Villa Grande

97 5 2
                                    

Sakay ng ferry ay binaybay na nila Samantha ang laot papuntang Villa Grande.

While everyone is excited to be on the dream island and meet the famous TBB, si Samantha naman ay balisa habang nag-iisip ng maaaring gawin upang maiwasan ang posibleng pagkikita nila ng prinisipe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

While everyone is excited to be on the dream island and meet the famous TBB, si Samantha naman ay balisa habang nag-iisip ng maaaring gawin upang maiwasan ang posibleng pagkikita nila ng prinisipe. Nais man niyang e-enjoy ang unang pagkakataon na makatapak sa pinapangarap niyang isla ay hindi niya magawa.

Ngunit naisip niya na sa dami nila at sa laki ng isla ay maaaring hindi naman sila magkita. Kung magkikita man sila malamang hindi naman siya maalala nito. There's nothing special about her naman kaya paniguradong hindi siya maaalala nito.

Kumbinsi niya sa sarili.

Tama! Ganyan nga Samantha. So relax! Tama na ang overthinking at e-enjoy mo na lang ang first Villa Grande experience mo okay?  Kumbinsi niya sa sarili.

Napabuntong hininga siya. Pilit ipinayapa ang dibdib. Tinapunan ng tingin ang dalawang kaibigan na panay ang selfie. Mababakas ang sobrang excitement sa kanilang mga mukha. Ganun din ang iba nilang mga kaklase na hindi mapakali ang pwet sa upuan. Kung hindi lang sana nag krus ang landas nila ng Prinsipe noon di sana'y wala siyang problema ngayon. Inis na napahalukipkip siya. Luminga-linga sa paligid.

Hindi maiwasan ni Samantha ang mamangha nang mapadako ang tingin niya sa pinaghalong kulay ng asul at berdeng karagatan na sinasabayan ng panaka-nakang pagtalon ng mga isda at dolphins. Minsan nagmumukhang salamin ang dagat sa sobrang linis, kumikislap pag tinatamaan ng sinag ng araw.

Habang palaki ng palaki ang isla sa kanilang paningin ay siya ring labis na pagkamangha ang kanilang nararamdaman.

Habang palaki ng palaki ang isla sa kanilang paningin ay siya ring labis na pagkamangha ang kanilang nararamdaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paradise!

Hindi pa man sila nakakasampa sa isla ay natatanaw na nila ang puting buhangin, mga nagtataasang gusali at mga mansyon na nakapalibot sa isla na ayon sa nabasa nilang articles ay pag-aari ng mga TBB at mga mayayamang angkan. Sobrang nakakalula! Tila isa itong maliit na syudad sa gitna ng karagatan.

Saglit na nakalimutan ni Samantha ang kasalukuyang suliranin.

"OMG! OMG!" paulit-ulit na bulalas nina Melissa at Patricia nang sa wakas ay sapitin na nila ang pangpang.

Extraordinaire 👑  (kja)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon