It's yet another splendid morning at Villa Grande. It would be an ordinary day if not for the revelation Lenard shared with her last night. Dadalhin daw siya ng mokong na prinsipe sa Clemente. Is he nuts? Naisip ni Samantha na baka nagbibiro lang ito, na nang go-good time lang.
But she was wrong—so wrong!
Dahil pagkagising niya pa lang nitong umaga ay sangkatutak na missed calls and text messages mula sa mga kaibigan niya ang agad bumulaga sa kanya, nagtatanong kung totoo ang nasagap nilang balita na dadalhin siya ng prinsipe sa Clemente. How did they find out? She had no clue.
MELISSA: HOY, SAM! TOTOO BA 'TONG CHIKA NA NARINIG NAMIN NA DADALHIN KA RAW NG PRINSIPE SA CLEMENTE? KALAT NA KALAT NA 'YAN DITO.
Hanoooo?! Pano nila nalaman ang tungkol doon?!
PATRICIA: DON'T TELL ME MAG JOWA NA KAYO NG PRINSIPE?! HOY MAGPAKIPOT KA NAMAN NG KONTI GIRL! KALOKA KA!
Jowa?! Pinagsasabi nito?!
MELISSA: HOY, MAG REPLY KA NGA!
PATRICIA: SAGUTIN MO TAWAG KO HOY!
Napapikit si Samantha nang mariin. "Anak ng—"at natampal niya ng palad ang noo. "Lenaaaarrddd!" Bumangon ang inis sa kanyang dibdib. Anong karapatan nitong mag desisyon para sa kanya? Ni hindi niya maalala na pumayag siya na dalhin nito sa kung saang lupalop ng mundo. "Humanda ka sa'kin mokong ka, makikita mo," nag-aalburuto niyang wika saka nagdadabog na bumaba ng kama.
Dali-dali lang siyang naghilamos, nag toothbrush, at nagsuklay ng buhok saka bumaba ng kabahayan para hanapin ang prinsipe. Kukumprotahin niya ito.
********
"Seriously, I've been hitting your line for days, and not even a single ringback? Are you like, swamped with being too fabulous for calls or what?" nakangusong wika ni Olivia habang nakapulupot na parang tuko sa braso ni Lenard. "Did you know I traveled all the way from Paris shoppin' just to be here with you instead of going home? That's how much I missed you!" maarte nitong wika.
Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Lenard at napailing-iling, pinipigilan ang sarili na 'wag mayamot. Olivia Parkinson, a cherished family friend from a neighboring kingdom, shares a distinguished lineage with him as they both belong to royal families. 'A perfect match from heaven' nga daw silang dalawa sabi nila, pero hindi niya makuhang magkagusto rito. Kaibigan lang talaga ang tingin niya rito. Totoong iniiwasan niya na magkita sila at hindi niya sinasagot ang mga messages and calls nito baka sakaling matauhan ito na hindi niya ito gusto. Hindi niya akalain na susugod ito ng Villa Grande. Evidently, she still harbored feelings for him despite his repeated rejections.
"Olivia, I already told you that I am very busy with work—hey, wait," This time hindi na napigilan ni Lenard ang maitirik ang mga mata sa inis nang bigla siyang yakapin ni Olivia.
"Well, the good thing is that I'm here now, and we can enjoy each other's company, don't you think?" Malambing na wika ni Olivia at nagpapunggay pa ng mata. "Ipasyal mo muna ako here sa Villa Grande and the next day na ako uuwi,"
Maging si Mr. Domingo na tahimik lang na nakamasid sa kanila ay hindi mapigilan ang maitirik ang mga mata at mapailing-iling.
Lenard let out a low grunt as he begins to get irritated. Augh! This woman! "Olivia, look I have a lot of important things to do right now, besides—"
"Lenaaaaard!" Ang nangagalit na boses ni Samantha ang umagaw ng kanilang atensyon. Agad silang napalinga sa paligid para hanapin kung nasaan nangagaling ang boses.
There you are.
From where he was standing, he saw Samantha approaching. Nakabusangot at tila handa na naman makipag-away. Hindi napigilan ni Lenard ang mangiti. Ano na naman ba ang nagawa niyang mali para magalit na naman ito? At teka... ba't ang ganda nito ngayong umaga?
BINABASA MO ANG
Extraordinaire 👑 (kja)
Любовные романыNo one is perfect, so the saying goes. However, you're completely wrong. Lenard Alfonzo Zabini III, Crown Prince of Clemente, is a perfect human being in every way. He was destined to rule the richest kingdom in Asia, and his intellect and charm we...