The Missing Medallion

221 14 2
                                    

"Mga inutil!" Bernard shouted. He's so angry. Namumula ang mukha niya at halos mag galawan ang mga kalamnan niya sa leeg at panga. Katakot-takot ang anyo niya. Malayong-malayo sa Prince Bernard na kilala ng buong Clemente.

Ang mga tauhan niya ay nanginginig sa takot. Tila nais pa maihi ng iba sa sobrang nerbyos. Halimaw ang kanilang amo. Kaya nitong kitilin ang kanilang mga buhay ano mang oras nitong gustuhin. Wala silang laban.

"P-Prince Bernard... g-ginawa naman po namin ang iniutos niyo. Nilagyan po namin ng ahas ang dinadaanan ng hari para magwala ang kabayo at lumabas na aksidente ang nangyari pero—"

"Pero ano?!" he interrupted him. Naniningkit ang mga mata sa galit. "Pumalpak kayo?!" sigaw nito at sunod-sunod na nag mura. Kung natuloy sana ang plano ay madali niyang maagaw ang trono ng kapatid. After all, the crowned prince is still young at hindi pa nito kayang gampanan ang tungkulin ng ama nito bilang hari kung sakaling namatay ito. Siya ang kunwa'y panandaliang papalit bilang hari ngunit gagawa siya ng paraan para hindi na makababa pa sa trono kailanman.

Kung tutuusin siya naman talaga dapat ang naging hari dahil siya ang panganay na anak ng namayapa nilang amang hari. Ngunit hindi iyon nangyari dahil sa kadahilanang anak siya sa labas. Hindi pinanindigan ng hari ang kanyang ina dahil isa lamang itong hamak na tagapagsilbi sa palasyo. Lasing di umano ang hari nang may mangyari sa kanila ng kanyang ina. Gayun pa man, hindi naman ipinagkait ng kanyang ama ang kanyang pangalan at kinilala siya nito bilang isang prinsipe. Ngunit lahat ng karapatan ng isang panganay ay hindi niya natamasa kailanman. Maliwanag pa sa sikat ng araw na mas mahal ng kanyang ama si Leopardo. Lahat ng naisin at hilingin nito ay binibigay nito. Ngunit kung siya ang hihingi ay kailangan pa nitong pag-isipan. Tinangap lahat iyon ni Bernard. Ngunit ang kanyang pagpapasensya ay may kasukdulan. Dahil pati ang kauna-unahang babae na kanyang inibig—si Claudia ay napunta lang din kay Leopardo. Wala na may natira sa kanya. Iyon ang hindi niya matangap!

Muntik na siyang magtagumpay sa kanyang balak. Konti na lang sana at mapapasakanya na ang inaasam na korona—ang korona na dapat naman talaga ay kanya. Babawiin niya lang naman iyon sa kapatid. Alam niyang habang nabubuhay si Leopardo ay hindi mangyayari ang inaasam kaya mas pinili niya itong pagtangkaang patayin. But it was ruined! Dahil iyon sa mga hangal at tanga niyang mga tauhan.

"D-dapat po sana eh mahuhulog na ang hari sa bangin pero may nakakita po sa kanya, Prince Bernard," nangangatog sa takot na wika ng isang tauhan.

"Oo nga po," wika naman ng iba pa.

"D-Di na po sana tatagal ang hari sa pagkakapit sa bangin kung hindi lang po may tumulong sa kanya," katwiran pa ng isa.

Nang-uuyam na napahugot ng malalim na hininga si Bernard. "Yeah, I heard about that," aniya at galit na napatango-tango. "That damn old man!" Pagsisisihan ng taong iyon na tinulungan niya si Leopardo. He will make him pay for ruining his plan.

"Bueno, may chansa pa kayo na bumawi," aniya sa mga tauhan at tila demonyo na ngumisi. "I want you to put an end to that idiotic old man who helped my brother,"

Nagkatinginan ang mga tauhan niya sa kanyang sinabi. "Kailan po?" they asked.

Bernard raised an eyebrow and smirked. "I don't want to wait any longer. I want it done tonight. Make sure he is dead before sunrise."

********

********

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Extraordinaire 👑  (kja)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon