The Dance

66 3 8
                                    

"Aray—ano ba!" pinandilatan ni Samantha ang mga kaibigan nang agad siyang kaladkarin ng mga ito sa isang sulok nang magkatiyempo siyang makalapit sa mga ito. Nakapameywang silang dalawa at mukhang sesermunan siya.

"What is the meaning of this, gurl?" eksaheradang tanong ni Patricia. "Dalawang araw ka pa lang sa mansyon ng Prinsipe eh nakipagdate kana agad?! Kaloka ka!"

"Oo nga! Magpakipot ka naman kahit konti! Baka isipin niya easy to get ka!" eksaheradang turan din ni Melisa. "

"Naku, naku, naku, sinasabi ko na nga ba, e bet mo rin si Prince Lenard eh," muling talak ni Patricia.

"Korek!" segunda ni Melisa at nag-apiran pa ang mga ito. "Pa kunwang ayaw mo pa,"

Maang na nanlaki ang mga mata ni Samantha at pinektusan ang mga kaibigan.

"Aray!" nakasimangot na wika ng mga ito habang sapo ang parte ng sentido na binatukan niya.

Inirapan ni Samantha ang mga ito. "Anong pinagsasasabi niyo? Excuse me, hindi 'to date ano! Kung ako nga ang tatanungin hindi ako sasama sa party na 'to. Ewan ko ba sa prinsipeng 'yun..." aniya at sinulyapan ang direksyon nang prinsipe. Nakita niyang abala ito sa pakikipag-usap sa duke at mga kaibigan kaya hindi nito namalayan na umalis siya.

Ibang klase talaga... kahit malayo sa kanyang direksyon ang prinsipe ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang nag-uumapaw nitong kagwapuhan. Iyong tipong kahit anong gawin nito ay di niya makitaan ng kapintasan. Kahit ang pagtawa, pag-iling, pagtango, pati pagtaas ng kilay, maging ang simpleng pag-inum nito sa hawak na wine ay perpekto...

"At.. auh.. hindi ko siya t-type?" aniya sa mababang boses. Ngunit bakit mukhang kinukumbinsi niya lang ang sarili?

"Aah.. kaya pala ganyan ka makatingin sa prinsipe..." nakangising wika ni Melisa. "Eh, hindi mo nga talaga siya type," sarkastiko nitong wika.

Inalis ni Samantha ang mga mata sa prinsipe at tinitigan ang mga kaibigan. Eksaheradang naitirik niya ang mga mata. Pinagkrus ang mga braso sa dibdib at iningusan ang mga ito.

"Oo na. Gwapo siya. Pero iyon lang yun!" aniya at pinandilatan ang mga ito. "Huwag kayong anu riyan.. masyado kayong malisyosa..."

Naiiling na napahalukipkip ang mga ito at sabay na naibulalas ang "Hasuusss..."

"Eh, maiba ako, kamusta ka roon? Ano trabaho mo roon?" tanong ni Patricia. "Nag-alala kami akala namin pinaglinis kana ng buong mansyon bilang kaparusahan. Tapos andito ka sa party, pak! naka-awra?!" naiiling na wika nito.

"Oo nga," wika ni Melisa. "Magkwento ka dali!" atat nitong wika.

Napangiti si Samantha sa iwinika ng mga kaibigan. Maniniwala ba ang mga ito pagkinuwento niya na mala-prinsesa siya sa puder ng prinsipe.

"Hindi kayo maniniwala sa nangyari..." naiiling niyang wika at nagsimulang magkwento. Mula sa pagdating niya sa mansyon, kung gaano iyon kagara at kaganda, kung ano kadami ang mga katulong at gwardya, pati ang magandang silid na tinutuluyan niya, ang pagkakaroon niya ng personal maid, at ang dinner na pinagsaluhan nila ng prinsipe. At nakita niya ang panlalaki ng mata ng mga ito habang nakanganga.

"OMG!" kilig na naghampasan ng braso ang mga ito pagkuway hinawakan siya sa braso at inalog-alog!

"Aray—uy, ano ba—"

"OMG! Kinikilig akoooo!" mahinang tili ni Melisa.

"Parang fairytale, gurl! Grave!" mahinang tili rin ni Patricia habang patalon-talon.

Pinandilatan ni Samantha ang mga ito. "Uy, nakakahiya pinagtitinginan tayo, ano ba—"

"Bakit feeling ko, bet ka ni Prince Lenard?!" kilig na wika ni Melisa.

Extraordinaire 👑  (kja)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon