Chapter 24

119K 1.8K 208
                                    

24.

2 months. 2 months na since nung nangyari ang disaster birthday ni Gavin at madaming nangyari sa dalawang buwan na yun.

Since that day, hindi ko na nakita si Sir Niel sa bahay. As in. Di ko alam kung umuuwi siya dito pag tulog kami or talagang hindi na. Sa tingin ko kasi yung pangalawa, dahil natry ko nang magstay mag damag sa sala para lang abangan kung talagang uuwi siya pero wala, walang Angry-Niel na dumadating.

Naging maayos din naman si Gav, bata lang ito at madali pang mabago ang pananaw at prinsipyo. Kahit na ilang araw siyang nagtampo, sinigurado kong hindi siya magdadamdam sa papa niya kahit ako mismo ay may pagdadamdam din.

Kaya eventually, nakalimutan din niya yung nangyari sa birthday niya. Kaya lang madaming bagay ang naging consequence ng event na yun. Kung nung before ng birthday ay nag gain ng friends si Gav, ngayon ay nawala lahat. Yung pag p-PR ko sa mga yaya at nanay sa Open Park para lang magkafriends pa si Gavin ay naglahong parang bula.

Naging si Jelly nalang ulit ang kaibigan niya. Hindi ko alam kung nagdadamdam ba si Gavin na pag dumadating kaming park ay umaalis ang ibang yaya at nilalayo ang mga alaga nila. Ako ang naooffend para dun.

"Nakausap ko si Susan, yung yaya ni Melanie at Marlou. Yung daddy daw mismo ang nagsabi na wag nang makipag friends kay Gav yung kambal dahil baka manakit din ito tulad ng papa niya." Minsang nachika samin ni Ate Nimfa, yung yaya ni Jelly.

"Grabe naman sila! Bata lang yun, ano namang magagawa ni Gavin don? At hindi naman kasalanan ng bata kung ganon ang tatay niya." Pagtatanggol ni Ate Marina.

"Eh nasa dugo daw. Ewan ko ba. Nakakainis na nga. Kaya din minsan nasasagot ko na ang ibang yaya pag pinag chichismisan nila ang birthday ni Gavin. Kaya lang di naman natin maalis sa kanila ang ganong kaisipan kasi nakita naman nila ang eksena nung party."

Naiinis din ako. Pero ayokong magburst-out sa mga yaya na ito na napag-uutusan lang naman ng amo nila. Ayoko din namang mang-away ng mga magulang kasi sa totoo lang, nakakahiya naman talaga ang nangyari sa birthday ni Gavin.

Alam ko napatawad na ni Gav ang papa niya dahil nung isang gabi habang binabasahan ko siya ng bedtime story ay hinanap niya ang papa niya.

"Tita Max, why papa do not come home anymore?"

Napatigil ako sa pag basa at nag-isip ng safe na isasagot. "I think umuuwi naman siya, di lang natin nakikita. Di ba even before di naman natin siya madalas makita?"

"Yes. But I know if he's been here, and I know that he hasn't for a long time."

"Ha? How would you know that?"

"I go to his office everyday, and everyday there are no changes in there."

"Bakit ka pumapasok don? Diba sabi niya ayaw niyang may pumapasok dun maliban sa kanya at dun sa naglilinis?"

"I know. But I just want to check. Are you mad tita?"

"No. Syempre hindi baby. Kaya lang diba? Baka magalit siya pag naabutan ka niyang nasa loob."

"But he is not coming home anymore."

Nakakalungkot man ang di pag-uwi ni sir, naging masaya naman ang love life ko. Nung hapon na umuwi kami after ng party ni Gav, kela Caleb kami dumiretso. Wala ang parents niya kaya kami lang ang nandon nung dumating kami.

"Caleb, pwede ba kong magluto sa kusina niyo? Magluluto akong hapunan natin." Tumango naman si Caleb kay Ate Marina at sinamahan siya sa kusina para ituro siguro ang mga gagamitin niyang sangkap at gamit.

Nakakalong lang si Gav sakin habang nakayakap ako sa likod niya. Humihikbi pa din siya kaya hinahagod-hagod ko lang ang likod niya. Alam ko pagod na ito. Di pa din siya nakakapag palit ng damit at suot pa din niya ang Captain America costume na ito. Ang ironic makita na yung isang superhero umiiyak at nagthuthumbsuck.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon