinong friend po?”


“Your HR head.” Tapos umakyat na si tita sa taas, di ako nakagalaw hanggang sa pumasok siya nang kwarto niya.


Yan na nga ba sinasabi ko eh. Mga ganyang pagkakataon! Tsk. Alam kaya ni Ms. Becky yung naging arrangement namin ni sir Niel? Ayoko namang tawagan si sir Niel ngayong gabi para lang don pero.. kailangan talaga!


Baka magkabistuhan na bukas. Patay.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon