Chapter 29

140K 2.4K 611
                                    

29.


Hindi ako mapakali. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito. Alam mo yung feeling na di na ko makakain dahil sa gulo ng isip at damdamin?

Unexplainable ang feelings ko ngayon, sobrang nakakastress.

"Max, naaning ka na ba? Kanina ka pa di mapakali." Sita ni Ate Marina. Kung alam mo lang! Imagine, kahit pag share ng nafifeel ko di ko masabi ngayon kay Ate Marina. Pakiramdam ko mahuhusgahan niya ko, pakiramdam ko di niya ko mauunawaan.

Kailangan ko tong ayusin mag-isa. Okay. Okay. Una, ano bang meron samin ni sir? Wala naman. Pero nagkiss kami kagabi. Sheez. Wait. Kailangan kong ayusin ang isip ko. Kalma Max.

Gusto ko ba si sir? Hindi ko alam. Gusto ko ba si Caleb? Oo, bago ako pumunta ng Palawan, alam ko na gusto ko si Caleb, pero ngayong oras na to, ngayon mismong moment na ito, hindi ko na sigurado.

Mali. Sabi ko na, kaya nung una palang pakiramdam ko na mali. Kasi hindi ako dapat nakikipag close kay sir. Hindi dapat. Mali. Nagulo niya yung isip ko ngayon, dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, parang binura niya kung ano man ang nararamdaman ko kay Caleb. Bakit, gusto ko ba si sir?

Mali to, kailangan kong patunayan sa sarili ko na wala lang to. Na naging close lang kami ni sir kasi tinulungan ko siya sa mga request niya like magkalapit sila ni Gav. Pero wala na. Kailangan masigurado ko ang sarili ko na hindi ako nalilito at mali ang anumang nangyari na closeness samin ni sir.

Ano nalang sasabihin ni Caleb sakin? Pumasok bigla sa isip ko yung time na parang nagselos pa si Caleb kay sir, so ano, totoo yung pagseselos niya? No.

Agad kong ni-dial ang number ni Caleb, parang ilang araw ko itong hindi ginawa. Anong nangyari sakin nung ilang araw na yun? Kahit text hindi ko nagawa. Ano ba Max!

Caleb: Max!

Ako: Hi Leb.

Kabado ako, hindi ko alam kung bakit, tumatawag lang naman ako kay Caleb pero feeling ko meron akong malaking kasalanan sa kanya.

Caleb: I missed you! Hindi kita makontak this past few days, bakit?

Ako: Ahh.. sa phone ko siguro.

Caleb: I see.

I don't know kung ako lang, but I feel something different towards Caleb, at parang.. ewan. Di ko pa maunawaan.

Ako: Ahh. Nasa Eastwood ka na?

Caleb: Yup. Umuwi na kami few days ago pa. Kayo?

Ako: Sa Palawan pa. Pero uuwi na kami bukas.

Caleb: Ahhh.

Nakipag usap pa ko sa kanya, kamustahan at balitaan. Sinigurado ako na panatag ang puso ko bago ko tinapos yung call. Ayaw ko makafeel ng guilt. Pero kahit halos dalawang oras ko kausap si Caleb, may kung ano sa Sistema ko na hindi mapakali.

Siguro mawawala to pag nagkita kami ulit ni Caleb. I need to sort things out, things inside my head and my heart. Kailangan magkasundo sila palagi at hindi magkasalungat. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na si Caleb ang gusto ko at.. at hindi si sir.

Pero palaging nag fflashback sakin ang nangyari kagabi. NO. No. No.

Nung magdidilim na, halos di na ko makatagal sa upuan ng ilang minuto. Anong gagawin ko pag dating ni sir? Kailangan normal. Katulad dati. Kailangan kong ibalik yung harang na kung ano man meron noon.

Nanonood kaming TV ni Gav pero sa orasan ako nakatingin, bawat minuto ay bumibilis ang pintig ng puso ko.

Naisip ko na kanina na pag dumating si sir dun ako matutulog sa kwarto ko. Hindi naman kasi ako dapat natutulog dito. Hindi ethical. Boss ko siya, tauhan niya LANG ako, hindi dapat kami nagtatabi sa higaan. Kung malaman to ni Papa, tyak ko lang hindi lang sampal ang mararanasan ko.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon