Chapter 30

136K 2.3K 324
                                    

30.

Matagal pa bako ako tumayo sa kinauupuan ko. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko na mga what ifs. Iniisip ko ngayon kung katukin ko kaya si sir sa kwarto niya?

Ano namang gagawin ko kung pagbuksan niya ko? Kaya ko bang sabihin sa kanya lahat ng nasa isip ko? Kaya ko bang aminin yung nararamdaman kong matagal ko na palang kinikimkim ngunit di ko inisip na pwedeng mangyari?

Hindi ako paarte o ano, sadyang di ko lang kaya. Siguro magiging sapat na muna saking alam kong gusto din pala ako ni sir. Magpapalipas ako ng araw, ng oras, ng minuto at ng sandali hanggang alam ko na sa sarili ko na kaya ko.

Iniyak ko lang lahat ng frustrations ko nung gabing yun sa higaan. Sobrang sakit pa ng ulo ko pag gising ko nung umaga, hindi ko alam kung nalasing ba ko sa wine kaya ko din nagawa at nasabi ang mga bagay na yun pero iniisip ko kasi kung nakakalasing ba ang wine.

Hindi din ako lumalabas ng bahay (nanaman) kasi pakiramdam ko uuwi si sir any moment. Kahit hindi ko kayang sabihin sa kanya yung feelings ko, gusto ko naman sana makita siya. Kahit pa iisnob-in niya ko, okay lang. Kahit pa magbangayan kami ulit, okay lang.

"Max, dapat na ba kong kabahan?"

"San?" alam ko namumugto ang mga mata ko dahil sa iyak ko nang ilang gabi, isang reason din bakit ayaw ko lumabas. Tinignan ko si Ate Marina na parang walang kaalam-alam sa tinutukoy niya.

"Dyan."

"San nga?"

"Dyan! Sa mukha mong maga! Halata namang umiyak ka! Ano ba talagang nangyari sainyo ni Caleb? Ilang araw nang tawag ng tawag sa cellphone ko kasi ayaw mo daw sagutin ang tawag niya. Nag away ba kayo? Break na ba kayo?"

Umirap ako at saglit na pumikit. Sa totoo lang, ganon kabilis nawala sa isip ko si Caleb. Parang naguguilty pa nga ako kasi.. kasi diba? Wala talaga. Ganon pala yun? Yung nararamdaman mong infatuation sa isang tao kahit pa sa tingin mo ay ganon na kalalim ay kayang-kayang burahin ng love mo sa iba.

Totoo, nung mga panahong magkasama kami ni Caleb sobrang masaya ako. To the point na umaabot kami sa kilig moments. Na ang kulang nalang talaga samin ay magsabi na "Okay, tayo na."

Pero hindi kami umabot don. Bakit? Sa tingin ko, inadya na din talaga ng Panginoon na hindi kami umabot don, kasi papasok pa sa buhay ko si sir. Kasi sa ilang araw pala naming pagsasama sa Palawan, mahuhulog na ko sa kanya. Kasi sa ilang beses na kwentuhan at seryosong usapan, mabibitawan ko agad si Caleb.

Ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Caleb. Sa isang banda ng isip ko, iniisip ko na masaya siguro siya ngayon kasi kasama naman niya si Kim nung makita ko, nagkabalikan na ba sila?

Siguro, kung nakita ko sila bago pa mangyari ang Palawan, baka umuwi na ko ng Davao kasi alam kong masasaktan ako. Pero somehow nagkaron ako ng fallback eh, si sir yun.

"Ate, wag muna natin pag-usapan-"

"Max, wag naman ganyan. Tinuturing na kitang nakababatang kapatid, minsan nga halos anak na. Nagaalala din naman ako sayo." Tumingin ako kay Ate Marina at talagang nagdrama siya ng ganyan sa panahon pa na pusong mamon ako.

Huminga akong malalim at pinigilang hindi maiyak kahit na parang may bumubukol na sa lalamunan ko.

"Sana Max, wag kang magdalawang isip na magsabi sakin para hindi mo naman solohin. Gusto ko din naman makatulong kahit papano. Kahit taga kinig lang."

Susme! Dinagdagan pa! Ayan napaiyak na ko. Tsk.

"Naman to eh. May ganon pang drama." Hinampas ko pa siya sa braso kasi pinaiyak pa ko! Agad kong pinahid sa laylayan ng t-shirt ko yung luha at sipon na unli sa pagtulo.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon