Chapter 28

163K 2.5K 876
                                    

28.


Pagod na pagod na ko sa pag takbo pero parang di naman ako nakakalayo. Hindi ko na maalala kung bakit ako tumatakbo at kung ano ang eksena ngayon, basta ang alam ko, masaya ang puso at damdamin ko. Kung anong dahilan, hindi ko na alam.

Nakangiti ako habang pinipilit na lumayo sa kung ano man ang nasa likod, pero hindi ako takot.

Lumingon ako, na sa tingin ko ay unang pagkakataon lang, para tignan kung sino ang nasa likod ko at ano nga ba ang tinatakbuhan ko palayo. Pero paglingon ko, napunta ako sa tabing dagat, hindi ako sure kung sa may Underground River to o iba pang beach, pero sure akong sa Palawan to.

Nasa likod ko si Gav at tumatawang tumatakbo palapit sakin. Si Gav pala ang nasa likod ko? Pero bakit ako lumalayo? Hinintay ko siya hanggang makalapit sakin. Sumisigaw siya ng "Tita Max!!" at kumaway ako para malaman niyang inaantay ko siya.

Pero kahit gaano ako katagal mag-antay, hindi siya dumadating sakin. Tumatakbo lang siya palapit. Kaya sinalubong ko siya at naglakad ako patungo sakanya.

Pagdating ko sa harapan niya, hindi siya tumatawa, umiiyak siya. Kakaibang iyak na para bang ang bigat ng kalooban niya. "Why are you crying?"

"Don't leave us tita. Please."

Kumunot ang noo ko, hindi ko kasi maalala kung ano ang unang eksena bago ito, kaya hindi ko alam kung bakit nasabi ni Gav yun.

"Of course I wont!"

"Promise?"

"Promise!" Agad ko siyang niyakap. Pero nung tignan ko si Gav ulit, hindi na siya ang kayakap ko kundi si sir. Kaya napalayo ako sa gulat.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilapit sa kanya, "You promised that you will not leave us. Never leave us Maxine."

Hinaplos niya ang pisngi ko at napapikit ako dahil don, parang kumakalma ang puso ko kahit na dapat sa panahong to, sobra na ang tibok niya dahil sa ginagawa ni sir.

"Hindi ko kayo iiwan, promise." Sagot ko ng nakapikit. Dumilat ako at nakita kong nakapikit siya at dahan-dahan na inilalapit ang mukha niya sakin.

Hahalikan niya ko?

Pumikit ako at bahagyang ngumiti habang inaantay ang mga labi niya...

"Tita MAAAAAXXXX!!" napatayo pa ko sa higaan ko. Agad kong tinignan ang paligid, nasan ako, sino ako, bat ako nandito.

Shocks! Ang panget ng chapter na to! Panaginip lang yun?

"Tita!!" napatingin ako kay Gav na parang nagulat din sa bigla kong pag tayo. Nakaupo siya sa kama at mukhang kanina pa ko ginigising.

Agad lumanding ang mata ko sa isang parte ng kama, wala na si sir.

"Hi baby. Sorry nagulat lang ako. Kanina ka pa ba gising?" lumapit ako sa kanya para ikiss ang noo niya, then it struck me, kiniss ako ni sir sa noo kagabi. Kaya ba ko nakapanaginip ng ganon?

So OA naman my mind kasi sa noo lang ako hinalikan tapos sa panaginip ko lips na? Bat ganern?

"Kasi nga, kung ano yung last mong iniisip yun din ang napapanaginipan mo!" sigaw ni Dette sa phone.


Ako: Ang OA. Sa panaginip ko kasi.. sa lips na eh. Eh sa noo lang naman yung kagabi.

Dette: Ulit-ulit tayo Maxine! Ito lang yan eh, ibig sabihin nung halikan ka ni Sir Niel sa noo, inimagine na nang utak mo na eventually sa lips naman. Kaya mo napanaginipan. OMG talaga.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon