Isang katakot-takot na sermon ang inabot ni Samantha sa masungit nilang supervisor. Halos isang oras na yata itong nagtatalak at wala pa itong balak tumigil. Para itong dragon na umuusok ang ilong at nagbubuga ng apoy. Kulang na lang kainin siya nito ng buo. Heto naman siya, nakayuko habang nakikinig sa litanya nito. Ang mga kaklase niya naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok.
Unang araw niya pa lang sa kanilang practicum at mukhang ekis na siya. Hindi na siya magtataka kung makatatangap siya ng failing grade sa kanilang practicum. Bigla siyang nalungkot sa naisip. Nais niyang maiyak ngunit pinigilan niya ang sarili. Babawi na lang siya sa susunod, iyon ay kung may susunod pa.
Ano pa nga ba?
Ngayon na nalaman na ng prinsipe na isa siya sa mga scholars nito ay inaasahan niya na na mawawalan siya ng scholarship. Ngayon pa lang ay kailangan niya na mag-isip kung paano makahahanap ng mura na university sa bayan ng Azucena. Mamamaalam na siya sa Juletos Academy, sa paaralang pinapangarap niya. Hindi pa man nangyayari iyon ay nagluluksa na ang puso niya.
Isang naka all-black corporate suit na lalake ang biglang pumasok sa kanilang quarters. May kasama itong apat na bodyguards. Lumapit ito sa kanilang supervisor kaya saglit itong tumigil sa katatalak. Biglang umamo ang kanina'y mabangis nitong mukha.
"Oh, Hello, Mr. Domingo!" masiglang bati ni Maam Marites sa di inaasahang bisita. "What can I do for you? May balak ka palang bumisita hindi ka nagpasabi,"
Ngumiti ang lalake pagkuway lumapit ito sa supervisor at saka bumulong dito.
Hindi nila alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit makikita ang gulat sa mukha ng supervisor habang palipat-lipat ang tingin nito sa kausap na bisita at kay Samantha.
"T-Talaga, iyon ang gusto niyang mangyari?" tanong ng supervisor dito. Mababakas sa boses ang hindi pag sang-ayon. "Di kaya lumikha pa ang batang ito ng bagong problema roon, nakakahiya," she said in a displeased tone.
"Yes, ma'am, it's an order. He wanted her to start immediately this afternoon,"
"This afternoon?!" gulat nitong bulalas.
Tumango ang lalake. "Yes, ma'am. Is there a problem with that?"
Alanganing napailing at pilit na napangiti ang supervisor. "O-Of course, there's no problem with that, Mr. Domingo,"
"Good to hear that,"
"I will just give a few instructions to her." anito at nilingon si Samantha at pasimpleng inirapan. Napanguso naman si Samantha sa iginawi ng supervisor.
"Certainly, ma'am. Anyway, I have to leave. I'll be waiting by the helicopter."
Nagkamay ang dalawa bago tuluyang umalis ang lalake.
Tila stress na hinilot ng supervisor ang kanyang sintido bago tinignan si Samantha. "Miss De Andres," mababakas sa boses nito ang pagkayamot.
Bigla siyang napaunat. "P-po maam?"
"You have a new assignment,"
Hindi alam ni Samantha ang dahilan ngunit biglang bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Tumango siya. "O-Okay, Maam. I swear hindi na po ako papalpak, m-mag-iingat na po ako—"
"You better be," she said sternly. Hindi man lang siya pinatapos sa kanyang sinasabi. "Because starting today, you will be working for the Prince while he's here at Villa Grande," she said.
"Po?!" hindi niya namalayan na naibigkas niya iyon nang malakas. "Magtatrabaho ako sa p-prinsipe?!"
Ang mga kaklase niya na naroon at narinig ang sinabi ng supervisor ay gulat na napasinghap at biglang nagbulungan.
BINABASA MO ANG
Extraordinaire 👑 (kja)
RomansaNo one is perfect, so the saying goes. However, you're completely wrong. Lenard Alfonzo Zabini III, Crown Prince of Clemente, is a perfect human being in every way. He was destined to rule the richest kingdom in Asia, and his intellect and charm we...