27.
Nagising akong nakangiti. Hindi ko alam kung bakit. Malamang may maganda nanaman akong panaginip kaya lang di ko na maalala.
Tinignan ko agad ang phone ko para sa oras, nakita kong 7AM na, nakakataka lang na wala pang nanggigising sakin. Agad akong tumakbo papunta don sa common cr para makapag toothbrush at maligo. Kailangan pag baba ko fresh na ko. Sa pagkakantanda ko, sabi ni sir kagabi maaga daw dadating si Ms. Donna.
Sinusuklay ko pa ang buhok ko ng kamay nung pababa ako, nagulat ako at nagtaka na andon na silang lahat sa dinning table at nag-aalmusal. Kasama pa si Ms. Donna at yung driver na si Leo.
"Good morning tita!" Si Gav ang unang nakakita sakin kaya bumati. Tumingin naman silang lahat sakin nung palapit ako.
"Wow. Andito na pala kayo lahat?" sabi ko na may onting tabang. May plano ba silang iwan ako? Di man lang nila ako ginising tapos ito silang LAHAT AT BIHIS NA BIHIS NA AT NAG-AALMUSAL!! Nakakasira naman ng araw.
Alam kong pansin agad ni Ate Marina ang mukha ko, "Max sorry ah.. kasi ano.."
"I told them not to wake you up yet, you might want to sleep more." Paliwanag ni sir na parang nagwoworry din siya sa grumpy attitude ko. Sinong di magiging grumpy? Hello!
"Good morning po." Bati ko kela Ms. Donna, smiling face naman talaga siya kaya kahit mukha akong inis nakangiti pa din siya. Umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni Gav.
"What do you want?" napakunot ang noo ko kay sir. "I mean.. ito lang kasi ang pinahanda ko for breakfast, you want anything?"
Alright. I became grumpy when I saw them here na ready na habang iniwan akong tulog sa taas, but, being treated like this ng boss ko..? nakakalight-up ng mood.
"Oks lang yan sir. Thanks." Then in a flash naalala ko yung mga nangyari kagabi, lalo na yung nag goodnight siya sakin. Nyak! NOOOO! Wala lang yun.
Hindi ako masyadong nagmadali kumain kasi kahit sila di din naman nagmamadali, so naconclude ko lang na baka di naman talaga kami nagmamadaling umalis.
Halos 9AM na kami nakaalis kasi andaming kwentuhan. Sabi ni Ms. Donna, sa Underground River daw kami ngayon. Meron daw na sched ang pagpasok dun, by batch at usually sa dami ng guests na nagpupunta, kailangan pang pumila.
"Well, I think I can use some of my connections there." Ang yabang.
"Nako sir, wag na! Diba Ms. Donna marami namang pwedeng gawin habang nag-aantay?"
"Yup. You can take pictures, may parang caves pa and relaxing ang place. I think you wouldn't be bored while waiting Niel. But of course, if you want to be prio—"
"Hindi po Ms. Donna, ayaw ko ng special treatment sa ganon. Mas maganda yung maenjoy natin yung nature, yung paligid, picture-picture ganyan. Wala naman tayong ibang pupuntahan diba?"
Tumingin si Ms. Donna kay Sir Niel. "Uhmm.. There's a lot of places and activities we can do here, pero sa ngayon ang iterinary lang natin is Underground. Perhaps you want to see more of Palawan, pwede naman. We are on a private tour naman."
"Uy sir, wag ka na pa VIP. Enjoyin naman natin to!" sabi ko sa katabi kong busangot. Di yata sanay na hindi siya VIP. Hihi.
"Yeah whatever."
Ngiting tagumpay ang binalik ko kay Ms. Donna, nanlalaki pa ang butas ng ilong ko. Wahahaha.
As usual, busy si Gav sa pagtingin sa labas, tumitingin din ako sa labas pero yung kalahating katawan ko ay busy din sa pag ramdam ng kung anong kuryente na dinudulot ng katabi ko.
BINABASA MO ANG
CEO's SON (COMPLETED)
RomancePrologue Graduate si Maxine Roxas sa course na Education, pre-school. Mahilig siya sa bata dahil sa mga pinsan at pamangkin niya pero hindi niya hilig ang mag turo. Ang nais niya ay maging abogado, pero dahil ang mga kamag-anakan niya ay mga guro da...