Chapter 22

121K 1.9K 304
                                    

22.



Hindi ako mapakali sa text na natanggap ko mula kay Celine. Madaming tumakbo sa isip ko, 1. Paano ko sasabihin kay Sir Niel, 2. Dapat ko nga bang

sabihin sa kanya yun at, 3. Anong remedyo ang pwede kong gawin.


Masaklap maipit sa isang sitwasyon na hindi mo alam kung bakit ka nga ba nadamay at lalong di mo alam paano ka makakatakas. Kaibigan ko si Celine at

may boyfriend siyang tao, pero para lang makahingi nang favor noon kay Sir Niel, nangako akong ilalakad siya kay Celine, which means ready akong

sirain ang anumang relationship meron si Celine ngayon sa bf niya para lang sa pangakong yon.


At ngayon, nagisisisi ako kung bakit ko pa kasi sinimulan yun.

No choice, pero una kong tinawagan ay si George. Siya ang may alam nang detalye about dito at siya din naman ang nakakakilala dun sa dalawa.



Ako: George..

George: Hi Max! Goodmorning. Namiss naman kitang kausap. What's up?



Sa boses niyang medyo malaki compare sa normal, alam kong bagong gising palang siya. Kaya lang di ako mapakali. Di ako nakatulog masyado kagabi

kakaisip sa problemang to at ngayong umaga, 6:33AM, tinawagan ko agad siya.



Ako: May problem tayo.

George: Hmmm? Ano?

Ako: Kagabi nagtext sakin si Celine. Sabi niya isasama daw niya si Mark sa birthday ni Gavin.

George: What?

Ako: Yun nga. What talaga.



Matagal bago siya sumagot ulit, inisip kong nakatulog siya ulit kasi tahimik din sa kabilang linya.



Ako: Hello? George? Andyan ka pa.

George: Yep. Wait for me, I'll be there in 30mins.



Naputol na ang linya. Sa huling sinabi niya, parang nakaloud speaker pa siya. Napahinga akong malalim, sana makaisip siya nang paraan kung ano

dapat ang gawin ko sa sitwasyong yun. Gusto ko lang naman maenjoy ni Gav ang birthday niya.


Pero ngayon palang, isang buwan pa ang layo, nasstress na ko sa pag-iisip na baka hindi yun maging okay.


Bumaba na ko para matignan na din kung nakaalis na ba si Sir Niel.. nasa hagdan na ko nung marealize ko na wala pala akong way para malaman kung

nakaalis na siya. Alangan namang silipin ko kwarto niya? O katukin ko siya? Baka sabihin pa feeling close ako.


So nag decide ako na i-meet nalang si George sa labas nang condo. Okay na din para breakfast meeting kunyari. Mabilis akong nagprepare after kong

magtext kay George na sa Mcdo nalang kami magkita.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon