"Whoah!" hindi napigilan ni Samantha na maibulalas nang matanaw mula sa sinasakyang helicopter ang napakagandang puting mansyon na pag-aari ng prinsipe.
- pctto
Napakalapad niyon, parang palasyo!
Hindi ba naliligaw ang prinsipeng 'yon sa laki ng bahay niya?
Saglit na nilingon ni Samanta si Mr. Domingo. "Sobrang laki naman ng bahay ng prinsipe, Mr. Domingo! Nagkikita-kita pa ba kayo niyan sa loob?" tanong niya rito at muling ibinalik sa mansyon ang mga mata. "Sobrang laki!" Ngayon lang siya nakakita ng ganun kalaking bahay buong buhay niya. She heard him laugh at her question.
"I can see that you like the place,"
Napatango-tango lang si Samanth, too thrilled and amazed to say a word.
"You'll see, Miss De Andres, the place appears even more magnificent inside."
Nang lumapag na ang helicopter sa rooftop ng mansyon ay inalalayan siya ni Mr. Domingo na bumaba roon. May mga sumalubong sa kanila na mga nakaunipormeng mga katulong na siyang kumuha ng mga gamit niya.
"We're going to head directly to Prince Lenard's office. We have to hurry up; he's waiting for us." wika ni Mr. Domingo at tinignan ang suot na relo. "We're late," naiiling nitong wika at nilingon siya. "Relax, you'll be fine," wika nito nang mapuna ang bigla niyang pagkabalisa. "Prince Lenard, don't bite," he said and winked at her.
Bigla na naman naging abnormal ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang pangalan ng prinsipe. Napalunok siya. Inihanda ang sarili sa maaaring mangyari. Pakiramdam niya ay isa siyang akusado na naghihintay ng hatol and that would be today.
Bumaba na sila ng kabahayan at halos lumuwa ang mga mata ni Samantha sa labis na pagkamangha.
- pctto
BINABASA MO ANG
Extraordinaire 👑 (kja)
RomanceNo one is perfect, so the saying goes. However, you're completely wrong. Lenard Alfonzo Zabini III, Crown Prince of Clemente, is a perfect human being in every way. He was destined to rule the richest kingdom in Asia, and his intellect and charm we...