Crossroads

153 9 1
                                    

One Month Later...
Juletos Academy
Azucena, Philippines

"There are no accidental meetings between souls."

********

"Excuse me people, makikiraan po. Usog-usog po. Excuse, excuse—ay, aray! Sandali! Teka lang naman!" tili ng kaibigang bakla ni Samantha na si Patrick alias Patricia habang nakikipagsiksikan sa mga estudyanteng nakikibasa sa bulletin board. Sila naman ni Melisa ay nakasunod sa likuran nito nakikisiksik din.

Ngayon ang labas ng resulta ng mga nakapasa sa scholarship program sa Juletos Academy. It's an elite institution for secondary and higher education. Iyon ang pinakasikat na paaralan sa bayan ng Azucena. Halos lahat ng mga may kaya at mayayaman sa Pilipinas ay doon nag-aaral. Ito lang yata ang nag-iisang paaralan sa bansa na may sariling helipad at dock dahil may mga mayayaman na estudyante na hinahatid sundo ng helicopter at yate.

Pak! Oh, saan ka dyan!

Maliban pa roon ay ang Juletos lang ang nag o-offer ng Equestrian Studies sa buong Pilipinas. Kaya nga may sariling kwadra ang nasabing paaralan. Balita pa nga nina Samantha ay may mga Etiquette classes pa roon para sa mga estudyanteng nagmula sa mga dugong bughaw.

Amazing right?

Sabik na hinanap nila ang kanilang mga pangalan sa napakahabang lista ng mga nakapasa.

And voila!

"Anak ng—nakapasa akoooo!" Malakas na napatili ang loka-lokang si Melisa habang nagtatalon. "Yes! Yes! Yes! Nakita ko ang pangalan ko!" Masayang itinuro nito ang pangalan. "Ayan oh, Melisa Cruz!" wika nito at muling tumili. "OMG!"

Di nag tagal ay sunod na humiyaw naman ang baklang si Patricia. "OMG! OMG! Nakita ko ang pangalan ko!" tili nito saka ngumisi nang maluwang. "Ayan-ayan, Patrick Sulit!" turo nito sa pangalan at humiyaw. "Thank you, Lord! Maraming Thank you!"

Si Samantha naman ay biglang nabalisa habang hinahanap ang pangalan sa listahan. Unti-unting nagsilabasan ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.

BAKIT HINDI NIYA MAHANAP ANG KANYANG PANGALAN?!

Bigla siya nakaramdam ng pagkabahala lalo na nang malaman na nakapasa ang kanyang mga kaibigan. Paano naman siya? Parang ang lungkot naman pag maiiwan siya. Kailangan niyang makapasok sa Juletos Academy. Matagal niya nang pangarap ang makapag-aral sa sikat na paaralang iyon. Sino ba ang hindi?

Diyos ko... ibalato mo na lang 'to sakin oh... Mahina niyang usal panalangin.

De Andres,Samantha...

De Andres,Samantha...

De Andres,Samantha... Nasaan na?

Unti-unti na siya nawawalan ng pag-asa. Ngunit biglang lumiwanag ang kanyang mukha nang makita niya ang pangalan niya mula sa mahabang listahan ng titik 'D'. Napahugot siya ng malalim na hininga at napasigaw siya sa sobrang tuwa. "Nakapasa ako! Nakapasa ako!" Tila nais niyang maiyak sa labis na kasiyahan. "Nakapasa tayoooo!"

Masayang nagtilian silang tatlo at nagyakapan habang nagsisitalon. Hindi nila pinansin ang mga naiirita at naiinis na tingin ng mga naroon dahil ang ingay-ingay nila.

"This call for a celebration!" tili ni Patricia na sinang ayunan naman nila. "What are we waiting for, girls?! Chibugan na!"

Nakasanayan na nila na kapag mayroon silang little achievements ay kumakain sila ng street foods sa mga kanto-kanto. Mababaw lang naman ang kaligayahan nila. Kahit kwek-kwek, fishball at favorite nilang isaw, e solve na sila.

Magkaakbay na naglakad na sila paalis doon para maghanap ng isaw to celebrate. Habang nasa daan ay panay ang tawanan nila.

"Tiyak masisiyahan sina Lola pag nalaman nilang nakapasa tayo," nasisiyahan na wika ni Samantha.

Extraordinaire 👑  (kja)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon