Chapter 39

90.7K 1.8K 524
                                    

39.


Hindi ako agad nakakilos sa nakita, parang hindi ko na siya makilala.

Nakahiga si sir sa kama pero bahagyang nakataas ang kalahati ng katawan niya dahil sa set-up nung kama. Nakabenda ang ulo, madaming bakas ng sugat sa mukha at leeg, tulad ng kay Gav at sakin pero mas kita ang kanya. Payat, rugged ang mukha dahil sa matagal ng hindi pag-aahit, magulo ang buhok, payat. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay yung makita ang mata niyang nakadilat pero walang tinitignan. Blanko.

Gising siya pero walang pakiramdam sa paligid, ganto pala yun? Ganto pala kasakit talagang makita siya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, somehow, nageexpect na tignan niya ko, pero wala. Hanggang sa makalapit ako sa tabi niya ng tuluyan ay ganon lang ang ekpresyon ng mukha niya... at ng mata niya.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Mabilis akong niyakap ng mum ni sir. Naramdaman ko din na yumakap si Gav sa legs ko at nararamdaman kong humihikbi din siya. Marahan namang hinahagod ng dad niya ang likod ko.

Bakit pakiramdam ko ako talaga may kasalanan nito?

"She needs you Max, especially now. Please be strong." Yun ang naririnig kong paulit-ulit na pang eencourage sakin ni Tita Nathalia. Pero grabe ang sakit na nararamdaman ko ngayon kasi kahit nakapikit ako ngayon, yung itsura ni sir ang nakikita ko.

Sa maghapon na iyon ay hindi ako umalis sa tabi niya. Malaki ang kwaro ni sir at kayang-kayang mag accommodate ng madaming bisita pero hindi iyon nangyayari dahil mahigpit ang security sa baba pa lang ng hospital.

Merong sariling sala, kitchen at dinning area ang kwarto kaya dito na din kami naghapunan.

"What time will you go home later?" tanong ng dad niya nung kumakain kami.

"Tito, hindi po sana ako uuwi. Kung pwede po? Dito nalang po kami ni Gav."

"Max, it is not good for Gav's health na magstay palagi dito kasi he will be exposed sa iba't-ibang gamot na andito." Sagot ng mum niya.

"You can take Gavin home Nathalia and bring him tomorrow or on the other day. Let Max stay here." Hindi man ako tinitignan ng dad niya habang sinasabi iyon ay nagpapasalamat ang puso ko.

Bandang 11 ng gabi nung nagdecide si tita na iuwi na si Gav sa bahay para makatulog. Meron namang tatlong malalaking couches dito na pwedeng tulugan pero ayaw ng mum ni sir na dun matulog si Gav. Ayoko din naman kahit pa gusto ko sanang kasama ko siya ditong magbantay sa papa niya.

Ayokong mahiwalay kay Gav pero ayoko ding umuwi para iwan si sir, since alam ko naman na okay si Gav sa lola niya, pinilit kong hindi maiyak nung uuwi na sila. Naiwan akong mag-isa sa kwarto.

Pinatay ko na ang ibang ilaw sa kwarto ni sir at iniwan ko yung isang maliit na ilaw sa gilid malapit sa kama niya. Malayo yung couch sa kama ni sir at ayokong mahiga ng malayo sa kanya. Tulog na siya.. actually hindi, pinatulog siya. Every night kailangan siyang saksakan ng pampatulog kasi kung hindi magdamag siyang gising at tulala sa kawalan.

Binukas ko nalang yung TV at nilagay yung isang upuan sa tabi ng kama niya at tahimik na nanood. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak, hindi, sa kamay kong nakahawak sa kamay niyang kung hindi nga lang mainit ay iisipin kong patay na.

Kinuha ko yung kamay niya ng dahan-dahan at hinalikan ang likod nito. Miss na miss na kita sir. Miss na miss ko na yung paghawak mo sa kamay ko, sa bewang ko, sa buhok ko. Miss na miss ko na yung ngiti mo, yung tawa mo at yung baritone mong boses.

Namimiss ko na yung paghagod mo sa likod ko tuwing niyayakap ako, namimiss ko na ang mga halik mo.

Nakatulog na ko dun sa pagkakaupo ko sa tabi ng kama niya habang nakahawak sa kamay niya at nakasanayan ko na ata. Nangangawit ako pero ayokong matulog sa couch kasi feeling ko ang layo-layo ko sa kanya.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon