Chapter 25

124K 2K 332
                                    

25.

Ayon sa meeting last week, sabi ni Ian dapat maaga ang alis para makarating agad nang subic at hindi abutin ng sobrang init. Di pa nga masyadong kumpleto nung nag meeting kami sa McDonald's dahil wala si Clau. Sabi nila, isasama daw kasi ni Clau ang boyfriend niya at nung araw na yun sila namili para sa outing.

4am ang alis pero 1:32 na ng madaling araw nag-aayos pa ko ng gamit. Sorry na. sa 2 weeks na preparation ko, di naging sapat yun para sa pag-aayos ng mga gamit.

"Max, di ka pa ba matutulog?" tanong ni Ate Marina nung bandang alas-onse.

"Di pa."

"Hulaan ko, si Caleb di din makatulog no?" sabay bungisngis siya. Inirapan ko lang siya.

Sa tingin ko nga din di pa tulog si Caleb, kasi kanina 5 minutes ago, nagpost pa siya sa fb.

Caleb Josiah Cruz:

Excited     to see the beach. 

Tapos nakatag ako. Napangiti ako at nagcomment.

Maxine Jean Roxas:

Weeee.. Sand is hart hart.

Binaba ko ang phone ko at nag-ayos ulit. Mas inuna ko kasi ang pag-aayos ng dadalin ni Gav sa pagpunta ng Palawan bago yung mga sakin.

Napatingin ako sa orasan after ilang saglit at napansing mag aalas-dos na. Jusmiyo di pa ko natutulog! Sa byahe nalang siguro ako matutulog. Biglang nagvibrate ang phone ko dahil sa isang text. Galing kay Ian.

Ian:

Max, see you later. LOL

Ako:

Adik ka Ian. Hahaha.

Ian:

Magpicture ka ng naka 2-piece ah. Para di mapakali si Caleb. Wahahaha.

Ako:

Sira ka. Hahaha. Wag nga daw ako magdala ng 2-piece para sure na di ko isuot. Ehe.

Ian:

Magsuot ka para di siya makatulog. Bwahaha.

Ako:

Sira. Haha. Ge na. Nag-aayos pa ko.

Ian:

What? Ngayon ka palang nag-aayos? Maaga aalis! I'll bring our car para Malaki at baka 3:30AM nakapark na ko sa labas ng condo niyo.

Ako:

Oo nga. Eh inuna ko yung kay Gavin, yung mga dadalin niya sa Palawan.

Ian:

Bait ni Tita Max.

Napangisi ako. Nakilala na din kasi ng barkada ni Caleb si Gav. Alam nila ang work ko at ang reason kung bakit ako nagttrabaho don. Sa dalas ko na silang nakakasama, di malabong makwento yun sakanila.

Tapos nung time pa na namimili ako ng mga pwedeng isuot sa beach, sumama si Ian samin ni Caleb at Gavin. Meron daw kasi siyang dinalaw dito sa Eastwood kaya nagkataon na nung namimili kami ni Caleb at nagtext siya na makipag kita sa kanya, sinama na namin kaya nakabonding niya si Gav. Tuwang-tuwa siya sa di ko malaman na dahilan sa pag tawag sakin ni Gavin ng Tita Max. Ang cute daw. Parang sira talaga.

Nung pumatak ng 2am, natulog na ko. Nag alarm nalang ako ng 3am para sa preparation. Okay na yung 1 hour na idlip para may power ako mamaya.

Nag-alarm ako ng 3am at nilagay sa tapat ng tenga ko ang speaker ng phone ko para pag nag alarm to, rinig ko agad.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon