Laglag-panga at dilat na dilat si Samantha habang pinagmamasdan ang kanyang paligid. Nakasunod siya sa katulong na magdadala sa kanya sa kanyang silid.
"Magandang hapon po, Siñorita," sabay na wika ng nadaanan niyang mga katulong.Gulat na napasinghap si Samantha. "A-ako ba ang tinawag nilang siñorita?" tanong niya sa sinusundang katulong.
Nakangiting tinanguan siya nito. "Opo, Siñorita."
Luh!
She shook her head at nilingon ang mga ito. "Naku, Samantha na lang po, mga ate. Hindi po ako bisita rito. Nagkakamali po kayo,"
Alanganing nagtinginan ang mga katulong at hindi kumibo. Nginitian lang siya ng mga ito.
Napansin ni Samantha na bawat dulo ng corridor ay may nakapwestong mga imperial guards na tila mga estatwa na hindi gumagalaw. Binilang niya iyon sa isip at sa tantiya niya ay mga sampung gwardya na ang nadaanan niya. Sigurado siya na marami pang guards sa iba pang parte ng mansyon. Sa palagay niya ay natural lang iyon dahil prinsipe ang naninirahan doon.
Whoah!
Labis siyang nabighani sa mga naggagandahang mga paintings na nakasabit sa dingding. Halatang gawa ng mga kilalang pintor at mamahalin lahat ng iyon.
Kahit ang mga mumunting figurine at statuette na babasagin ay halatang ginto ang halaga. Kaya nag-iingat siya na baka may masagi siya at may mabasag. Baka habang buhay niyang pagtrabahuan 'yon para bayaran.
Pagkatapos ng tila walang katapusang mga pinto ay nasapit na nila ang kanyang silid. May nakabantay din na dalawang imperial guards doon at ang mga ito na mismu ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
Sosyal!
"Kahit saan talaga may gwardya ano?" pabulong niyang wika sa katulong na nginitian at tinanguan nito.
Oh!
Saglit niyang nakalimutang huminga nang makita ang loob ng silid.
BINABASA MO ANG
Extraordinaire 👑 (kja)
RomanceNo one is perfect, so the saying goes. However, you're completely wrong. Lenard Alfonzo Zabini III, Crown Prince of Clemente, is a perfect human being in every way. He was destined to rule the richest kingdom in Asia, and his intellect and charm we...