Chapter 34

145K 2.3K 282
                                    

34.



Medyo dim ang ilaw sa baba pati sa hagdan, yellow lang kasi mostly ang lights na nakabukas at walang white lights. Pag akyat sa second floor, bumungad sakin ang isang room na puro gowns pa din.

White ang paligid at ang nagbibigay ng kulay dito ay yung iba't-ibang kulay nang gowns na nakasabit sa bawat pader. Merong white couch sa gitna at dalawang solo couches sa magkabila na may feathery white carpet sa ilalim. Sa harap non ay isang malaking salamin.

Itinuro kami nung babaeng sumalubong samin doon sa couch at dahan-dahan pa kong umupo. Feeling ko maiiyak ako kasi parang masyadong pang mayaman ang upuan na ito at isang karangalan ang maupo dito.

Hinila ni sir ang braso ko para mapabilis ang upo kaya napasalampak ako sa sofa. "Aray naman."

"Bakit ang bagal mo pa umupo?"

"Dinadama ko yung moment ng pag-upo sa sofa."

"And why?"

"Wala lang. Feeling ko pang prinsesa."

"Psh. Then I'll buy something like this for your room." Nginiwian ko siya. OA nito.

"Bakit nga ba tayo andito? Anong meron?"

"I want you to meet my personal stylist, Oliver."

"Ah. So ngayon mo talaga naisipang ipakilala ako kung kailan mukha akong chimiaa sa suot ko?"

"What's chimiaa?"

"Katulong!"

"Doesn't look like katulong for me." Tinignan pa niya ko mula ulo hanggang paa at pabalik. Tsk!

"Hi Niel! Good evening!" sabi ng isang lalake na naka suit na gray pero naka shirt lang sa loob. Naka brown leather shoes, naka-maong pants at tisoy.

Tumayo si sir kaya tumayo din ako. Tinap lang niya sa balikat yung lalake at tinuro ako. "Oliver, this is Maxine."

"Hi Maxine! Finally! So nice to meet you." Bineso ako bago kamayan. "Sorry I wasn't able to meet you downstairs, kausap ko kasi ang Manager ni Fergie at nagrerequest ng bagong designs ng gown for her for the upcoming MMA." Napalunok ako. Fergie? Fergie as in Fergie ng BEP at kumanta ng big girls don't cry?

Wait.. sinong Oliver ba ito?

Ano ba yung nakasulat sa labas ng boutique? Oliver.. Tolentino?

"Hello po Sir Oliver. Nice to see you po."

Tumawa siya ng bahagya. "You can just call me Oliver, Maxine. Niel is a good friend of mine." Ngumiti lang ako. Hindi ko siya tatawaging Oliver.. lang!

"So, let's get started." Hindi ko alam kung ano bang gagawin namin. Magsusukat ba kong gown? O ano? Di ko sure talaga. Well sa dami ng gown dito inisip ko na magsusukat ako ng gown.

Umupo si Mr. Oliver sa couch na pang solo at iniurong yun para medyo nakaharap siya samin ni sir. Hinila nanaman ako ni sir paupo sa sofa.

"Okay, so what do you want for a gown Maxine?" para na kaming nag-uusap ng business dito kahit pa nakasmile siya. Feeling ko corner ako.

Tumingin ako kay sir para humingi ng tulong. Pero nakatingin lang din siya sakin. "Ah Sir Oliver, pwede ba kausapin ko lang saglit si Sir Niel? In private?"

Tumingin muna siya kay sir, "Sure! No problem. Just call me when you're ready. I'll just be in my office." Tapos may tinuro siyang pintuan sa dulong part ng room na ito. Tumango ako at humarap lang kay sir nung makapasok na siya.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon