Authors Note: Don't forget to vote guys ❤️
Ang eleganteng kisame ang unang nakita ni Samantha nang imulat niya ang kanyang mga mata. Napangiwi siya nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang katawan. "Aww," Dahan-dahan siyang napabangon habang sapo ang noo. Umiikot kasi ang paningin niya.
Naalala niya ang nangyari sa kanya sa banyo at agad niyang pinagalitan ang sarili sa kanyang katangahan. Bukod sa nahimatay siya ay wala na siyang may naalala sa nangyari.
Ang lampa-lampa mo talaga Samantha!
Ewan ba niya at malapitin talaga siya sa aksidente o sadyang tanga lang talaga siya.
"Nasaan ako?" Napalinga-linga siya sa paligid at napansin niya na nasa ibang silid siya. Di hamak na mas malapad at mas elegante ang kinaroroonan niya ngayon. Mas nakakalula ang mga kasangkapan.
BINABASA MO ANG
Extraordinaire 👑 (kja)
RomanceNo one is perfect, so the saying goes. However, you're completely wrong. Lenard Alfonzo Zabini III, Crown Prince of Clemente, is a perfect human being in every way. He was destined to rule the richest kingdom in Asia, and his intellect and charm we...