"Ang kapal-kapal!" inis na bulong ni Samantha sa sarili. Hindi pa rin makamove-on sa nangyari sa kanya sa palengke.
Pogi nga ang swapang naman!
Absolutely, he has good looks. So dashing! Aminado siya na natameme siya nang makita niya ang mukha nito. Eh sa nagulat siya eh, ang gwapo naman talaga kasi ng hambog na iyon.
Who would not feel that way anyway? Who could argue against such an opinion? Eh noong nagsabog ng kagwapuhan ang bathala sa mundo eh gising na gising yata ito at nasalo nito lahat. Literal na lahat-lahat! Because that arrogant jerk could not have looked more flawless. However, she was reluctant to acknowledge it. Kung sa ibang pagkakataon lang ay baka nagtitili na siya at nangisay sa kilig o kaya baka nagkacrush pa siya rito.
Luh. Uy, Samantha! Anong crush-crush pinagsasabi mo?!
Naitrik niya ang mga mata sa naisip at pinagalitan ang sarili.
Ugali muna bago mukha!
She shook her head in exasperation. She actively sought to block out the early events.
Erase! Erase! Erase!
Papasok siya ng kanilang bahay habang nakabuntot sa kanyang likuran ang mga kaibigan na kanina pa pabulong na nag-uusap at nagtatalo. Wala siyang alam sa pinag-uusapan ng mga ito dahil nakatuon ang atensyon niya sa pesteng gwapong lalaking nakabangga niya kanina sa palengke.
Feel at home na dumiretso ang dalawa niyang kaibigan sa kanilang sala at sumalampak sa sofa, binuksan ang TV at nagsimulang papakin ang binili nilang isaw at kwek-kwek habang patuloy na nagtatalo.
Iiling-iling na dumiretso si Samantha sa banyo para linisin ang sarili na nanlulumahid ng putik. Nasa patahian ang kanyang mga lola kaya silang tatlo lang ang naroon.
"OMG!" biglang bulalas ni Melissa. Tila may naalala na napaunat ito ng upo. "Naalala ko na kung saan ko siya nakita, Pat!" wika nito sa katabing si Patricia.
"Saan—"
"Sa limousine!" bulalas nito at hinarap ang kaibigan. "Naalala mo? Yung poging nasa itim na limousine? Yung nakaconvoy?!"
Saglit na nag-isip si Patricia pagkuway biglang napapitik. "Oo—Oo nga! Tama! Siya nga 'yon ang—uy! ano ba!" inis na wika ni Patricia nang biglang yugyugin ng kaibigan ang kanyang mga braso kaya nalaglag ang sana'y isusubo niyang isaw. Sinundan niya ng tingin ang nguso nito na nakaturo sa direksyon ng TV.
May flash report na ipinapalabas. Tungkol iyon sa isang binatang Prinsipe na bumisita sa Pilipinas ng nakaraang araw. Then a close-up footage of him flashed against the monitor. Nakikipag-usap ito sa Presidente sa Malacañang at iba pang senador. Napakalapit ng camera sa mukha nito kaya maliwanag na nakumpirma nila kung sino ang nasa balita.
"T-teka..." nauutal na wika ni Patricia. "Y-yung lalake sa palengke..." anito at napapalatak.
"A-at ang P-Prinsipe..." Halos hindi makapagsalitang bulalas ni Melissa pagkuway ikinumpas ang mga kamay sa ere, like catching some air. "OMG!"
Sabay silang nagkatinginan at biglang napatili nang malakas.
"WAAAAAAAAHHHHH!!!!"
"Ay! Anak ka ng tatay mo!" bulalas ni Samantha. Muntik pa siyang madulas sa gulat nang marinig ang sigaw ng mga kaibigan.
Dali-daling kinuha niya ang towel na nakasabit sa sabitan ng banyo at agad ibinalabal sa katawan. Di na siya nag-abala na alisin ang sabon sa buhok at katawan. Patakbong tinungo niya ang mga ito.
Naabutan niya ang mga ito na nakangaga, tila tuliro habang nakatingin sa TV.
"HOY!" inis niyang singhal sa mga ito. "Magkakanerbyos ako sa inyo eh! Mabuti na lang hindi ako mahilig mag kape." Inis na nilingon niya ang direksyon ng TV. "Ano ba kase iyang pinapanood niyo—-" biglang nabitin sa ere ang kanyang sasabihin nang makita ang pinapalabas.
BINABASA MO ANG
Extraordinaire 👑 (kja)
RomanceNo one is perfect, so the saying goes. However, you're completely wrong. Lenard Alfonzo Zabini III, Crown Prince of Clemente, is a perfect human being in every way. He was destined to rule the richest kingdom in Asia, and his intellect and charm we...