The Dinner

61 4 4
                                    

Lahat ng pagtataray ni Samantha ay saglit na nawala nang maamoy niya ang mabangong auroma ng pagkain. Luminga-linga siya sa paligid at nakita niya ang papalapit na mga katulong bitbit ang samu't-saring pagkain na di - pamilyar sa kanyang paningin. Laglag ang kanyang panga sa labis na pagkamangha nang isa-isang inilapag iyon sa mahabang mesa. Animo'y may fiesta sa dami. Bigla siyang nag laway at natakam.

"These are Clementian Foods," there's a pride in the way he said it. "try it, it's delicious," he said and smiled at her.

There's something in the way he smiles at her that makes her heart kilig—sandali, kilig? Anong kilig?! She shook her head to erase that thought. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganun. Lihim niyang kinastigo ang sarili. She pouted and smirked instead. That earned an amused smile from the prince.

"You are really something else, Samantha," he said amused. Inirapan lang ito ng dalaga.

Nag-umpisa nang sumandok ng pagkain si Samantha at halos mapuno ang plato niya. Lahat mukhang masarap at lahat ay nais niyang tikman. Nang magsimula na siyang sumubo ay halos manlaki ang mga mata niya sa sarap. Why the food here tasted so good! So heavenly!

"Ang sarap!" she said in great gusto. Hindi pa siya nakakatikim ng ganito ka sarap na pagkain buong buhay niya. Lasang pang mayaman.

"I'm glad you like it," he said while hiding his smile in his wine glass. Nakaramdam siya ng kasiyahan na nagustuhan nito ang pagkain na ipinahanda niya.

Samantha is far different from all the women he associated himself with. She's so plain, simple, so natural, unbothered and so authentic. Walang halong pagkukunwari. She's in her very self.

And he likes it.

"So, where are you staying in Azucena?" he asked, trying to make a conversation.

"Hmm, sa Barangay Pag-asa, sa bukiring parte, may kalayuan kami sa bayan," Samantha was too busy with her food she didn't bothered to look at him. Iyong tipo hindi pa nalululon ang nginunguya ay sumusubo na ulit. May mga pagkakataon na ginagamit pa nito ang mga daliri sa pagkain.

Magkaharap sila sa mesa kaya napagmamasdan siya ng prinsipe ng maigi. She's eating like a child. Nakawiwiling pagmasdan. "I see," he said. "Are you living with your parents?" Hindi niya alam kung bakit siya biglang naging interesado sa buhay nito.

Patuloy sa pagkain si Samantha hindi nito napansin ang nakangiting tinginan at usapan ng mga katulong na nakasilip sa isang sulok. Basta gutom siya. Period. "Lumaki ako sa apat kong lola. Mga matatandang dalaga sila. Wala na akong magulang, hindi ko na sila nakita. Namatay nanay ko nang ipinanganak ako. Ang tatay ko naman, iniwan si nanay nang malaman na buntis,"

Tatango-tango si Lenard habang nakikinig. Nakaramdam ng awa sa dalaga nang malaman na ulila na pala ito sa mga magulang. That maybe the reason why she grew up into a tough lady. "I'm sorry to hear that,"

"Naku, mahal na mahal ako ng mga lola ko kaya huwag mo kong kaawaan," wika nito. "Prinsesa ako sa aming tahanan anu!" anito at pinandilatan siya. "Ang pinagkaiba lang natin, mayaman ka, kami mahirap lang, pero masaya kami,"

Marami pa sinasabi ang dalaga na hindi na nauunawaan ni Lenard. Nakatingin lang siya sa maamo nitong mukha. Suddenly, a knot formed in his forhead. Bakit habang patagal ay mas gumaganda ito sa kanyang paningin? Even the twitching and pouting of her lips and the way her eyebrows furrowed from time to time looks oddly beautiful. Kasabay ng realisasyon na iyon ay siya ring paglakas ng tibok ng kanyang puso. Strange. He never felt this way before. This is so new to him. Marahil napansin ni Samantha ang mapanuri niyang tingin kaya natigil ito sa pagsubo at napaangat ng mukha. Napatingin ito sa kanya.

Extraordinaire 👑  (kja)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon