Duke Faustino Of Ortaliza

73 6 5
                                    

Ah, one of the best mornings she had ever had for a very long time. She thought as she buried her nose in the soft mattress, inhaling its 'amoy-mayaman' smell.  As soon as she gains her consciousness from a long sound sleep, she heard the merry chirping of the birds from the slightly opened window while the radiant ray of sunlight kissed her skin.

"Good Morning, Samantha," she greeted herself with a sleepy smile as she rolled over to her queen-sized bed, enjoying the huge space like a child.

Even after she opened her eyes, everything feels like a dream. Tinignan niya ang kanyang paligid at hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha. Sino mag-aakala na mararanasan niya ang manatili sa lugar na ito? Hindi para magtrabaho kundi bilang isang bisita ng isang prinsipe?

Agad siyang sumimangot ng maaalala niya ito. Naiinis siya rito bagama't ito ang laman ng kanyang isipan hanggang siya ay makatulog. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng kakaiba tuwing sumasagi ito sa kanyang isipan. Aminado siya na attracted siya rito. Diyos ko, sino ba naman ang hindi eh saksakan nga ito ng kagwapuhan.

At teka, sandali... Bakit mukhang excited siya na makita ito? Luh. Agad niyang nasampal ang sariling mukha at napangiwi sa sakit.

Hoy Samantha, tumigil ka!

Inis na napabangon siya paupo sa kanyang kama at pinagalitang ang sarili.

Hoy, ikaw, iyang kalandian mo pigilan mo! Guard your heart! Naku, ako na nagsasabi sa'yo tigilan mo yan!

Abala siya pagkastigo sa sarili nang bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang dalawang katulong.

"Magandang Umaga po, sinyorita Samantha," sabay na wika ng  mga nakangiting katulong.

Tinanguan niya ang mga  ito. "M-magandang u-umaga," Hindi pa rin talaga siya sanay na tinatawag ng ganun. Naaalibadbaran siya.

Hinawi ng katulong ang malapad na kurtina na nakatabing sa higanteng bintanang salamin at napuno ng liwanag ang buong silid. Mula roon ay matatanaw ang kulay asul na karagatan  at berdeng bukirin ng Villa Grande.  

"Ang ganda..." hindi niya mapigilang maibulalas. Biglang naghugis puso ang kanyang mga mata. Nagmistulang painting ang tanawing iyon sa kanyang paningin. Nakakabighani!

"Nagustuhan niyo po ba ang tanawin, sinyorita?" nakangiting tanong ng isang katulong habang nilalagyan ng bagong pitas na rosas ang vase container sa bedside table.

Nakangiting tinanguan niya ito. "Oo, alam mo mahilig talaga ako sa dagat," she said. "Sayang may kalayuan yung bahay namin sa baybayin. Sa bukid kasi kami nakatira,"

"Mabuti naman kung nagustuhan niyo po, sinyorita," nakangiting wika ng isang katulong habang abala sa pagsinop ng paligid. "Ang prinsipe talaga ang pumili ng silid na ito para sa inyo sinyorita," anito. "Naisip kasi niya na magugustuhan mo ang tanawin mula rito,"

Gulat na natigilan si Samantha. Aba, may kabutihang taglay din pala ang hambog na prinsipeng iyon para maisipan ang bagay na maaaring makakapagpasaya sa kanya. At hindi niya alam kung bakit mukhang kinikilig siya.

Samantha uy! Pinagalitan niya ang sarili sa naisip at inis na muling bumalik sa pagkahiga.

"Ay, oo nga pala, sinyorita," baling sa kanya ng isang katulong. "Kailangan niyo na pong mag agahan at kailangan niyo pang maghanda dahil may pupuntahan po kayong party ng prinsipe,"

Tinatamad na napabangon siya sa narinig. Sigurado siya na sosyalan ang uri ng party na dinadaluhan ng prinsipe at di siya sanay sa ganun.

"Kailangan ko pa bang sumama?" tinatamad niyang wika saka humikab. Di niya talaga feel sumama.

Extraordinaire 👑  (kja)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon