Prologue

400 14 6
                                    


Historical background of the Royal Family of Clemente:

The Kingdom of Clemente is the most prosperous nation in Asia. The country is governed by King Leopardo Alfonso Zabini II, who is married to Queen Claudia Elize Alcantara-Zabini. They have a child together who they named Lenard Alfonso Zabini III. Since ancient times, the Zabini has held absolute power over the Clemente. They were known to be one of the kindest imperial families ever known.

********

Year March 08, 1995
Puerto Alto, Clemente

Sa labas ng maliit na bahay nina Mang Fidel ay nakaparada ang isang royal limousine. Makikita rin ang nakahilerang mga royal guards sa labas na tila mga estatwa. May ilang mga tao na rin sa labas na nagkukumpulan at nakikiusyoso.

Tulad ng ipinangako ni Haring Leopardo, binalikan nga nito si Mang Fidel pagkalipas ng ilang araw matapos siya nito sagipin mula sa muntikang pagkahulog sa bangin. Kasama nito ang reyna sa pag bisita.

Sariwa pa sa isip ng hari ang nangyari. He was hunting with his stepbrother and closest friends sa masukal na gubat nang may maapakang ahas ang kabayo na sinasakyan niya. Nagwala ang kabayo at tumakbo ng walang direksyon hanggang umabot sila sa pinakadulo ng bangin. Huli na para makaiwas ang kabayo sa pagkahulog. Sa mabuting palad, ay nakahawak ang hari sa isang putol na ugat ng puno kaya hindi siya tuluyang napahamak. Nasa ganoon siyang kalagayan nang matagpuan siya ng magsasakang si Mang Fidel na abala noon sa pangungulekta ng panggatong sa gubat. Narinig nito ang paghingi niya ng saklolo at iniligtas siya sa tiyak na kamatayan.

Ngayon ay narito nga ang hari para pasalamatan ito at bigyan ng gantimpala.

"Mahal na Hari, Mahal na Reyna, ikinagagalak ko ang inyong pagpunta sa aking munting tahanan," wika ni Fidel at yumuko bilang pagbibigay galang.

Pinagmasdan ng hari at reyna ang buong bahay. The place is so tiny; salat sa kasangkapan. Wala ring kuryente at butas-butas ang dingding. Maari rin iyong tangayin ng hangin pag bumagyo.

Mababakas ang awa sa mukha ng hari at reyna nang magkatinginan sila.

"Please, cease with the formalities, Fidel," King Leopardo expressed. "We would appreciate it if you regarded us as friends," he added gently.

Queen Claudia, with a warm smile, softly said, "He's absolutely right. You saved my husband's life, Fidel. We all owe you a debt of gratitude, and I hope you know how deeply the entire country thank you for saving our King."

May galak na napatango si Fidel sa narinig. "Naku, wala po 'yon. Hindi ko maatim na hindi tumulong. Hari man o pangkaraniwang tao lamang. Okay lang po iyon,"

Leopardo nodded, a knowing smile spreading across his face as he recalled his first impression of Fidel. He had always sensed that Fidel was a man of integrity. "Call me Leo, Fidel," he said warmly, his voice carrying a note of camaraderie. "That's what my closest family and friends call me."

Gulat na napamulagat si Fidel at mabilis na napailing-iling. "Naku, hindi ko po makakayang tawagin kayo ng ganyan nakakailang po!"

"I insist. Please, Fidel, call me Leo," Leopardo urged, his tone firm yet inviting, as if extending a hand of friendship.

Alam ni Fidel na hindi papayag ang hari na siya ay tumangi. Napangiti siya nang alanganin pagkuwa'y napatango-tango. "Aba'y, s-sige ba... L-Leo..." tila di niya kayang bigkasin ang pangalan nito. Sobra siyang naiilang.

Extraordinaire 👑  (kja)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon