Chapter 11

100K 1.9K 23
                                    

11.


“Nako Max, anong gagawin natin kay sir? Lasing na lasing.”


Hindi ako humihinga mula kanina, ayaw ko talaga ang amoy nang lasing.  Nakakasuka.


“Tawagan kaya natin si Mang Jaime?” iniisip ko kasi kung paano liligpitin ang kalat na to sa harap, malaking kalat na amoy alak. Werk!


“Believe me.. Celine.. please.” Nagkatinginan pa kami ni ate Marina nung magsalita si sir Niel mula sa pagkakalugmok sa sahig.


“Sino daw?” tanong ni ate Marina. Baka kung ano pang masabi nitong mokong nato at malaman pa ni ate Marina ang secret niya. Kailangan ko ng umaksyon.


“Buhatin muna natin siya te, sa sofa natin siya ihiga.” Pumayag naman si ate Marina, kinawit ko ang kili-kili niya sa braso ko para maiangat tapos si ate Marina naman inalalayan ang torso niya para di ako masyadong mabigatan.


Buti nalang at di siya kalayuan sa isang sofa pero napakabigat niya – at napaka baho – kaya nahirapan pa din kaming ihiga siya sa sofa.


“Ang bigat! Jusko!” sabi ko nung maihiga naming siya, napaupo ako sa lapag ganon din si ate Marina.


”Painit ka ng tubig ate, tapos ako na magliligpit nung mga nabasag.”


“Sige.” Agad akong tumayo, kinuha yung maliit na basurahan sa ilalim nung table sa sala at isa-isang nilagay doon ang mga nabasag na part ng baso. Wala ng laman ang baso (buti naman) kaya hindi mahirap iligpit. Matapos pulutin yung mga malalaking part na nabasag, ni- vacuum  ko naman yung paligid para sa mga maliliit na basag nito, mamaya matapakan pa ni Gavin bukas.


“I love you…” napatingin ako bigla kay sir. Ano daw? “Celine.. I love you. Pleaassse. Come back.”


Sus si sir. Hanggang pag tulog si Ms. Celine pa din nasa isip. Kawawang lalake, ayaw sakanya nung babaeng gusto niya. Oh well. Ganyan naman kalupit ang mundo, yung taong mahal mo, ayaw sayo. Tulad si Gavin, ayaw sakanya nang papa niya.


Wait lang.. may koneksyon kaya si Ms. Celine, yung mama ni Gavin at si Gavin?


“Max, ito na oh. May bimpo na din. Punasan mo na si sir.” Biglang singit ni ate Marina sa pag mumuni ko habang nag vavacuum.


“Ha? Bakit ako? Ikaw nalang ate.”


“Ano ka ba! Dapat ikaw kasi mas Malaki ang sahod mo sakin. Hindi to sakop ng sahod ko.” Sabay tawa siya. Loko to si ate Marina.


“Oh ikaw na magtuloy nito.” Tapos pumunta na ko sa sofa dala yung maliit na batya na may bimpo at maligamgam na tubig.


Lumuhod ako sa gilid nung sofa at inumpisahang punasan ang mukha ni sir. Nagdadalawang isip ako kung tatanggalin ko ang shirt niya na suot kaya lang may umeepal sa gilid ko. “Sige na Max wag ka na umarte dyan. Tanggalin mo na. Chance na nga! Hihi.” Iniirapan ko lang siya. Hello. Chance? Di ko type.


After nang ilang malalim na paghinga, tinanggal ko din ang shirt niya. Kumuha si ate Marina nang pamalit na pang tulog kaya after kong punasan ang mala Adonis niyang katawan (pero wala talagang effect sakin.. di ko type) binihisan ko din siya. Hindi na siya ganon kabaho tulad kanina, kumakapit talaga sa damit yung amoy ng alak. Pero dahil napunasan ko na ang katawan at mukha niya, napalitan pa ng damit, yung hininga nalang niya ang mabaho. Erk!


“Di ka ba humihinga? Nababahuan ka kay sir?” nakita siguro ni ate Marina na sa bibig ako humihinga at hindi sa ilong. Ayoko talaga yung amoy.


“Ang baho eh.” Sagot ko.


“I’m not smelly.” Nagulat kami sa bigla niyang pagsasalita. Nakikinig ba to? Nakapikit naman siya at mukhang tulog, bakit siya sumasagot nang ganon? Winagayway ko ang kamay ko sa mukha niya at di naman nagreact. Nagtinginan at nagngisian kami ni ate Marina.


Nagpakuha ako ng kumot at ikinumot sa kanya. Tulog na tulog siya at maya-maya lang ay humihilik na. Natatawa-tawa pa kami kasi ang awkward palang marinig na naghihilik ang boss mong masungit. Pumanhik na ko sa kwarto ko, ganon din si ate Marina. Hinayaan na namin na matulog si sir nang mahimbing don, di ko na kayang iakyat pa siya sa kwarto niya no!


“Tita!! Wake up! Wake up! Wake up!!!!” Alam na alam ko nang gigisingin ako nang batang makulit na ito kaya as usual, nagkilitian kami at nagkulitan. Mas nagtagal kami sa kama ko ngayon kasi pina-alala ko na aalis ako today at bukas na ang balik ko. Di siya nagsasalita nung nagsabi ako kaya nagulat ako sa una niyang sinabi after kong mag paalam.


“Can I come with you?” tinignan ko ang mukha niyang malungkot at nakatingin lang sakin, parang inaantay niya na pumayag ako. Hopeful kasi ang mukha niya.


“Sorry baby, but.. no. Kasi family dinner yun eh.”


“You told me that I am your family  too.”


“Yes syempre! Ikaw nga pinakafavorite kong bata sa earth diba? Kaya lang, yung family ko na yun.. ahmmm. Di ka pa kilala.” Di ko naman madiretso sakanya na hindi kasi nila alam na iba ang trabaho ko.


“But.. can I come with you next time?”


“Sige. Sasabihin ko muna sakanila na may alaga akong cute at mabait na bata. Tapos pag kilala ka na nila, ipapakilala na kita.” Kasi Gavin, di na ko uulit. Huhu. Sorry. Di ko na mabilang ang lies lies lies ko.


“Yey! Let’s eat breakfast!!” sabi niya tapos sabay tayo sa higaan ko at hinihila ako patayo. Nung pababa kami tsaka ko lang naalala na iniwan naming lasing si sir Niel kagabi sa sofa. Andon pa kaya siya?


Waley. Okay na din. Di ko din naman na inexpect na andito siya. Mas sanay at mas okay nga samin na wala siya kasi kahit papano nakakahinga kami—


“Papa?!” napahinto ako sa paglalakad nung makita ko si sir na nakapantulog pa – yung pantulog na pinalit ko kagabi – at nagkakape sa dinning table. Kahit si Gavin nagulat din eh.


Agad siyang tumakbo sa papa niya at yumakap sa binti nito, di niya man lang niyakap din o ano. Nagpatuloy lang siya sa pag inom nung kape niya at sinabi lang na, “Gav, eat your cereal.”


Kahit pa hindi siya naambunan nang paglalambing, masaya pa ding tumugon si Gavin sa papa niya, “Yes papa! But I don’t eat cereal. I’ll eat sinangag and adobo with egg.”


Tinignan ni sir si Gavin na may pagtataka sabay tingin siya sakin na parang nagtatanong. Tinaasan ko lang siya nang balikat  at umupo na sa tabi ni Gavin. Lumabas galing sa kitchen si ate Marina na may dalang sinangag at mga plato.


“Good morning yaya!”

“Good morning ate Marina!”


Sabay namin ulit na bati kay ate Marina, kahit na awkward siya sa prisensya ni sir Niel, bumati din naman siya. Nagpatuloy siya sa pag sasandok habang kami ni Gavin ay parehong nakaabang sa mga nilalapag niyang pagkain. Tapos nung nilapag niya ang sunnysideup na mga itlog sabay kami ni Gavin nag “Wow.”. Nung nilabas ang adobo sabay kami ulit nag “WOW!!”


Nung matapos mag sandok si ate, umupo siya sa tapat kong upuan. Kukuha na sana si sir Niel nung loaf bread nung biglang sinabi ni Gav na, “Papa, we need to pray first.” Pinigil ko ang ngiti ko sa sinabi ni Gavin, at pumikit. Siya ang nakatoka na mag pray ngayon.


“Jesus, thank you for the food on this table. Bless this, bless tita Max, bless yaya, bless me and bless papa always because I love him so much. Amen.” Tinignan ko si sir Niel pag dilat, hindi man lang siya pumikit pero buti naman at di siya kumain. Pinanood lang niya si Gav nung nagdadasal ito.


Sinandukan ko na si Gav ng rice at hinimayan nang chicken adobo. Nagpalagay din siya nung sarsa nung adobo sa kanin niya. Favorite ni Gavin ang adobo at tilapia kaya yun ang madalas niyang nirerequest. Kumain na si sir nang tinapay niya na nilagyan niya nang Nutella.


Pansin kong mas masaya si Gavin ngayong umaga, alam ko, kahit pa di naman siya masyadong pinapansin ng papa niya, masaya siya kasi andito pa din yung ama niya. Sus. Sarap naman batukan kasi puro cold stares lang binibigay niya sa anak niya.


“When did you start eating rice for breakfast?” biglang tanong ni sir nung nagrequest nang pangalawang round nang sandok si Gavin.


“Since tita Max told me too.” Tapos tumingin siya sakin at nagsmile. Proud pa siya na ako ang nagsabi sakanya, samantalang ang tatay niya ang sama nanaman ng tingin sakin.


“Sir, rice in the morning is good for the health.” Sabi ko.


“Says who?” aaaahhhhmmmm…


“My lola. Hanggang ngayon buhay pa lola ko, 92 years old na! She’s still alive kasi mahilig siya mag rice sa umaga.”


“Wow.” Manghang-mangha si Gavin sa sinabi ko.


“Psh.” Umiling naman si sir. Belat. Sarap kaya mag kanin sa umaga.


“Anong oras ka pala aalis Max?” biglang tanong ni ate Marina. Pinanglakihan ko siya nang mata. Kailangan talaga ngayon pa itanong? Sa harap ni sir?!


“You’re going?”


“Opo. Family dinner. Bale yung tita ko po kasi—“


“Just make sure you’re doing you’re job I am paying you for. I don’t care on the details of your dinner.” Sabi niya sabay higop ng kape. Nginiwian ko siya at inirapan. Epal neto. Hmmmp! Wag kaya ako bumalik para manigas ka dyan.


“Tita, you promised next time I can with you.”


“Syempre naman. Promise ko yan.” Nagtaas pa ko ng kanang kamay bilang sign nang pag sumpa ko sa promise ko.


Biglang nag ring ang phone ni sir Niel. Sinagot niya ito kahit pa nasa hapag-kainan. Hala. Walang manners.


“George pare… I know I know.. Medyo nakainom lang ako kagabi.. of course I’m good… now?..... I’ll just take a shower then I’m ready to go… Alright… see you.”


“Papa you’re not staying today?”


“No.” sabay tayo ang papa niya. Inubos lang ang natitira pa sa kape niya at umalis. Nalungkot nanaman ang bata. Haaaay. Kailangan pala paatenen ko nang seminar si sir about parenting. Nakakainis! Napaka careless niya sa mga ganyang bagay.


“Baby, punta nalang kaya kayo ni yaya sa condo nila Jelly! What do you think? Ihahatid ko kayo don bago ako umalis so you can play with her.”


“Papa will not stay.”


“I know. May business kasi si papa eh. Yaan mo na. It’s for you naman kaya siya nagwowork. Sa ngayon, play nalang muna kayo ni Jelly. Gusto mo ba? Para tatawag na ko don sa kanya.”


“Okay.”


Habang nagpprepare si sir Niel sa pag-alis niya papunta somewhere, ako naman ay busy sa pakikipagusap kay ate Nimfa para magtanong kung may lakad sila Jelly. Napagod daw ang bata kaya hindi muna aalis, mas okay nga daw kung pupunta don si Gavin para hindi na magyayang lumabas si Jelly.


Nagprepare na ko tapos prinipare ko na din si Gavin na kahit na malungkot kasi disappointed sa papa niya, nakasmile pa din at naeexcite na pumunta kela Jelly. Maaga pa naman kaya hindi ako masyadong nagmamadali, siguro aalis ako dun kela Jelly nang mga 3PM.


After naming magprepare ni Gavin, sinabi ni ate Marina na nakaalis na si  sir Niel. Wow. Di man lang nagpaalam sa anak niya. Hanep talaga. Tao ba yun?


Dala ang damit na baon ko pauwi kela tita Minda, tumungo na kami kela Jelly. Andami nanamang nagkalat na aso sa Citywalk nung dumaan kami, medyo busy ang lugar kasi Sunday, tapos meron pang tiangge sa gitna. Labasan din ata nang mga nagsimba dun sa isang simbahan sa tapat ng 1880 Bldg. kaya mas marami ang tao. Tumawid kami papunta sa Eastwood Mall Open Park kung saan mas maraming nakatambay na aso na hila-hila nang mga amo nila o nang mga taga pag-alaga.


“Tita Max, I want to have a dog.” Biglang sinabi ni Gavin nung makita niya ang dalawang cute na chowchow sa dinaanan namin.


“Anong dog? Ganon din? Yung Chowchow?” tinuro ko nung malagpasan na namin yung dalawang aso.


“No. I like… bigger dog. Like kuya Caleb’s dog.”


“Who’s Caleb?”


“Yun yung nasa kabilang unit Max. Nasa abroad kasi sila, buong pamilya nila kaya di mo pa nakikita. Friend din yun ni Gavin.” Si ate Marina ang sumagot. Meron pala silang kapitbahay na may dog. Astig.


“Ano bang aso nila?”


“Di ko nga maano eh.. Siber.. sibryan.. basta!”


“Siberian Husky.” Sabi ko na natatawa kasi di niya mabanggit yung pangalan. Haha.


“Oo! Parang ganon nga. Basta mabalbon na medyo Malaki. Sino na nga yun Gavin? Anong name ng dog ni Caleb?”


“Bruno and Bambi.” Sagot ni Gav. Ang cute naman ng name.


“Ang cute ng names ah. You like those dogs?”


“Yes! A lot! They’re so big. I love to hug them.” Kitang-kita sa mukha niya ang katuwaan habang kinikwento yung mga asong yun. Sana makita ko din. Mahilig din ako sa aso eh. Meron yung kapitbahay namin sa Davao na Pit bull pero sobrang bait at lambing. Anlaki niya at nakakatakot kung titignan pero ang amo naman nang mata niya at lagi siyang kumikembot. Greya ang name niya kasi kulay gray siya.


“Wow. Sana mameet ko din si Bruno and Bambi.” Naexcite ako. Haha.


15th floor ang unit nila Jelly, sabi naman ni ate Nimfa wala daw ang parents ni Jelly doon kaya ayos lang na sumama kami. Kaya lang, nagulat ako sa nagbukas ng pinto nung magdoorbell kami.


“Mi-Miss Celine!”


“Oh, hi Max! Come in. Come in.” ang ganda naman nang bumungad sakin.


Pinaupo niya kami ni ate Marina habang si Gavin naman ay niyaya na ni Jelly dun sa playroom niya. Nakashorts lang siya at loose sleeveless shirt. Walang make-up at naka ipit ang buhok. Meron siyang ginagawa sa laptop niya at dun siya nakaupo sa isang side nung malapad na sofa nila Jelly. Sinarado niya ito at binalingan kami ni ate Marina.


“I’m so glad that you came. Wala akong makausap dito sa condo. Umalis kasi si Kara, Jelly's mum, kaya kami lang nila Nimfa and Jelly dito.” She smiled. Grabe ang ganda talaga.


“Di ko po alam na andito kayo. Di po ba kami makakaistorbo? Lalo na si Gavin. Medyo magulo po yun.”


“Ano ka ba Max, It’s really fine. I just had a leave from work kasi for.. 5days so I got to stay here. Jelly’s my favorite niece so I want to spend some time with her. Buti nga dinala mo din si Gavin. He can’t remember me anymore eh.”


“Baka po bata pa talaga siya nung last kayong nagkita.”


“Yeah. I think he was just.. 1 or 2 that time.” Nagsmile siya ulit pero parang may something sa smile niya this time. Hmmm..


“Anyway, what made you bring him here? Where’s Nathan?” Ayan. Narinig ko ulit. So far, si Ms. Celine palang ang nariringgan ko na tumatawag nang Nathan kay sir Niel. Lahat kasi is Nathaniel or Niel lang. Pero siya Nathan, another point to consider na malupet ang past nilang dalawa.


“May lakad po. Di naman niya sinabi kung saan. Nakita ko po kasi na nadisappoint si Gavin, akala niya siguro magkakasama sila ni sir Niel sa bahay eh aalis din pala.” Bumuntong hininga siya at umurong palapit sakin.


“Actually Max I think It’s my fault kung bakit ganon ang pakikitungo niya sa bata. And I feel sorry for Gavin 'cause of that. No kids want to be hated by their own parents right?” hated? Galit ba si sir Niel kay Gavin?


Hindi ako sumagot kasi wala akong alam sa story nila at sa totoo lang ayoko sanang malaman, personal na nilang buhay yun at ayokong makielam. Concern ako kay Gavin pero kung involve ang past ni Ms. Celine at sir Niel sa storya ni Gavin, ayoko na sigurong malaman.


“When Gavin came to his life, he changed. A lot. And the changes were not good. He became a monster I never knew existed inside him.” Panimula niya. Napalunok kami ni ate Marina at nagkatinginan. Basang-basa ko sa mukha niya ang salitang “Juicy Chismis on the way.”


“I need to let him go for the boy’s future and he didn’t like my decision. Pero kasi diba—“


Biglang nagring ang phone ko. Bwiset. Abala!


“Ahmm. Excuse me lang po.” Di ko macancel kasi si tita Minda ang tumatawag. “Aryt.”


Ako: Tita.

Tita Minda: Anong oras ka uuwi?

Ako: Siguro po mga 3pm ako aalis nang Eastwood.

Tita Minda: Sa Vikings tayo magdidinner.

Ako: Vikings?

Tita Minda: Yup. Buffet dinner. Nagpareserve na kami for us. Vikings Megamall nalang tayo para hindi na malayo kay Kyle pauwi. He needs to return to his condo tonight kasi may business trip sila tomorrow.

Ako: Ahh.. Okay po. Mas malapit na pala ako kung sa Megamall. Siguro po mga 6 nako aalis dito para--

Tita Minda: No. We’ll be there earlier. Para makapamili naman kahit papano. You should be there too, around 3:30PM.

Ako: Sige po. See you.

Tita Minda: Okay. Keep in touch. Text me or Kylie of your whereabouts.



After kong makipag-usap nakita kong wala na si ate Marina, siguro tinignan si Gavin sa playroom tapos si Ms. Celine naman ay naglalaptop na ulit. So ginawa ko sumandal nalang ako sa sofa at nagtext kay ate Jing.



ATE JING, MUSTA? MAY DINNER NGA PALA KAMI NILA TITA MINDA MAMAYA SA VIKINGS MEGAMALL.



Maya-maya lang ay tumawag na si ate Jing.Haha. Ayaw pa ng text eh.


Ako: Ate, hello.

Ate Jing: MAXINEEEE!! Kamusta ka na?!

Ako: syempre maganda pa din.

Ate Jing: Nako ikaw talaga! Oh kamusta ang trabaho mo?

Ako: Ayos naman. Malaki ang sahod. hihi

Ate Jing: Andaya mo! Diba ang promise natin nila Jessa sa isat-isa manlilibre sa unang sahod? Ang daya mo di mo kami nalibre!

Ako: Haha. Eh wala naman ako dyan. Pag-uwi ko nala--. Pag dalaw niyo nalang dito nila mama.

Ate Jing: Haaaay. Ayaw mo pa din bang umuwi?

Ako: Kamusta si papa at mama?

Ate Jing: Si papa medyo okay na. Namamansin naman na siya sa bahay pero sumungit. Si mama ayos naman.

Ako:Umaatake pa ba ang highblood ni papa? Eh yung migraine ni mama?

Ate Jing: Simula nung umalis ka hindi pa naman. Wag ka mag-aalala kami bahala ni Jessa sakanila. Basta ikaw dyan, alagaan mo sarili mo kasi wala kami. Malayo kami.



Naririnig ko na yung pagsinghot ni ate, sinyales na umiiyak na kaya naiyak na din ako. Di ko na mapigilan tumulo luha ko.



Ako: Oo ate, ako bahala sa sarili ko. Basta si mama at papa alagaan niyo. Sabihan niyo din ako kung aatake pa yung sakit nila ah.

Ate Jing: Syempre naman. Namimiss ka na namin. Sana umuwi ka na. Pwede naman na kayo mag-usap ni papa. Dito mo na sa Davao palipasin yung galit ni papa, masyadong malayo ang Maynila eh.

Ako: Gusto ko talaga mag-aral ng Law ate. Sorry ah.



Antagal naming nag iyakan lang bago siya sumagot.



Ate Jing: Sige. Magtapos ka sa pangarap mo, eventually aayos din naman si papa. Pag nag-aaral ka na siguro papayag na yun sa gusto mo.

Ako: Ibababa ko na ate ah. Maghahanda na ko, aalis na din kasi ako mamaya.

Ate Jing: Oh sige. Dalasan mo naman ang tawag! Tsaka mag open kang facebook! Flood na wall mo dun kasi yung mga barkada mo ang daming post. Nagpalit ka pa daw kasi nang number. Di ka daw nila macontact.

Ako: Sige. Basta wag mo pa din ibibigay number ko kahit anong mangyari ah. Babye na!

Ate Jing: Bye bunso! Miss na miss ka na ni ate! I love you!

Ako: I love you too.




Pinunasan ko ang luha at sipon ko na tulo ng tulo. Nakakaiyak naman tawagan si ate. Hindi na kasi ako madalas tumawag, puro text lang. Sabi ko kasi bawal ang cellphone sa trabaho. Pero ang totoo, di ako makatawag nang madalas kasi natatakot ako na marinig nila si Gavin at mahuli nila na nagsisinungaling ako.


“Are you okay? Sorry I don’t mean to snoop but… are you away from your family?” napatingin ako kay Ms. Celine habang nagpupunas nang luha at sipon ko gamit yung panyo ko.


“Opo. Nasa Davao po ang family ko, ako lang nandito para magwork.”


“As Gavin’s tutor?” nagtataka niyang tanong.


“Actually hindi po, as call center agent po sana dun sa company nila sir Niel. Gusto ko po kasi mag take nang Law next year and nasabi ng pinsan ko na malaki ang sahod sa call center at nagsusupport sila nang working student.”


“How come you’re Gav’s tutor?” kinwento ko na tuloy sakanya kung paano ako napunta sa pagiging tutor ni Gavin. Mula dun sa pag alis ko sa bahay, sa pag-aapply ko, dun sa pag iyak ni Gavin at pag yakap niya sakin, tapos yung pakikipag usap ni sir, pati yung pagtatago ko nung totoong trabaho ko sa bahay.


“Oh my God. I never thought such thing happens in real life. Parang pang drama sa TV ang life mo Max.” bulalas niya. Hindi makapaniwala sa mga kwento ko.


“Kaya nga po Ms. Celine eh.”


“Wait, how old are you? You keep on calling me Ms. Celine and using PO.” Ngiti niya.


“21 po. Fresh grad nang BEED and kakatapos lang mag take ng board exam na binaksak ko kasi ayaw ko mag turo.” Natatawa kong sagot. Tumawa din naman siya.


“Really? I’m just 26. Hindi naman masyadong malayo. You can call me Celine or just Cel. We can be friends right? I don’t have much eh.”


“Oo naman. Ayos lang sakin. Parang awkward lang kasi.. alam mo na. Di naman ako rich.”


“Ano ka ba! It doesn’t matter! Pero wait.. I also heard na sa Megamall ka pupunta? Actually I am planning to go there today, do you want a ride?” nanlaki ang mata ko at napatakip pa sa labi. Wow. Ang swerte ko naman! Libre pamasahe. “Sure!”


Instant friend. Instant driver. Haha.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon